Chapter 36

4.3K 58 16
                                    

Chapter 36

Alas tres ng madaling araw noong maalimpungatan ako mula sa pagkakasandal ko sa balikat ni Gabriel. Nag-inat-inat ako at saka ko sinalat sa noo niya yung temperatura niya. Kumpara kanina, medyo bumaba na yung lagnat niya.

"Hayys, mabuti naman."

Bumalik na ako sa kwarto ni Monic para diretso yung katawan ko na makatulog, sobrang antok pa ako kaya iniwan kong mag-isa si Gabriel doon sa kabilang kwarto. Malaki na siya, kaya na niya ang sarili niya.

*****

"Hoy gising na! Yung pasyente mo nawawala!" naalimpungatan ako sa ingay nitong si Monic

"Nakita mong natutulog yung tao eh, napuyat ako kagabi. unawain mo naman!" reklamo ko sa kanya. Ang aga-aga ang ingay niya!

"Tanghali na kaya! tara maglunch na tayo! Mamaya pupunta tayo sa bar ni Eric, nandun sila Amy!" pag-aaya niya sa akin.

"Seryoso? gusto ko yan! gusto ko yan! It's been so long. HAHA" shocks! nakakaexcite! ngayon na lang ulit kami magkikita-kita nila Amy.

"Magkwento ka nga muna!" bigla siyang naupo sa tabi ko.

"Ano naman ang ikukwento ko sa'yo?" inirapan ko siya tapos itinalukbong ko sa ulo ko yung pillow na hawak ko. Utang na loob, inaantok pa talaga ako!

"Yung mga pinuntahan ni Dora! HA-HA-HA! syempre! yung nangyari sainyo kagabi!" sabi niya habang tinatanggal yung pillow sa mukha ko

"nangyari??? WALANG NANGYARI KAGABI!!" ibinalibag ko sa kanya yung pillow na hawak ko tapos tumayo ako at pumunta sa CR ng kwarto niya para magtoothbrush

"Eh bat mukhang badtrip ka?" sinundan niya ako hanggang sa pintuan ng CR sa kwarto niya.

"Eh kasi nga ang tanga tanga niya. Magbabasa siya sa ulan, maglalasing siya tapos iiyak siya at mawawalan ng malay! Di ba anglaki niyang tanga!" Dahil sa katangahan niya napuyat pa tuloy ako! Kainis!

"UMIYAK SIYA?" hindi niya makapaniwalang tanong. Tinapos ko muna yung pagtutoothbrush ko bago ko siya sinagot.

"Kahit umuulan, hindi naman ako tanga para hindi malaman na may tumutulong luha sa mata niya. Hindi rin naman ako bingi para hindi mahalata yung kakaiba sa boses niya. Teka, nasaan yung facial wash mo?"

"Eto oh!" inabot niya sa akin yung facial wash niya tapos lumapit na ako sa sink para maghilamos ng mukha. Si Monic naman pumwesto sa tabi ko at sumandal sa may gawing pintuan ng CR ng kwarto niya.

"Pero tingin mo, bakit niya gagawin yun, bakit siya iiyak, maglalasing at aantayin kang bumaba sa kabila ng malakas na buhos ng ulan kung pinaglalaruan ka lang niya?" Habang bumubula sa mukha ko yung facial wash, nilingon ko siya at sinagot.

"Malay mo parte ng palabas niya yun?" Ang hirap kasing magpakatanga sa lagay ko ngayon eh. Oo, hindi naman talaga maiiwasan maging tanga, pero kung nadadalas, baka pwede naman sigurong bawasan di ba? I'd rather believe na sinadya ni Gabriel gawin lahat yun para mapaamo ulit niya ako, kesa naman paniwalaan ko lahat yun tapos in the end ako na naman yung iiyak at kawawa.

"Ganyan bang katigas ang puso mo pagdating kay Gabriel?" Binanlawan ko na yung mukha ko, saka ko siya sinagot.

"I don't know. Sobrang naguguluhan na ako. And you know what, kagabi habang natutulog siya, he murmured "Mahal kita, mahal na ata talaga kita" ni hindi ko alam kung sino tinutukoy niya. Ako ba yun o ibang babae?"

"Ay girl, baka ako noh? baka ako?" Namimilosopo niyang sagot.

"Haaaaay! Ewan!" nagbugtong-hininga ako pagkatapos kong mapunasan ang basa kong mukha.

My Personal "BODY" Guard by spunchbobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon