"Anong Mount Everett? Everest 'yun! Tsaka sinong tinatawag mong Everett, Sinuelle?" pagmamaang-maangan ni Lid.
"Malamang ikaw! May iba pa bang Everett ang apilyido dito sa'ting apat?"
"Oo, ikaw. Soon to be pa nga lang, 'pag pinakasalan na kita," kinindatan ni Lid si Sinuelle ngunit imbis na kiligin ay purong pandidiri ang nakita ko sa muka niya.
"Yuck, pabanat-banat ka pa d'yan hindi ka naman magugustuhan ni Sinuelle." Tumawa ako ng malakas matapos asarin si Lid.
"Yabang mo, kuya ah! Porque dinaan mo lang sa math equation si Ate Nikole eh." Aba, sumasagot na ang bata ah!
"Ano ba kasi talaga yung cosmic background rabitation na 'yon?" ngunot noong tanong ni Nikole. Pfft, rabitation? Ano 'yun? Kuneho?
"Radiation, Nikole. Ra-di-a-tion, hindi rabitation," pagtatama sa kaniya ng kaibigan niyang si Sinuelle. Sa kabilang banda naman ay narinig ko ang wagas na pagtawa ni Lid. Wala na rin akong ibang nagawa kun'di batukan siya ng malakas dahil 'pag 'di ko ginawa 'yun, maya-maya lang hindi na makahinga 'yan.
I patted Nikole's head and gave her a sweet smile, "Yung cosmic background radiation o CBR noong 1964, sabi nila, may nagpakita raw na relic ng Earth sa kalangitan. Saglit lang rin daw ang tinagal nito, 'gaya no'ng nangyari sa'tin."
Nakita ko rin naman silang napaisip, mukang tama nga si Lid. Baka nga parang CBR ang nagyari sa'min kanina.
Nakalimutan ko, matagal na palang may tama si Lid.
"Hey, aalis na raw tayo! Tara na!" sigaw ni Ririe sa'min at namataan kong nandoon na siya sa hagdan ng eroplano. Wala na rin sa paligid ang iba pa naming kasamahan at marahil nandoon na sila sa loob. Inalalayan ko namang tumayo si Nikole at ganu'n din ang ginawa ni Lid. Luh, gaya-gaya. Walang originality.
Pagsakay naman namin sa eroplano ay naging banayad naman ang biyahe, tanging ang utak na lamang namin ang nanatiling malikot sa pag-iisip sa mga kababalaghang nangyayari sa'min. Napapadalas na yata ang pagdalaw nito sa'min noong mga nakaraang araw.
"An oddly plane was found in the forest in the southwest part of Brazil. They said-"
"Nanonood ako, Steph. Bakit mo naman pinatay yung TV ha?" pagrereklamo ni Kuya Ei dahil sa biglaang pagpatay ng TV.
"We all need to talk," minsan lang naman maging seryoso si kuya kaya tingin namin ay matamang nga ang pag-uusapan namin.
Humilera kami at nagtapatan ng upuan, this is a premium VIP plane, tanging kaming mga Tesla lamang ang mayroon nito sa buong mundo. Idinisenyo talaga ito para sa mga pribadong pagpupulong namin, soundproof at mukha talaga itong aktuwal na bahay.
"Hindi ba kayo nagtataka sa nangyari kanina? At sa biglaang pagdating ni Sinuelle?" panimula ni Kuya Steph at lumingon sa posisyon ni Sinuelle. Laking gulat naman namin dahil nakita namin siyang nanghihina at nakasandal na sa balikat ni Lid.
Aba, mabilis talaga 'tong pinsan ko ah. Parang kanina wala 'yan d'yan.
"Sinuelle! Anong nangyari sa'yo?" nagulantang na saad ni Nikole at iginiya ang sarili niya sa posisyon ng kaniyang kaibigan.
"Kanina pa siya nanghihina, napansin ko kaya nilapitan ko. Sabi niya 'wag ko na raw sabihin sa inyo, baka makaistorbo lang," paliwanag ni Lid sa amin. Tingin ko wala sa mabuting lagay si Sinuelle, namumutla na rin kasi siya at nahihirapan nang idilat pa ang kaniyang mata.
YOU ARE READING
The Entangled Strings
Science Fiction𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐝 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 𝟏 𝐢𝐧 #𝐞𝐧𝐭𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐦𝐞𝐧𝐭 ; 𝐫𝐚𝐧𝐤𝐞𝐝 15 𝐢𝐧 #𝐭𝐡𝐞𝐨𝐫𝐲 ▂ ▂ ▂▂ ▂▂▂ ▂ Do you believe that we are not alone living here in this universe---or should I say... multiverse? This journ...
XXIV| UNRAVELING THE ENIGMA
Start from the beginning
