oops! hindi ko pa nga pala napapasalamatan si Nay Lucy sa mga pinamili saakin ni Gabriel kahapon kasi di ba nga sabi ni Gabriel kaya kami pumunta ng mall kahapon dahil sabi ni Nay Lucy sa kanya ibili ako ng mga damit? eh kaso hindi ko naman naabutan si Nay Lucy kanina. di bale, may mamaya pa naman.. ^____^

"oo akong bahala.." narinig kong sabi ni Gabriel dun sa kausap niya sa phone. bigla kasing lumakas yung boses niya..

"oo hindi ko nakakalimutan yung pinag-usapan natin.." dagdag pa niya tapos napalingon si Gabriel sa gawi ko then parang nagulat pa siya nung nakita niya akong nandun.

"ahh sige sige mamaya na lang tayo mag-usa-----------" hindi ko na narinig yung kasunod kasi ang hina ng boses ni Gabriel tapos ilang sandali lang eh binaba na rin niya yung phone niya tapos pumunta siya sa direksyon ko..

"kanina ka pa jan?"

"hmm. hindi naman. sino yung kausap mo sa phone?" wala lang gusto ko lang siyang tanungin kasi baka mamaya, may girlfriend pala siyang tunay tapos baka makita niya kaming dalawa tapos masabunutan pa ako ng wala sa oras. okayy. masyado akong overacting pero kasi imposible naman na walang girlfriend yung lalaking 'to di ba? tsss

"sus. wala lang yun.. so ano ready ka na?" wala lang pero mukhang badtrip yung itsura niya?

"yep! ^_^" I nodded tapos nagsmile ako sa kanya, baka sakaling mawala yung kunot sa may noo niya. XD

"let's go Angel.. ^___^" ayun! ngumiti na siya tapos hinawakan niya ako sa may pulsuhan ko tapos dinala niya ako sa harapan nung makintab na motor niya..

"teka teka nga.. wag mong sabihing papasakayin mo ako jan?" hindi ko napigilang magreact kaya napabitaw siya sa pulsuhan ko nung ginalaw ko yung kamay ko para ituro yung motor niya.

kasi naman... heller!!! sa buong buhay ko hindi ko pa nasubukang sumakay o umangkas sa motor at hindi ko ninais kahit isang beses dahil hindi ko pinangarap na malanghap lahat ng usok sa kalsada at umitim kagaya ni whitney tayson. LOL!

"hmm parang ganun na nga.. ^__^V"

"pwes, umalis kang mag-isa mo.." sabi ko habang nakapamewang ako..

"sus, para namang hindi ka pa nakakasakay sa motor kung mag-inarte ka jan.."

"oyy ahh! hindi ako nag-iinarte. hindi pa talaga ako nakakasakay sa motor at hindi ko ninais!!"

"akala mo lang yun Angel, pero nakasakay ka na sa motor.."

"ang kulet! sinabi ngang hindi pa eh!!" owww! napalakas yung boses ko! kasi naman napakapilit niya eh. marunong pa siya saakin. kung umasta akala mong kilala na niya ako matagal na.. hmp!

"eh kung hindi edi sumakay ka pa rin!!!! puta! ang dami pang arte e!! tangina naman oh!" sumigaw na si Gabriel. bigla akong kinilabutan.. 

"eh bakit mo ko minumura???" hindi ko napigilan pero tumulo na lang bigla yung luha ko. oo alam kong galit siya o mainit yung ulo niya pero di na niya kailangan magmura o sumigaw kung yung pagsakay ko lang sa motor niya yung problema niya!!

"sh*t!!!" sabi niya habang isinuklay niya sa buhok niya yung kamay niya..

tapos umalis siya sa tabi ko then binuksan niya yung gate nila tapos sumakay na siya sa motor niya.. ni hindi manlang niya ako tinignan, tahimik lang siya at ang cold ng expression ng mukha niya nung nakita ko, tapos parang wala manlang tao malapit sa kanya kung kumilos siya..

My Personal "BODY" Guard by spunchbobWhere stories live. Discover now