"A-Ayos lang ako..." halos maaos na sambit sa'min ni Sinuelle. Sinenyasan ko naman si Ririe na i-check siya at mukhang naintindihan niya naman ako.
"Stop being pretentious, Sinuelle. Alam naming hindi ka ayos, you don't need to act strong all the time. lahat naman tayo may kahinaan." Biglang pangaral ni Nikole sa kaniyang kaibigan. Hindi ko alam ngunit nabigla ako noong madinig ang mga salitang 'yon mula sa bibig niya, marahil dahil hindi ako sanay sa madiin at matapang ang pagkasasaad ng mga salita, malayong-malayo sa mahinhin at palaiyak na Nikole noong nakaraang buwan.
"Lid, dalhin mo na si Sinuelle doon sa isang kwarto. Ririe, ikaw na muna ang mag-alaga sa kaniya ayos lang ba?" tumango parehas si Lid at Ririe at sinunod ang utos sa kanila ni TeDa. Ilang saglit lang ang lumipas at nakita naming lumabas sa maliit na kwarto si Lid, inaamoy-amoy niya pa yung side ng damit niya na sinandalan kanina ni Sinuelle.
"May sakit na nga yung tao, haharot ka pang hayop ka." Binato ng lukot na papel ni Kuya Ei si Lid at kasalukuyang tumabi sa'kin.
"Hindi, nakakapagtaka lang dahil..." huminto siyang muli at inamoy ang damit niya, "Amoy lalaki yata si Sinuelle ngayon pero kanina amoy babae siya?"
"Baka pabango mo lang naamoy mo, Lid." Saad ni Iza ngunit nanatili lamang nakakunot ang noo ng kapatid niya.
"Palaging matapang ang pambabaeng pabango ni Sinuelle, kaya sigurado akong kakapit talaga ang amoy niya. Mawala na sa kan'ya ang lahat 'wag lang ang pabango niya." Nag-iisip rin na sabi ni Nikole. Grabe, unang beses yata naming lahat na mag-usap ng seryoso. Palagi kasing may aberya o puro lokohan lang noon.
"So, sinasabi mo bang kakaiba ang pagbabagong 'yon ni Sinuelle, hija?" kunot-noong tanong ni SaMo na buhat-buhat si Mayi kay Nikole at tanging simpleng tango ang isinagot nito. Ano na bang nangyayari?
"Kuya Steph," napalingon kaming lahat noong madinig ang boses ni Ririe, doon nakita namin siyang kakalabas lang sa kwarto.
"Rie! Ayos lang ba si Sinuelle? Nakalma mo ba? Wala na bang masakit sa kaniya ngayon? Kamusta-"
"You can now shut up, Lid. Ayos lang si Sinuelle, tulog na siya ngayon. Buti may antidote akong dala ngayon. Makatanong ka d'yan pang-asawa levels na."
"Anong antidote binigay mo, Rie? Mamaya hindi naman pala 'yun tama ah." Biglang singit ni Kuya Steph sa usapan.
Tumungo naman si Ririe sa tapat ni kuya at pumameywang, "Wala ka bang tiwala sa'kin ha, kuya?"
"Kaya nga kita tinawag, kuya eh. Hindi mo ba napansin? Lahat ng nangyayari sa'yo tuwing nagkakalayo kayo ni Kuya Ei ay gano'n din ang nangyari kay Sinuelle." She shrugged then sit in the couch together with Iza.
"Hindi ko alam ah, pero ganu'n ang nakita ko. Lagi akong may dala ng gamot mong 'yon kasi nga baka atakihin ka ng sakit mong kung ano. Hindi ko inakalang magagamit ko rin pala 'yon kay Sinuelle."
Inisip ko ang bawat nangyayari kay kuya tuwing inaatake siya ng sakit na 'yon, o sa tuwing nagkakalayo silang kambal. At tama nga si Ririe, lahat ng 'yon ay katulad ng kay Sinuelle.
"Hindi makakasama 'yon sa kalusugan niya, kaya kahit magkaiba man ang sakit ni Kuya Steph at ni Sinuelle ay ayos lang." dugtong niya pa.
YOU ARE READING
The Entangled Strings
Science Fiction𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐝 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 15 𝐢𝐧 #𝐭𝐡𝐞𝐨𝐫𝐲 ▂ ▂ ▂▂ ▂▂▂ ▂ Do you believe that we are not alone living here in this universe---or should I say... multiverse? This journ...
XXIV| UNRAVELING THE ENIGMA
Start from the beginning
