Chapter 17B

24.2K 164 46
                                    

Note: Pasensya puro write space write space pa ang style ko dito. eedit ko po ito kapag may time na ako pti na rin yung takbo ng story! :)

________________________________________________

Chapter 17B

 

Nagmaneho ako papunta sa kanto kung saan nagtatrabaho si Empoy.

nung nakaliko nako sa kanto na sinabi ni Toto napansin ko yung isang restaurant, malamang dun na nga nagtatrabaho si Empoy. hininto ko muna yung sinasakyan kong motor sa tabi hanggang sa napansin ko yung lalaking nakauniporme na naglalakad papalabas ng restaurant na may hawak hawak na take-out na pagkain.

papara na sana siya ng tricycle ng bigla bigla kong pinaandar yung motor papunta sa harap niya..

"sakay na!!" bigla bigla kong utos sa lalaki.

"huh?!" sagot niya..

"ang sabi ko, SAKAY NA!" napasigaw ako, kasi naman ang bagal bagal. ayaw pang sumakay!

"nakopo.. utang na loob, wala po akong pera. maliit lang po ang kinikita ko dito, kulang pa po yun pantustos sa 4 ko pong anak.." sabi niya na tila takot na takot na..

"bwahahahahaha! apat na anak ka jan, bata bata mupa anak agad agad? Pee Bee Bee Teens? si Gabriel to.." sabay tanggal ko nung helmet ko..

daming alam nung lalaking to! may anak anak pa. kala mo namang kwarenta na edad. tssss

"gago ka pre! ikaw lang pala yan. akala ko naman holdaper na!"

"duwag ka pala eh! hahaha saan ba punta mo niyan?!"

"eh pinadedeliver sa'kin to eh. wala pa kasi yung motor na pangdeliver kasi gamit nung kasamahan ko kaya eto, papara nako ng tricycle.."

"pshh. tara hatid na kita kesa magbayad ka pa sa tricycle.."

dali-daling sumakay si Empoy sa may likuran nung 4 wheel motor na inupahan ko.. pinatakbo ko ito ng mabilis habang itinuturo naman niya yung direksyon ng pupuntahan namin

"bakit nga ba naparito ka ah?? long time no see ah?"

"eh wala lang.. namiss kasi kita..♥ "

"cheezy mo pare! nakakabakla ka! hahaha"

"hahaha. binibiro lang kita.. kamusta pala buhay?"

"ayun mahirap.. pasideline-sideline. nagtatrabaho ako dun sa restaurant bilang waiter, minsan naman delivery boy.. depende kung sa anong maassign sakin.. kapag walang pasok sa eskwelahan didiretso ako sa restaurant.."

"naks naman oh! nagpapayaman ka ahh"

"ulol!!! nagpapayaman ka jan. ikaw nga mayaman jan oh! ni hindi kita nakilala sa suot at porma mo! mukhang mayaman ka na talaga ngayon ah!"

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon