Kabanata 24

817 40 7
                                    

KABANATA 24


Muli kong kinurot ang tagiliran ng kaibigan matapos sundan ng tingin ang kapapasok na Ren.

"Aray, Arianne, masakit ah!" maarte nitong angal at pabulong habang hinihimas ang bahagi kung saan ko siya kinurot.

"Ang landi-landi mo! Natataranta ka pa kanina noong dumating siya, nagpakita lang ng katawan, pumayag ka na agad na dito matulog?" pinanlakihan ko pa siya ng mata habang binubulong iyon.

"E, kasi naman..." maarte pa itong nagpapapadyak sa kilig at kunwari may takas na buhok na iniipit sa likod ng tainga. "With a body like that, I just can't help it! At ikaw naman, babaita, nagtabi kayo habang hubad siya? Kailan mo iyon sasabihin sa akin, ha? Ang damot nito!" sabay sapak niya sa braso ko.

Sinimangutan ko siya.

"Hindi ko sinabi kasi hindi naman importante—"

Madrama naman siyang napasinghap.

"Are you telling me it wasn't that impressive? Hindi totoo ang chismis?" eksaherada nitong bulalas.

I rolled my eyes at him before leaving to go after the jerk. Kailangan kong pauwiin ang isang iyon at baka may maisip pang kabalbalan itong kaibigan ko.

"Girl, twelve inches daw! Mine's almost half of that, you know. Hindi totoo?"

Napatigil ako at masama siyang nilingon, naeeskandalo sa pinagsasabi nito.

"Would you like me to deduct another half? You know I'm very good with blades..." I said, grinning.

Namutla siya sa narinig at agad lumipad ang mga kamay sa gitna ng kanyang hita.

"Walang ganyanan, girl. Kahit na ganito ako, hindi ako naniniwalang totoo ang sabi nilang mas masarap 'pag wala na. Masaya pa ako sa five inches ko, thank you very much!"

Pinanlakihan ko siya ng mata. Kapag talaga naka-on ang pagiging malandi nito, ang hirap-hirap na i-switch off! Sasapakin ko na sana nang biglang bumukas ang pinto ng isang kuwarto.

"Anong five inches?" tanong ni Ren na nakakunot ang noo. Hubad pa rin ang pang-itaas ngunit may suot na itong itim na shorts at kasalukuyang pinapatuyo ang buhok gamit ang isang tuwalya.

"Hindi ko iyan palalabhan," malanding bulong pa ng hitad sa akin.

Napansin iyon ni Ren at agad nagtaas ng kilay sa amin.

"Anong pinag-uusapan niyo?" he asked some more.

Tumikhim si Geri, inaayos ang tono.

"Ah, nothing much," he said while brushing his hair with his fingers. "We were just talking about some possible titles for your album."

Pinanliitan ko siya ng mata. Title for the album, my ass!

"Five Inches?" pag-uulit ni Ren.

Tumango pa talaga ang bakla. Sige, panindigan mo iyan!

"But I think Twelve Inches is more appropriate. Mas magandang pakinggan, what do you think?" sagot naman ng malanding Geri. Kahit gamit niya ang kanyang panlalaking tono, obvious na obvious pa rin ang malisya rito!

At ang Koya niyo naman, tumango pa! Sumasang-ayon? Tumigil na siya sa pagpapatuyo at hinayaan ang tuwalya sa balikat. Ibinulsa niya pa ang mga kamay bago nagsalita.

"Ano naman ang relevance noon sa mga kanta namin? I think the theme this time is about metamorphosis, right?" tumingin pa siya sa akin bago muling bumaling sa aking tila kinakating kaibigan.

Paper MoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon