Chapter 21

111 15 0
                                    

• Chapter 21 •

Aera's POV

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Tumingin ako sa paligid at nagulat ng makita si Shawn sa tabi ko na tulog habang hawak ang kamay ko. Agad ko naman hinila ang kamay ko kaya nagising sya.

"Gising ka na, How are you feeling?" Tanong nya sakin.

"Nasaan ako?" Hindi kasi pamilyar sakin ang nasa paligid. Wala naman ako sa Hospital.

"Dinala kita sa Base, Nagugutom ka na ba? Sandali, Kuha kita ng pagkain" Dali-dali syang tumayo at umalis ng kwarto kaya hindi ko na sya napigilan.

May nangyari nga pala sa akin. Saka bakit kasama ako ni Shawn? Wala sya doon, Isa pa. Hindi sya ang nag ligtas sakin kundi ang lalaking iyon. So paanong nadala ako ni Shawn dito sa base nila?

"That guy, A Vampire ..." Bulong ko bago napahawak sa leeg ko ng maalala na hinawakan nga pala ako sa leeg ko at bumaon ang kuko ng lalaking iyon sa leeg ko.

Hindi ako maaring magkamali, Isa syang Bampira his eyes were red. His Strength. Pero bakit pinatay nya ang kapwa nya Bampira? Alam kaya nila Shawn ang tungkol sa kanya?

"Aeraaaaa~" isang malakas na pagbukas mula sa pinto ang nagpalingon sakin at nakita ang tumatakbong palapit sakin na si Andrew. Niyakap nya ko kaya napangiwi ako nadali nya kasi ang sugat ko. "Sorry.."

Kasunod naman na dumating sila Elizabeth at Vinx.

"Kamusta?" Tanong ni Vinx.

"We heard what happened to you" si Elizabeth na seryoso.

"You're lucky, Kyske and Shawn found you" tuloy naman ni Andrew bago umupo sa gilid ng kama na kinauupuan ko.

Nakita nila ako? So hinanap nila ako na dalawa?

"We don't have any idea why those Vampires kidnapped you" Vinx. Tumingin ito sakin

Maski ako walang ideya, Pero gaya ng sabi nila pinagkamalan nila akong Girlfriend ni Shawn.

"Akala nila Girlfriend ako ni Shawn" tumingin sila sakin na tatlo ng gulat. "Yun ang sabi nila sakin"

"I've already warned you, Aera. Ganyan ang mangyayari sayo" Elizabeth.

Napayuko naman ako ng maalala ko ang sinabi nya sakin noon. Isa pa, I'm not with Shawn that day nagkataon lang na nakita namin sya ni Kyske. Halos hindi na nga kami nag uusap ni Shawn.

Bigla naman pumasok si Shawn at may kasamang may dalang pagkain.

-----------

"Sige anak, Mag pahinga ka na sa taas" nakangiting sabi sakin ni Mama. Kasalukuyan kaming nasa sala at kasama namin si Shawn. Hinatid nya ko dito sa bahay, Hindi ko alam kung anong kasinungalingan ang sinabi ni Shawn at hindi nagalit sila Mama at Papa kahit na makita nilang may sugat ako sa leeg.

Ang lalaki ng ngiti nila pareho habang kaharap si Shawn kaya napatapik ako sa noo ko. Naiwan si Papa at Shawn samantalang sinamahan ako ni Mama Sa Kwarto ko.

"Hindi ko alam na may gwapo ka palang Nobyo anak" ngiting ngiti parin ito. Nahinto ako sa pag higa ko at tumingin kay mama.

"Ano? Hindi ko Boyfriend yun!" Inis na sagot ko.

"Nako, anak. Wag ka ng mag sinungaling. Inamin na samin ng batang iyon" tumawa ito at kinikilig na hinampas ako sa Balikat. "Gwapo din naman si Kyske. Gusto ko sya para sayo, pero may nobyo ka na pala" tinusok tusok nya ang tigiliran ko na para syang Teenager.

"MAAA!" Inis na sabi ko. Tumigil naman sya pero panay ang Ayiie ayiiie nya sakin na nakakairita na talaga.

Shawn! You jerk. Anong pinagsasabi mo kila Mama at Papa?

Iniwan ako ni Mama at bumaba ulit. Ang tagal ko ng nakahiga at nakatulala pero hanggang ngayon rinig ko pa din ang tawanan nilang tatlo mula sa ibaba. At mukhang enjoy na enjoy sila kausap si Shawn.

Wala bang balak umuwi ang lalaki na iyon?! Gabing-gabi na kaya.

Bumaba ako ulit at nakita ko si Papa at Shawn na nag iinuman. May alak sa lamesa at kita sa mga ito na Lasing na! Si Mama naman lumabas ng kusina at mukhang nag liligpit na ng mga pinag gamitan na pinggan.

"Anak. Dito na patulugin ang Nobyo mo, Dis oras na ng gabi" lumapit ito kay Papa. "Halika tulungan mo ko dalhin sa kwarto ang Papa mo" agad naman akong umalalay para madala sa kwarto si Papa. "Ikaw ng bahala kay Shawn huh" pag sabi nya nun sinara nya agad ang pinto.

Seryoso? Pababayaan nya lang ako na asikasuhin ang tao na iyon?

Ngayon nakatayo ako sa harap ng lasing na si Shawn. Pulang-pula ito na parang kamatis. Kung hindi naman pala kaya nya uminom bakit nakipag inuman pa sya kay Papa?

"Hoy!" Sinampal ko sya kaya nagising sya.

"Wui~ Nerd!" Itinaas nito ang kamay at tinuro ako bago tumawa. "Aeraaaaaa~" bigla naman itong tumayo at lumapit sakin na pagewang-gewang.

Lasing na nga ito!

"Lasing ka na" tipid na sabi ko.

"Lam kows" ngumiti ito at sa bigla ko bumagsak sya buti na lang at nasalo ko sya. Ang mukha nya nasa balikat ko. Dahil matangkad sya doon bumagsak ang ulo nya. Saka kapag kamay pinansalo ko sa kanya baka sumama sa sahig ang kamay ko mabigat kaya sya.

"Ang sakit mo sa ulo" inalalayan ko naman sya paakyat sa kwarto ko. Ang guess room namin hindi nalinisan kaya panigurado madumi iyon. Kaya sa kwarto ko na lang sya dadalhin.

Binagsak ko sya sa kama ko at bumuntong hininga.

"Anong gagawin ko sayo?" Napahawak ako sa ulo ko

"Aera~" tawag nya sa pangalan ko. Akala ko gising na sya Pero paglapit ko tulog parin.  "Don't leave, Aera" he said. Napakunot ang noo ko.

Nagsasalita sya ng tulog? Baka mamaya nahilik na to. Saka saan naman ako pupunta? Bakit ba ako ang napapaginipan nito?

Binato ko sya ng mga unan ko at kumot hanggang sa natakluban na sya.

"Bangungutin ka sana hmmpph~"

Lalabas na sana ako ng kwarto ko pero natigilan ako sa sunod na sinabi ni Shawn.

"I love you, Nerd~"

Just what the f???

I'm With The VampiresWhere stories live. Discover now