Chapter 58

70 4 0
                                    

• Chapter 58 •

Aera's PoV

"Ayos lang kaya siya?" Nag aalala kong tanong matapos namin iwas si Elizabeth kasama ang nakakatakot na halimaw na iyon mag isa.

Ngumiti sakin si Shawn. "Nakakalimutan mong si Elizabeth ata iyon, Aera"

Bigla akong natawa ng maalalang si Elizabeth nga pala iyon, ang babaeng muntik ng makapatay sakin knowing na I've already turned into a Vampire.

Napahinto kami sa pagtakbo ng bigla silang huminto lahat. Sumenyas si Serid na maging alerto sa paligid.

"We're here" si Chris. Katabi namin sya ni Shawn. Napatingin ako sa paligid ng makitang nasa kalagitnaan lang kami ng kagubatan kung hindi ako nag kakamali nasa Pusod kami ng Gubat na pinasukan namin.

"Dito? Eh wala naman akong makita" takang tanong ko.

"You'll see.." ngumisi sakin si Demeter. Nang masiguradong walang ano man ang nasa paligid nag simula kaming mag kumpulan.

"I'll go first" aniya ni Serid. Kunot ang noo kong tinignan sya. Ni wala akong makitang Entrance or secret passageway na pwede naming daanan patungo sa Mundo nila. Nag papatawa ba sya?

Sunod lang ang tingin na nakatingin kami sa kanya. Tumayo sya sa gitna at itinaas ang kamay. Sa gulat ko bigla syang tumagos doon, He winked at me bago tuluyan pumasok sa lugar na hindi ko alam kung ano!

Nang lalaki ang mata na tinignan ko sila.

"There's an entrance here only us can Enter" Drey.

Maya-maya bumalik si Serid.

"Bilisan nyo"

Napalunok ako bago sabay kaming lumapit na lahat. Kinapa ko ang entrance na sinasabi nila at gulat na bigla akong makapasok na ibang iba ang lugar. Hindi mapunong lugar kung nasaan kami mismo, isang lugar na madilim at puno ng iba't ibang bato na gusali.

Tumingin ako sa iba, kita ko sila mula rito. Nakapasok si Chris, Demeter at Drey, Fran at ang mga kasama ni Serid sa laking pag tataka ko hindi makapasok si Shawn at Amanda.

"Bakit hindi sila makapasok?" Taranta kong tinignan si Serid.

"Aera!" Tawag sakin ni Shawn. Lumapit ako sa kanya at hinawakan sya sa kamay at pilit syang pinapasok ngunit parang may malaking harang sa pagitan naming dalawa.

"Fuck! Hindi nga pala tayo makakapasok" medyo inis na ani ni Amanda.

"Only born as Vampires and has a Blood of Noble Vampire can enter this place. Bawal ang gaya nila na Tao noon" Demeter.

"What? But I need Shawn he...." Naputol ang sasabihin ko ng hilahin ako ni Serid sa pulso ko.

"Kailangan na nating umalis"

"But...." Pag pupumiglas ko at tinignan si Shawn na hinahampas hampas ang daan papasok dito. Tumalsik lamang ito ng magpumilit sya.

"Shawn..."

"Aera, Just promise me. Babalik ka" Shawn. Dali dali akong lumabas at niyakap sya. Niyakip din nya ako ng mahigpit. "I'll be fine here. Hihintayin na lang kita dito..."

"Babalik ako" pag kasabi ko nun hinila ako ulit ni Serid at iniwan namin si Shawn at Amanda doon na nakatingin samin.

Sobrang lamig sa lugar na ito. Walang kabuhay-buhay. Tahimik kaming nag lalakad lahat nag tatago sa makapal na tela na aming pinang tataklob saming mga ulo.

I'm With The VampiresTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon