Kabanata 20

900 40 27
                                    

KABANATA 20


It was the summer of my eighteenth year when the Grand Alpha ordered that I check the accounts and livestocks of one of the family's ranch in the Philippines; the one in Masbate in particular. Dito pinapalaki at pinaparami ang mga superior racing horses, sheeps at premium cows na binebenta sa iba't ibang bansa. Mas malawak ang ranchong ito kung ikukumpara sa Asteria.

Inayos ko ang tumabinging sombrero dahil sa malakas na ihip ng hangin. Tumingala ako at pinagmasdan ang bughaw na langit.

I'm back, I said to myself as I saw some birds flying by.

It was my first time coming back after I left this country two years ago. May parte sa akin ang natuwa sa pag-iisip na nasa malapit lang sila. Ngunit agad din namang nanlumo dahil hindi pa iyon ang tamang oras para magpakita sa kanila.

What are you doing right now, mahal? It's a Saturday so you're probably at the mango farm, serving the ladies who are obviously wanting your attention. Or perhaps you're at the autoshop, underneath some car, repairing the machine with grease and oil all over your body, I smiled to myself as I recalled my usual scenes with Ren. Ngunit bahagya rin akong nalungkot nang pumasok ang iilang palaisipan.

Are you thinking of me today? Are you reminiscing the past and smiling to yourself? Baka hindi. Baka kinalimutan mo na ako. Alam kong nasaktan kita kaya marahil galit na galit ka na sa akin ngayon. O, hindi kaya'y tuluyan mo na akong binura sa isipan mo. Sana'y hindi. Sana, kahit masakit, naiisip mo pa rin ako. Sana, katulad ko, pinanghahawakan mo pa rin ang mga pangako natin sa isa't isa. Sana hindi ka pa rin bumibitiw, I bit my lip at that last thought.

Konting tiis na lang, mahal, at babalik na ako. Uuwi na ako sa iyo...

"Arianne Moritake?" anang boses na nagpabalik sa aking diwa.

Ibinalik ko sa harapan ang paningin at isang lalaking may edad na at isang lalaking may katabaan ang sumalubong sa akin. Nakasunod sa kanya ang mangilan-ngilang mga tauhang lulan ng mga kabayo.

Lumapit din ako at inabot ang nakaunat na niyang kamay.

"Mr. Delfin Pangan?" paniniguro ko.

Isang beses siyang tumango habang kinakamayan ako at maluwag na nakangiti.

"Welcome, Arianne! Welcome to Hacienda Louise! I hope the ride wasn't completely uncomfortable. I know the roads here are not as convenient from where you came from," nakangisi nitong tugon matapos bawiin ang kamay.

Umiling ako at saka ngumiti.

"It's fine, Mr. Pangan. Hindi naman po pangit ang daanan papunta rito galing ng City."

Pinanood ko ang agarang pamimilog ng kanyang mga mata nang marinig akong magsalita gamit ang lenggwahe ng bansa. Nagsitinginan din sa isa't isa ang kanyang mga tauhan, namamangha sa natuklasan.

"Aba'y marunong ka palang magsalita ng Filipino?" tumawa pa ito nang kaunti pagkatapos kong tumango. "Mabuti naman pala kung ganoon! Hindi mahihirapan ang mga tauhan naming makipag-usap sa iyo."

Nakitawa na rin ang kanyang mga tauhan sa kanyang sinabi. Isang ngiti naman ang aking tinugon. Hindi na yata talaga magbabago ang reaksyon ng mga tao sa tuwing nalalaman nilang marunong akong magsalita gamit ang kanilang lenggwahe.

The sound of a neighing horse caught all of our attention.

"Senyorito, kayo pala!" masiglang bati ni Delfin sa kararating.

Bahagyang nakaawang ang bibig ng lalaking sakay ng kulay tsoskolateng kabayo habang nakatingin sa akin.

"Tamang-tama at kararating lang din ng bisita namin. Ipapakilala ko sa inyo," anas ni Delfin na tila nagpabalik sa kanyang diwa.

Paper MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon