CHAPTER 16

10 2 0
                                    

[Angel's POV]

Tinitigan ko siya sa mga mata matapos niyang sabihin 'yun. Hindi ganun ang gusto kong marinig mula sa kanya. Assuming na kung assuming pero gusto kong marinig na nagugustuhan na niya ako, na kahit papano ay nagkakaroon na siya ng nararamdaman sa akin. Napaisip tuloy ako sa sinabi ni Annika. Kung siya nga ay di pa ganoon kakilala si Lance sa palagay niya, paano pa kaya akong kakakilala pa lamang dito? Hindi ko na siya inabalang tanungin pa matapos kumain. Kinakausap ko siya ng kaswal hanggang sa makarating kami sa kwarto namin.

"This will be our room."

Wika niya at pumasok ako ng tuloy-tuloy. Mayroong dalawang bed sa kwarto. Mula sa kwarto ay natatanaw ang Taal Lake. Napakaganda ng view na ito. Nakakagaan ng pakiramdam. Hindi ko naiwasang alisin ang pagkamangha doon.

"Ang gandaaaa."

Wika ko. Manghang-mangha sa ganda ng Taal Lake na nakikita ko.

"Mas maganda ka. But I hope you like it. That's why I chose this room. For that view."

Niyakap niya ako mula sa likuran at ipinatong niya ang baba sa balikat ko habang pareho naming pinagmamasdan kung gaano kaganda ang view. Tuloy ay nawala sa akin ang inis at kalungkutang nararamdaman.

"T-thank you."

Wika ko habang sa labas pa rin nakatingin.

"You're always welcome, Angel. Thank you for coming with me."

"P-pasensya na din kung medyo nag-inarte pa ako."

Ayokong sayangin ang oras na magkasama kami kaya naman imbis na pairalin ang sariling paghihinagkit ay gusto ko nalang biglang sulitin at namnamin ito. Sana ay huwag akong tuluyang mahulog sayo sa loob ng mga oras na magkasama tayo dito.

"It's okay. You were shocked, maybe."

Umalis siya sa pagkakayakap sa akin at hinarap ako sa kanya.

"I'm sorry for being insensitive and immature. I'm sorry dahil sa ganoong paraan mo ako nakilala."

Wika niya habang nakatitig sa mga mata ko. Ngiti lang ang isinukli ko sa kanya at dahil siguro sa umaapaw na nararamdaman ko ay bigla nalang akong napayakap sa kanya. Ilang segundo rin kaming nanatiling nakayakap sa isa't isa bago ako kumalas.

"M-maliligo na ako."

Nahihiyang wika ko kaya napangiti pa siya nang makita ko.

"Sure. I'll take a bath after you."

Iniwan ko siya sa bed at nagtungo sa mga gamit namin na nasa living room pa. Kumuha ako ng mga damit na pwede kong isuot sa pagtulog at nagtungo sa shower room. Habang naliligo ay gusto kong matuwa dahil maaari kong makasama si Lance ng ganoon katagal. Natutuwa ako dahil ako ang pinili niyang makasama. Pero sa tuwing maiisip kong ginagawa niya lang lahat ng 'to para makabawi sa pagkakamali niya sa akin ay pinanghihinaan ako. Nakapagdesisyon na akong sulitin nalang ang mga oras na kasama siya imbis na magmukmok at manatiling tahimik ng mag-isa at para bang walang kasama, kahit pa ang kapalit non ay di malabong mas mahulog pa ang loob ko sa kanya. Noon, hindi ko prayoridad ang ganitong eksena. Kahit may magparamdam sa akin ng pagmamahal, awtomatiko akong lumalayo sa mga taong 'yon. Pumasok ako sa Love Empire Academy para sa tatay ko na tanging palayaw na Lee lang naman ang alam ko. Tapos ay mas inuuna ko pa 'tong kalandian kaysa sa paghahanap sa ama ko. Gusto ko tuloy mainis sa sarili ko.

Nang matapos akong maligo ay lumabas na ako at nagpatuyo ng buhok sa blower sa sala. Pagkatapos ko ay saka ako nagtuloy sa kwarto at inabutan si Lance na may kausap sa cellphone.

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now