Chapter 13

3.7K 187 23
                                    

MELCHOR

ILANG linggo din akong nasa ospital. Hindi ko sinabi sa triplets na nabaril ako. Ayoko namang mag-alala sila sa akin. Sinabi ko na lang na nadestino ako sa malayo kahit hindi naman.

Napatingin ako sa pinto ng may pumasok. "Bro, kumusta na? Okay na ba yang mga tama mo?" Tanong sa akin ni Alexandro. May hawak siyang supot inilapag niya iyon sa lamesita.

"Pasensya ka na hindi na ako nakakadalaw sa iyo. Busy kay bubwit." Napangiti ako kay Alexandro. Mahal na mahal niya ang batang iyon. Hindi ko akalaing iibig si Alex ng sobra.

 "I understand bro. Ano yang dala mo?" Tanong ko.

"Ah, ito halamang gamot ginawa ni Issa para daw sa iyo. Ito din yung ininom ko noong nagkaroon ako ng sugat. Para bumilis ang paggaling ng sugat." Inilabas ni Alex mula sa supot ang bote. Napatitig ako sa kulay ng tubig. Para siyang kulay kalawang. Napalunok ako.

"Hindi ba yan mas makakasama sa akin?" Tanong ko habang nakatingin sa bote. Natawa si Alex sa sinabi ko. Feeling ko kasi kapag ininom ko iyon baka mamaalam na ako ng tuluyan.

"Safe iyan! Recommended ko yan sa iyo. I assure na gagaling ka. Within 2 days yang mga sugat mo hilom na." Tinapik ni Alex ang balikat ko. Ako naman ay napapalunok.

"Oh, salinan na kita sa baso, ha? " gusto ko sanang pigilan si Alex wala na akong nagawa ng ibigay niya sa akin ang isang baso.

"Tatlong beses isang araw ang pag-inom niyan. Mauubos mo yan sa dalawang araw." Napatango ako. Tiningnan ko muna ang baso bago ko nilagok. Parang gusto kong iluwa ang ininom ko. Ano bang klaseng lasa iyon? Hindi ko maintindihan.

Napaubo pa ako. "Ano ba itong halamang gamot na ito?" Kahit hirap na hirap ako nilagok ko lahat.

"Secret ingredients daw yan. Hindi ko nga alam kung anong nilagay niyang mga dahon diyan. Pero may nabanggit siyang pito-pito." Parang gusto kong iluwa ang mga mata ko dahil sa lasa. My god! Maaga talaga akong mamaalam. May after taste kasi.

"Pakisabi na lang salamat." Sabi ko na lang. Siguro hindi ko na lang iinumin.

"Kailangan mo daw ubusin yan. Pupunta daw siya dito para tingnan kung naubos mo na." Napabuntonghininga ako. Kahit labag sa loob ko uubusin ko na lang. Ayoko namang malungkot si Melissa.

"Don't worry uubusin ko yan." Nanlaki ang mga mata ko ng biglang kumulo ang tiyan ko. Sumakit bigla ang tiyan ko. 

"Anong nangyayari sa iyo?" Nag-aalalang tanong ni Alex.

"I think I need to go to C.R.!" Nagtatakbo ako papunta doon.

NAKABALIK na ako sa trabaho kaya todo kayod na naman na parang walang nangyaring masama sa akin.

"Sir, may naghahanap ho sa inyong tatlong bata sa labas ng presinto. Kilala niyo daw sila." Anong ginagawa ng tatlo dito? Hindi na kami nagkakausap nitong nakaraang araw. I called them pero naka-off ang cell phone nila. Kaya sobrang pag-alala ko sa kanila.

Lumabas ako para puntahan ang tatlo. Nakita ko silang nakaupo sa upuan na nasa loob ng presinto.

"Buddy!" Tawag ko sa kanila. Sabay-sabay silang napaangat ng tingin. Tumayo sila at nagtatakbo sa akin. Natawa ako dahil miss yata ako ng tatlo.

"Daddy Melchor!" Sabay-sabay nilang saad habang nakayakap sa akin. Napansin kong mayroon silang dalang mga backpack.

"Anong ginagawa niyo dito sa presinto? Tinatawagan ko kayo pero naka-off palagi ang phone niyo. Sira ba?" Sabi ko. Nagkatinginan silang tatlo.

"Daddy, puwede bang sa bahay niyo muna kami?" sabi ni Elijah. Napakunot ang noo ko.

"Bakit? Naglayas ba kayo?" Tumango ang tatlo. Hinaplos ko ang buhok ng tatlo.

Police Series #3 All I Want (Melchor Macaraeg)Where stories live. Discover now