Chapter 18

4.5K 198 41
                                    

MELCHOR

KANINA ko pa hinihintay si Crissy. Tinawagan ko ang phone niya ngunit naka-off. Hindi ako mapakali dito sa bahay dahil nag-aaalala ako. Nakatulog na ang mga bata sa kahihintay sa kanya.

Nagpasya akong lumabas ng bahay para hintayin sa labas. Napansin ko ang humintong police mobile sa harap ng gate. Kumunot ang noo ko. 

"Sir!" bati sa akin ng tauhan ko. 

"Bakit nandito kayo?" tanong ko sa kanila. Nagkatinginan pa ang dalawa kong tauhan. Tinaasan ko sila ng kilay.

"Sir, may banggaan pong nangyari malapit lang po dito sa Village niyo. Na-identify po ang sakay ng sasakyan." O eh ano kung na-identify? May kinalaman ba ako sa banggaan? 

"So?" nangamot ng ulo ang tauhan ko dahil sa tugon ko.

"Sir, si Ms. Crissy Valdez po ang. . ." napatigil sa pagsasalita ang tauhan ko ng kuwelyuhan ko siya. 

"Nasaan siya? Nasaan?" sigaw ko sa tauhan ko na takot na takot. Halos sakalin ko na ang tauhan ko. Pinigila nila ako na tila sasakalin ko na ang tauhan ko. 

"Sir, dinala na po siya sa ospital." Sabi pa ng tauhan ko. 

Nagtaas baba ang didbdib ko dahil sa sobrang takot at kaba. Sari-saring pangyayari ang pumasok sa isip ko. Hindi puwedeng mawala si Crissy. Babawi pa ako sa kanya. Bakit ngayon pa? Bakit? 

Pinuntahan ko na agad ang ospital kung saan dinala si Crissy. Halos takbuhin ko ang ER para lang malaman ang kalagayan ni Crissy. Kahit alam kong hindi nila papapasukin sa loob. 

Nanginginig ang buo kong katawan. Nanlalamig pati na ang mga palad ko. Hindi ko lubos maisip na darating kami sa puntong ito. Hindi ako handa. Hindi talaga. Nangilid ang luha ko. Napasinghot ako. Ayokong mawala si Crissy madami pa kaming tutuparing mga pangarap. Balak pa naming magkaroon ng mga anak.

Hindi ako mapakali sa kinauupuan ko. Nandyang tumayo ako at nagpalakad-lakad at umupo muli. Ilang oras na akong naghihintay ngunit wala pang balita kay Crissy. She's still in the operating room. Masyado daw madaming tinamong pinsala ai Crissy ayon sa nurse na nakausap ko.

Napahilamos ako ng mukha ko. Sana pala sinamahan ko na lang siyang nagpunta sa Kuya niya. Hindi sana mangyayari ito. Samot saring mga negatibo ang pumapasok sa isip ko kaya mas lalo akong natataranta at mas lalong natatakot. Hindi talaga ako handa.. hindi talaga. Kausap ko sa sarili ko.

Nag-ring ang phone ko. Nakita kong tumawatawag si Kyle. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba o hindi. Bahala na.

"Hello, anak." Mas dumoble ang kaba ko. Hindi ko kasi alam kung anong sasabihin ko sa mga anak ko. Ayoko silang mag-alala.

"Daddy, nasaan ka? Wala pa si Mommy. Sinundo mo na ba siya?" Inosenteng tanong ni Kyle. Napapikit ako ng mariin. Hindi ko talaga alam kung anong gagawin ko. Mixe emotion ako ngayon. Gusto kong umiyak.  Sobrang bigat ng nararamdaman ko. Nangilid ang luha ko. 

"Ah, anak nandito kasi sa presinto si Daddy. May emergency kasi. Si Mommy mo nagpunta sa Uncle mo may sakit kasi siya kaya doon muna siya. Uuwi din kaagad si Daddy, okay? Mag-behave kayo diyan, ha?" Kinagat ko ang labi ko upang huwag mapiyok.

"Okay, Daddy. I'll call na lang Mommy. Take care Daddy!" In-endcall na nito ang tawag. Hindi ko na napigilan tumulo ang mga luha ko. Naupo muli ako. Umiyak lang ako ng tahimik.

NAPATAYO ako ng lumabas ang doktor sa ER.

"Dok, ako po yung kamag-anak ng biktima. Kamusta na po siya?" Tanong ko. Napabuntong hininga ang doktor bago nagsalita.

"Masyadong malala ang natamo ng pasyente sa kanyang ulo. Nagkaroon din siya ng fractured sa kaniyang spinal chord." Nanghina ako sa sinabi ng doktor. Napaupo ako. Hindi matanggap ng utak ko ang sinabi ng doktor. Hindi totoo iyon? Panaginip lang ito. Hindi totoo kapag gigising ako makikita ko si Crissy na wala naman galos o walang fractured. Nakangiti sa akin, hinahagkan ang pisngi at labi ko.

Police Series #3 All I Want (Melchor Macaraeg)Where stories live. Discover now