Chapter 22

5K 206 50
                                    

CRISSY

Pinalipas ko muna ang limang buwan bago namin kinausap si Melchor. Sinadya kong huwag makipag-communicate sa kanya. Hindi ko naman binawalan ang mga anak ko na makipag-usap sa ama nila pero pinili nilang huwag na munang kausapin ang ama nila. Ginalang ko na lamang ang pasya nila kahit labag sa akin iyon. 

Ako naman ang may problema hindi naman sila. Gusto ko munang ayusin ang sarili ko. Hindi na ako ang dating Crissy na matatag at may self confidence. Sa limang buwan nag-under ako ng therapy. Gusto kong ayusin ang sarili ko. Gusto ko kapag humarap muli ako kay Melchor matatag na ako at hindi nagseself pity.

Nakiusap ako kay Magdalena na dalhin niya si Melchor sa parke para doon kami magkita. Pinagbigyan naman niya ako. Ayon sa kanya naawa na daw siya kay Melchor dahil palagi daw lasing at napaka lungkot. Mukha na daw ermintanyo at mukhang mabaho. Kasi nga dahil sa buhok at balbas daw nito.

Sobrang kaba ang naramdaman ko ng makita ko siya. Hindi na maayos ang hitsura ni Melchor. Sobrang iyak ko ng mayakap ko siya. Nagiguilty ako sa paglayo pero kailangan kong gawin iyon. Hindi ko maayos ang sarili ko kung nandiyan ako sa tabi ni Melchor. Gusto kong tumayo sa sarili kong paa. Masyado akong kinain ng pagkaawa ko sa sarili ko.

Pinaghahandaan namin ngayon ang surprise party sa kaarawan ni Melchor. Kinausap ko si Marieyah para doon ganapin sa kanyang coffee shop dahil may function area siya na nakahiwalay para lang sa mga gathering kagaya ng birthday.

Ang triplets ang naghanda ng mga surprise party at si Milagros naman ang namili ng nga pagkain ihahanda. Napaka hands-on ng mga anak ko. Hindi ito pangkaraniwang party na pangmatanda. Actually para ngang children party na ito. Kasi ang mga anak ko ang nagplano. May palaro din para sa matatanda. Napangiti ako kapag naiimagine ko ang mga hitsura ng bisita. Nakasuot ng birthday hats at may mga lobong hawak. Napahagikgik ako sa isipang iyon.

"Parang masaya yata ang irog ko ah?" Napalingon ako kay Melchor. Hinagkan niya ang pisngi ko at tumabi sa akin.

"Natutuwa lang ako at maayos na tayo. Sana kung ano man ang pagdaanan natin sa susunod, sana hindi tayo bibitiw sa isa't-isa." Hinaplos ko ang pisngi ni Melchor. Naging guwapo na siya ngayon dahil nag-ahit na aiya ng balbas niya. New hairdo na din, wala na yung long hair niyang buhok.

"Oo naman irog ko. Kung may sumira man sa atin-sa akin lagi mong tatandaan na ikaw at ikaw lang ang babaeng mahal ko at mamahalin ko habang buhay." Napangiti ako. Naalala ko bigla si Judith.

"Nagkakausap pa din ba kayo ni Judith?" Tanong ko.

"Noong bago tayo magkausap nagpunta siya sa opisina ko. Gusto niyang magkaayos kami kagaya ng dati." Kapal din ng mukha ng babaeng iyon. Hinaploa ni Melchor ang pisngi ko. " Huwag mag-alala irog ko ikaw lang wala ng iba." Kinuha ko ang kanyang kamay at pinagsiklop.

"Don't worry hindi naman ako galit. Natanong ko lang. May tiwala naman ako sa iyo Melchor pero kay Judith wala." Napatawa ako sa sinabi ko. He pinch my nose. Kinabig niya ako kaya napayakap ako sa kanya.

"Basta hindi ako magbabago sa iyo. Lahat ng haharang o sisira sa atin hindi ko sila hahayaang sirain niya tayo. Kasi mahal na mahal kita irog ko." Napasubsob ako sa dibdib ni Melchor. Rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng puso nito. Napahawak ako doon. Sana hanggang sa huli magkasama pa din kaming dalawa.

"Kyle anak nakita mo ba si Milagros? Kanina ko pa siya hinahanap?" Tanong ko sa anak ko. Paliliguan ko na sana pero hindi ko mahagilap.

"Kanina po nandoon po siya sa may malapit sa gate naglalaro ng barbie. Baka po nasa room niya po." May hawak itong bola at pawisan na ang katawan.

"Wala din siya doon. Nagpunta ako ng kusina wala din." Pumameywang ako at napahilot ng batok ko.

"Ako na po ang maghahanap Mommy baka lumabas na naman iyon."

Police Series #3 All I Want (Melchor Macaraeg)Where stories live. Discover now