Kabanata 45

822 56 9
                                    

A/N: May 24 -- Happy birthday to my beloved, ever kulit, daldalera, creative niece, Mia. Kahit awayin pa ako kasi walang update kahapon, okay lang. Hahaha. Mommy loves you! ❤❤❤

KABANATA 45

"Grabehan ka, 'Te!" Maarteng bulalas ni Clau habang inaayos ang kanyang maikling bangs, "Ilang beses ka pa bang kailangang kargahin ni Papa President sa buhay na ito? Super haba na talaga niyang hair mo, umabot na sa Sulu galing dito!"

Tahimik ko lang siyang tiningnan habang inaayos ko ang aking pag-upo.

"Kalat kasi sa floor kung paano ka kinarga ni Sir papunta sa chopper. Nandoon daw kasi iyong sekretarya ni Sir Fuentebella nang mangyari iyon," pamamalita naman ni Rose na lumapit at tinulungan akong ayusin iyong IV tube ko.

Tahimik uli akong tumango.

"Hindi ko naman sinadyang magkaganoon," panimula ko, "Akala ko kasi puwede ko lang tiisin iyong sakit, hindi pala," umiiling kong dagdag.

"Kumusta naman ang pakiramdam mo ngayon? Okay na? Hindi na masakit?" May pag-aalalang tanong ni Clau.

Umiling uli ako. "Medyo masakit pa rin pero hindi na tulad noong kanina."

"Nang marinig namin iyong balita, Girl, gusto naming pumunta agad rito," ani Rose na tinabihan ako sa kama, "Kaya lang hindi kami pinayagan ni Engineer. Unahin muna raw namin iyong trabaho," pagsusumbong niya habang pinaglalaruan ang dulo ng aking buhok.

"I'm not even surprised when she said that. Saksakan lang talaga ng sama ang ugali ng menopausal na iyon. Kahit sina Tony nadismaya nang marinig ang naging desisyon niya. Walang puso," umirap pa si Clau pagkasabi, "Hay naku, huwag na nga lang nating i-mention ang mga bad spirits dito at baka hindi kaagad gumaling si Aya. Balik na lang uli tayo tungkol kay Papa Pres," sabi niya at parang kiti-kiting lumipat sa kama ko para tumabi na rin, "Umamin ka nga sa amin, Babaita, hindi ka naman namin ija-judge..." Nagsulyapan pa silang dalawa ni Rose bago sabay na tumingin sa akin, parehong may malisyosong ngisi.

"May something ba sa inyo ni Sir?" Tumaas-baba pa ang mga kilay ni Rose nang itanong iyon.

"H-ha?" Sandaling bumundol ang kaba sa dibdib ko habang salitang pinagmamasdan ang mga kaibigan, "What do you mean?"

"Ay sus, 'tong si Aya naman, kunwari pa hindi alam!

"Diretsahin mo kasi, Rose, para walang paliguy-ligoy," si Clau na inayos pa ang pag-upo paharap sa akin. He even cleared his throat before asking, "Are you and Papa Pres in a relationship?"

Rose giggled in a controlled voice at our friend's straightforwardness. Ilang sandali pa akong napatitig sa kanyang nakangising mukha bago napailing.

"The only relationship I have with him is purely professional. He's our boss and I'm his employee; nothing more," maingat kong sagot.

Madrama namang nagbuntong ng hininga si Rose dahil dito samantalang si Clau ay agad namang napa-ismid.

"Sinasabi mong professional pero parang iba naman ang nakikita namin sa kinikilos ni Papa Pres."

Kunot-noo ko siyang nilingon. Nagtinginan pa sila ni Rose bago siya nagpatuloy.

"Hindi namin pinapansin noong una kasi, tulad ng sabi mo, boss natin siya. And he's been our boss long before you came to FPC. Wala naman kaming naririnig na issue tungkol sa kanya aside from the..." He paused as he raised both of his hands to air quote, "... private deals he does with the female clients. Pero chismax pa rin lang iyon. Walang nagko-confirm kung totoo talaga."

"Kahit nga si Tina nagsasabing hindi iyon totoo at matinong tao raw si Mr. President," dagdag naman ni Rose.

Kunot-noo ko silang tiningnan, hindi alam kung ano talagang pinupunto ng dalawa.

Paper MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon