CHAPTER 5

182 29 0
                                    

VINX SEYFREID

VINX SEYFREID

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

• Chapter 5 •

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Chapter 5 •

Kinabukasan hindi ko ulit nakita si Shawn. Pero pagpasok ko merong pinagkakaguluhan ang mga Estudyante, Mostly Girls. Hindi na ko nakiusyoso at dumaretso sa Classroom ko. Masyado na kong maraming iniisip kaya wala akong panahon para maki chismiss kung anong meron at nagkakagulo sila.

"Good morning, Class" Agad na bungad samin ng Adviser namin. Nakangiti ito at namumula.

Nakainom ba 'to? Ani ko sa isip ko. Pulang pula kasi sya.

"We have a new transferee" aniya bago sumenyas sa kung sino man ang nasa labas. Pumasok ito at dun na nagkagulo mga kaklase kong babae.

Matangkad, Moreno, Medyo malaki ang katawan siguro may muscles to. At hindi ko maitatanggi na may itsura ang lalaking ito kaya hindi na ko mag tataka.

"OMG! Classmate natin sya"

"I can't believe this, I have my new inspiration"

"Sorry, Shawn. But this guy stole my heart"

"I will make him mine, so back off"

Kanya kanyang salita ang mga chaka kong kaklase. Mga talande!

"I'm Kyske Ashura, Nice to meet you all" pormal na pakilala nya sa sarili nya.

Lumingon-lingon sya sa paligid para maghanap ng upuan natuon naman ang tingin nya sakin na ikinagulat ko.
Seryoso ang mukha nya kaya napataas ang kilay ko.

Wag nyong sabihin na trip din nya ako na i-bully?

Wala bang matinong estudyante sa school na to? Umayos ako ng upo at tinanggal ang salamim ko bago ko yun pinunasan.

"Pwede ba ko dito maupo?"

Gulat na napatingin ako sa kanya. Nakatayo sya sa gilid ko at tinuturo ang bakanteng upuan sa tabi ko. Agad kong sinuot ang salamin ko at tumngo.

Natapos ang klase ng hindi ko namamalayan ang oras, napatingin ako kay Kyske na nasa tabi ko nakatingin sya sakin. Actually kanina pa sya nakatingin sakin kaya naiilang ako!

"Is there something wrong with my face?" Lakas loob na tanong ko sa kanya. Ngumiti sya bago tumayo napatingala ako kasi ang tangkad nya hanggang balikat lang ako.

"Nothing" pagkasabi nya nun lumabas na sya ng room.

Paglabas ko hinagilap agad ng mata ko sa Shawn. Baka sakaling andyan sa paligid pero walang Shawn ang nagpakita. Dahil sa nangyari kagabi at natatakot na ako na maulit ulit ang nangyari kagabi nag pasundo ako kay Papa.

Kasalukuyan akong nag da-drawing ng matigilan ako dahil may kung anong tumama sa bintana ko. Or should I say may bumato sa Bintana ng kwarto ko.

Tumayo ako para tignan iyon ng biglang sumulpot si Shawn sa bintana. Nanlaki ang mata ko ng makitang may dugo ang ulo nya agad kong binuksan ang bintana.

"A-anong nangyari sayo?"

Ngumiti sya at agad ko syang nasalo ng akmang matutumba sya.

"Hoy!" Ginigising ko sya pero wala syang sagot inihiga ko sya sa kama ko.

Hala! Anong gagawin ko? Tawagin ko si mama? Baka mapatay ako ni papa pagnakita nya si Shawn dito.

Hinawi ko ang buhok nya at tinignan ang ulo nya na pinagmumulan ng dugo. Meron cut iyon kaya agad hinanap ko ang Medical kit ko sa ilalim ng kama. Nilinis ko iyon pero hangganh matapos ako ay hindi parin gising si Shawn.

Baka patay na to? Patay na kaya to??

Chineck ko ang pulso meron naman. Kaya nakahinga ako ng maluwag. Hinayaan ko lang sya matulog sa kama ko at ako ay nakaupo sa gilid at pinagmamasdan sya.

Ano bang nangyari sa taong to?

Agad akong napatayo ng magmulat sya ng mata. Lumapit ako sa kanya.

"Naaalala mo ba ko? Alam mo ba pangalan mo?" Tanong ko na nilalapit ang mukha ko sa kanya.

Kumunot ang noo nya at tinulak ako.

"Wag mo nga ilapit ang panget mong mukha sakin, Nerd" aniya.

"Ahh, ganun?" Automatic gumalaw ang kamay ko at nabatukan sya kaya bigla syang napangiwi at humawak sa ulo nya. "Hala, Sorry"

"Fuck that Bloodsucker" galit na sambit nya.

"Ano bang nangyari sayo?" Tanong ko.

"I've encountered three of those bloodsucking vampire on my way here, one of them throw me away and this what I've got"

"Wait on your way here? Hindi ka naman dito nakatira ah?" tanong ko.

Natigilan naman sya at biglang tumayo.

"Why are you asking to much?" tinulak nya ko ulit kaya napaupo ako. "I need to go, thanks anyway"

Pagkasabi nya nun bigla syang tumalon sa bintana kaya napasigaw ako sa gulat. Nasa 2nd floor kwarto ko for godsake!

"Baby, Are you alright?" Rinig kong tanong ni Mama na kumakatok sa labas ng kwarto ko.

Nakita ko naman si Shawn na dire-diretso sa paglalakad paalis na parang hindi sya tumalon mula sa bintana ko.

I'm With The VampiresWhere stories live. Discover now