CHAPTER 6

42 23 0
                                    

[Angel's POV]

Matapos kong mailabas ang mga sama ng loob ko ay gumaan ang pakiramdam ko kahit papaano. Hindi ko nga lang inaasahan na yakap at pakikinig pa ng bwisit na 'to ang makakapagpagaan ng nararamdaman ko. Mabilis akong kumalas sa yakap niya at pinunasan ang mga luha ko.

"I really don't know what to say."

Wika niya. Actually, sa mga ganitong pagkakataon, mas gusto ko talagang pakinggan lang ako nang walang mga tanong o sinasabi. Kung kay Krissha ko kasi ilalabas lahat ng 'to ay siguradong masasaktan din siya para sa akin at aawayin pa ang mga magulang niya dahil ganoon ang ipinaramdam nila sa akin.

"Thank you."

"You know what, I admire you for being that brave. Look at the brighter side, you might not have your parents with you, the world may have treated you that bad but look where did it brought you. You are stronger than your fears now."

Nginitian ko siya matapos niyang sabihin 'yon.

"Hindi ko inaasahan na sayo pa ko makakapaglabas ng sakit."

Tinitigan niya ako at muling tumibok ng malakas ang dibdib ko. Nilapit niya ang mukha niya sa akin at---

At pinitik ako!!!!!

"Don't imagine things Angel. Pangit kapa ding umiyak."

Bigla ay humalakhak pa siya. Nakakainis din ang topak ng lalaking 'to. Masyado siyang bipolar.

"Bumalik na tayo."

Sinadya kong magtunog bossy sa kanya.

"Not yet. May kailangan akong bilhin sa mall. Malapit na tayo. Samahan mo na ako."

"Pero pagkacutting ang ginagawa natin. Never in my school life ay nagcutting ako."

"This is not cutting. Nagpaalam tayo."

"Oo. Oo nagpaalam tayong sa CLINIC pupunta."

Diniinan ko pa ang salitang clinic para mapagtanto niya ang kasinungalingan niya.

"I am one of their boss. Manahimik kana lang dyan. Baka ano na naman magawa ko sa tuwing sumasagot sagot ka sa akin."

Nang maalala ko ang mga nangyari kahapon ay nanahimik na lang ako. Dalawang araw palang ng klase pero heto at kasama ko ang lalaking tinapunan ko ng lunch ko kahapon. Nakakainis at sa kanya pa ako nakipagkaibigan.

Bumaba kami sa isang malaking mall dito sa aming probinsya. Hindi kasi ako mahilig mag-mall kaya hindi rin ako pamilyar sa mga mall na malapit sa amin. Nang makapasok kami doon ay inagaw na ni Lance ang atensyon ng ibang mga babae dahil siya ang tinitignan ng mga ito. Nakakahiya at nakaschool uniform pa kami. 2 pm palang at paniguradong alam ng lahat na class hours pa.

"Are you hungry?"

Bigla ay tanong niya. Hindi ko alam kung paano niya nagagawang baguhin ang ugali niya nang ganoon.

"No."

Tipid kong sagot. Nanguna ako sa paglalakad nang bigla ay magring ang kanyang cellphone. Hindi ko nalang siya hinintay. Hindi ko naman ugaling makitsismis kasi.

"Damn! Angel, hintayin mo ko!"

Sigaw niya na hindi ko nalang pinansin. Wala pang ilang segundo nang masabayan na niya ako ulit sa paglalakad at mas ikinagulat ko nang akbayan niya ako. Tinitigan ko siya at kinunotan ng noo.

"Alisin mo nga yan."

"Ang choosy mo naman. Ang gwapo ko kaya wag kana mahiya."

"Alis sabe."

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now