CHAPTER 23

13 2 0
                                    

[Angel's POV]

Nang maglunch break ay agad na lumabas yung Junix habang agad naman akong nilapitan ni Krissha. Nagtuloy-tuloy kasi ang klase namin at hindi nagkaroon ng 15 minutes break dahil sa pageextend ni Sir Luke.

"Angel, ayus kalang ba?"

Tumango naman ako sa kanya at inayos ang mga gamit ko. Pero sunod-sunod na lumapit sa akin sina Annika, Jerome, Miguel at Zach.

"B-bakit?"

Nagtatakang tanong ko sa kanila kahit sa totoo ay alam ko naman kung bakit ang mga mukha nila ay nagpapakita ng pag-aalala.

"Babe."

Mula sa likod ay dinig ko ang malambing na pagtawag ni Lance kay Yen.

"Angel."

Muli ay pagtawag sa akin ni Krissha na hinawakan pa ang kamay ko.

"Ayus lang ako."

Nakangiting sabi ko sa kanila.

"Kain na tayo."

Muling sabi ni Lance pero iniwasan kong malingunan siya.

"Sasabay ba kayo sa amin, seatmate?"

Tanong ni Miguel kay Krissha. Nag-aalangan akong sumabay sa kanila pero alam ko namang wala akong choice dahil kaibigan na rin namin sila.

"Sige."

Sa halip na si Krissha, ay ako ang sumagot.

"Ayun naman pala. Tara na."

Hindi ko alam kung bakit nagagawang maging pormal ni Lance sa harapan ko. Nauna silang lumabas ni Yen sa amin habang naka-akbay pa siya sa Fiance niya. Fiance.

"Would you mind eating with me outside?"

Bigla ay tanong ni Jerome habang naglalakad na kami pababa. Gulat ko siyang tinignan at nang hindi ako tumugon ay muli siyang nagsalita.

"Kakain lang naman tayo dyan sa karenderya sa labas."

Kakamot kamot ang ulo niya pang sabi na para bang ikinakahiya ang pagyayaya niya.

"Hahaha. Ang mayamang tulad mo, kumakain sa karenderya?"

Natatawa din siyang napatango. Napakasosyal ng pagtatanong niya pero dun lang pala siya mag-aaya.

"So, sasamahan mo ba ako?"

"Sige. Wala rin akong baon e. Basta libre mo."

"Sure."

Kaya naman nagpaalam sa kanila si Jerome na kakain kami sa labas. Hindi yun narinig nina Yen at Lance dahil nauna na silang naglakad. Alam kong iniintindi lang ng mga kaibigan niya ang sitwasyon namin. Gayong alam ko naman na pwede naman nila kaming iwasan para hindi magkaroon ng tensyon.

"Have a seat. Masarap ang pagkain nila dito. Oorder lang ako."

Nakangiting sabi ni Jerome habang pinaghihila pa ako ng upuan. Nakatayo ang karenderya na 'to sa gilid ng school. Malabong kumain ang mga estudyante ng academy dito dahil nga mayayaman silang lahat.

Nang makarating ang inorder na pagkain ni Jerome ay nagsimula na rin kaming kumain.

"Masarap ba?"

Nakangiting tanong niya pa.

"Oo."

"Dito kami madalas ni Mika noon."

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now