Chapter 11

3.8K 178 16
                                    

MELCHOR

NAPANGITI ako nang makatanggap ng text galing sa batang nakilala ko noong isang linggo. He is a sweet boy. Magmula noon lagi na kaming nag-uusap sa text. Minsan tinatawagan niya ako kagaya na lang ngayon.

Sinagot ko ang tawag ng bata. "Hello, buddy! Kumusta ka na?" Nakangiting pangungumusta ko.

"I'm good po, Daddy Melchor." Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang marinig ang Daddy sa kanya. Hiniling kasi ng bata kung puwede daw ba na tawagin niya akong Daddy. Wala daw kasi silang ama kaya ako daw muna ang tatawagin niyang Daddy. Ayos lang naman sa akin iyon. Tinuring ko na siyang para kong anak. Magaan ang loob ko sa bata at napamahal na din ako kahit ilang linggo pa lang kaming magkakilala.

"How was your day, Daddy Melchor?" Tanong niya sa akin.

"Busy. Madami kaming operation ngayon kaya laging nasa labas para manghuli ng bad people." Natawa ako sa sinabi ko.

"Always take good care, Daddy Melchor and always be careful." Maganda sa pakiramdam na may isang taong nagsasabi ng pag-aalala. 

"Okay, buddy. I have to go. Paalis na kami papunta ng operation namin. Be good boy, okay?"

"Yes, po Daddy Melchor. Bye!" Napangiti ako.

NAGPAALAM sa akin si Crissy na babalik muna ng US dahil may aasikasuhin daw muna siya doon. She told me that she would return once everything was in order. I'm missing her.

"Wala ka yata sa mood ngayon brod?" Tinapik ni Diego ang balikat ko. Kasama ko siya dito sa presinto. Mas mataas nga lang ang rank ko sa kanya. Pero turingan namin sa isa't isa ay parang magkapatid.

"Pagod lang kaya wala sa mood." Pagdadahilan ko. Wala kasi akong ariba ng ilang linggo na. Kaya wala akong lakas.

Natawa sa akin si Diego. "Sabihin mo wala ka lang sex kaya ganun. Wala kang lakas." Tumawa nang malakas si Diego. Sumimangot ako.

"Gago! Makasabi ka naman ng walang sex akala mo meron ka din. Mas tigang ka pa sa titing nabubulok na!" Ako naman ang tumawa nang malakas. Nag-walkout si Diego. Pikunin talaga ang lalaking iyon. Siya itong nang-aasar sa kanya.

Nag-ring ang phone ko. Tumatawag si Crissy. Nabuhayan ako ng loob. Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"Hello . . ."

"Flight ko na bukas ng 4 am. I-message na lang kita kapag nasa bahay na ako." Napangisi ako.

"Susunduin kita sa airport. Sabihin mo kung anong oras ang lapag ng eroplano na sinasakyan mo." Sabi ko. Hindi ko na muna ihahatid sa bahay niya. She will stay in my house.

"Morning ng 8:00 am nandiyan na ako."

"Are you in bed now?" Nag-iba ng tono ang boses ko. Naging mapang-akit.

"Y-Yes. . ." When I notice her voice stammering, I grin.

"Okay, get the rest you will have a long trip tomorrow." Hindi ko na siya hinintay pa na sumagot I ended up the call. I can't wait for tomorrow. 

Nakasalubong ko si Diego. "Madidiligan na uli ang titi ko. Ikaw kahit kailan hindi mangyayari! Yang titi mo magiging panggatong sa kalan!" Humalakhak ako. Inambaan niya ako ng suntok. Halos malukot ang mukha ni Diego sa pikon. Napakatorpe kasi. Hindi ko na lang siya pinansin. Excited na ako para bukas.

Kinabukasan maaga palang nasa airport na ako. Day-off ko ngayon kaya malaya kong masusundo si Crissy. Napakadaming taong naghihintay dito sa arrival area. Kanda haba ang leeg ko sa kakatingin sa lalabasan ni Crissy. Napangiti ako ng makita ko na siya na palabas ng arriving area. Sinalubong ko kaagad siya. Gulat ang mukha niya ng makita ako.

Police Series #3 All I Want (Melchor Macaraeg)Where stories live. Discover now