XXIV| UNRAVELING THE ENIGMA

Start from the beginning
                                        

"Kapag pinaglalayo si Kuya Ei at Steph ay inaatake ka ng ganu'ng sakit, kuya?" tanong ni Nikole at tila hindi makapaniwala sa narinig.

"Yep, weird 'no?"

"Change topic, hayaan na lang muna nating magpahinga si Sinuelle," singit ko. "TeDa, SaMo... wala po ba talaga akong kakambal? Kung mayroon po, sabihin niyo na. Please, no more secrets."
Tanong ko, hindi pa rin kasi maiwaglit ng isipan ko ang lalaking kamukha ko. Inakala ko na tatango sila sa'kin ngunit kabaligtaran nito ang natanggap ko.

"Wala kang kakambal Iko, nakita mo naman yung mga ultrasound sa'yo dati 'di ba? Ako ang nagluwal sa'yo kaya maniwala ka sa'kin."

Kung wala nga akong kakambal, sino yung nakita namin?

"Lid," tawag ko sa kaniya. "Hacker ka 'di ba?"

Sa lahat ng kilala kong hacker, si Lid ang pinakamatalino. Laking pasasalamat nga namin dahil may kamag-anak kaming hacker dahil madalas namin 'yon nagagamit tuwing may hinahanap kaming tiwali sa business namin.

"Bakit mo pa tinanong eh alam mo naman, kuya."

"Hack all the cams, worldwide."

Napahinto siya saglit noong madinig ang inutos ko. Oo, alam kong mahirap 'yun, pero alam kong kaya niya.

"Pero, kuya. Illegal 'yon, tsaka mahirap 'yun baka hindi magawa ni Lid." Angal ni Iza ngunit hindi ko na lang siya pinansin at tumitig ng diretso kay Lid.

"Nagawa mo na 'yan dati, Lid. 'Wag tayong magmaang-maangan lahat na hindi pa tayo gumagawa ng illegal. Noong nabasa natin yung article ni TeDa, hinack niyo rin naman yung site."

Bumalot ang katahimikan sa buong paligid, napakapormal talaga namin ngayon. Bawat isa sa amin ay kapwa nag-iisip sa kung anong nangyayari.

"Laptop." Hiling ni Lid. Agad tumayo si Iza at kinuha ang dala-dala niyang laptop at ibinigay sa kapatid niya.

Mukha namang alam na ni Lid ang gagawin niya kaya noong bumukas na ang laptop ay agad na siyang nagsimulang magtipa ng kung anu-anong codes.

Nagtulungan si Iza at Lid sa pagt-trespass ng mga controller ng iba't ibang camera. Kahit camera sa phone, sa bangko, CCTV's at mga DSLR o Polaroid ay kailangan nilang ihack.

As far as I know, every gadget na 'yun ay mayroong chips na siyang nagcocontrol sa buong system, at ang chip na 'yon ang kokontrolin nila.

"Ano bang gagawin nila Lid 'pag nahack na nila lahat ng cams?" tanong ni Ririe sa'min habang nagsusulat ng kung ano sa papel.

"They'll recover all the places kung nasaan ako-or should I say yung kamukha ko. Parang it-track lang nila 'ko ganu'n," ginawa na namin 'yan dati, kaya alam kong kaya niya. Pero noon kasi, may basbas kami ng gobyerno ngayon basbas lang ng laway namin.

"Paano ginagawa 'yun?" tanong ni SaMo kanila Lid.

"Via numbers, tita. Lahat po ng tao 'pag binabasa ng cameras ay mga numero. Ganu'n po ang gagawin namin, hahanapin namin yung numbers ni Kuya Iko at hahanain lahat ng records niya simula noong... uh, dumating si Ate Nikole?" seryosong saad ni Lid habang hindi man lang mailapat ang tingin sa'min.

"Shit, sana all may alam d'yan." Bulalas ni Kuya Steph kaya napangiti kami. Sana all nga.

"Hindi kaya may kakambal din si Sinuelle?" lahat ng atensyon namin ay napukaw ni Ririe noong bigla siyang magtanong habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak niya.

The Entangled StringsWhere stories live. Discover now