CHAPTER 33

11 3 0
                                    

[Angel's POV]

"May masakit paba sayo, Angel?"

Tanong ni Junix.

"W-wala na. Sabi ko naman sayo hindi mo na ako kailangan samahan dito."

"Diba nag-usap na tayo kagabi?"

Nag-usap kami na hayaan ko daw siyang tulungan ako at pinakiusapan niya akong huwag ng kumontra. Hindi naman niya ako binigyan ng pagpipilian sa desisyon na ginawa niya. Pero aaminin kong isang malaking tulong ang pagmamahal na ibinibigay sa akin ni Junix. Kung maaari ko lamang nga itong masuklian ay agad ko na sanang ginawa. Matapos niya akong halikan kaninang madaling araw ay hindi na ako nakapagsalita kaya hinayaan ko nalang siya sa mga kagustuhan niyang gawin. Sa huli ay alam kong matututunan ko din siyang mahalin.

"Angel, hija."

Napatingin kaming pareho ni Junix sa nagsalita at bumungad sa pintuan si Tita Sei, ang mommy ni Krissha.

"Tita."

Nakangiting tawag ko sa kanya. Mabuti ang pakikitungo sa akin ni Tita kaysa sa asawa niya mula pa pagkabata. Kahit hindi nila naiparamdam sa akin ang pakiramdam na magkamagulang ay naiparamdam naman ni Tita sa akin ang pagkakaroon ng mabuting tita.

"How are you?"

Tanong niya agad nang makalapit matapos ay yumakap siya sa akin.

"I missed you, hija."

"Okay na po ako, tita. Namiss ko din po kayo."

Nakangiting sabi ko sa kanya. Nanatili namang nakatayo si Junix sa tabi ko at ngumiti din siya nang makita ang ngiti ko.

"Anong sabi ng doktor? Okay kana ba talaga? Hmm, sino siya?"

Nanunuksong tanong niya pa nang mapunta ang tingin niya kay Junix.

"I'm Junix Santos, ma'am."

Pormal na pakilala niya pa. Inabot naman ni tita ang kamay niya para makipagkamay.

"How are you related to my Angel?"

"She's my Angel too, ma'am."

Sagot ni Junix kaya naman pinanlakihan ko siya ng mata. Tumawa naman si Tita.

"He's prank, hija. He likes you. Mukhang nagdadalaga na talaga kayo ng anak ko."

Tumawa nalang ako para mawala sa ganun ang usapan.

"Anyway, I already knew what happened."

Wika ni tita kaya naman ibinaba ko nalang ang tingin ko. Hanggang ngayon ay totoong nakokonsensya pa ako sa nangyari. Lalo na nang isumbat ni Lance ang pagtulong niya kay Krissha. Kung nandon naman ako, ano kaya ang magagawa ko para maprotektahan ang kaibigan ko? Mukhang wala din naman.

"I'm sorry po sa nangyari, tita."

"No, it's not your fault, Angel."

Sinserong wika ni Tita habang hawak pa ang kamay ko.

"H-hindi ko din po alam bakit nila ako hinahanap, tita. Kaya po---"

"Ssshhh. Hindi ngayon ang oras para isipin mo 'yan. You should rest first. Kakauwi lang namin kagabi kaya ngayon lang kita nadalaw."

"Sana po ay nagpahinga muna kayo tita."

"Nako, ayus lang ako, Angel. Ang tito mo ay may inasikaso lang kaya siya hindi nakasama."

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now