CHAPTER 40: HODOPHILE

Magsimula sa umpisa
                                    

"Umamin din!" sigaw ni Amethyst. "Hoy like ko lang siya! It doesn't mean I already love him!" depensa ko agad sa kaniya. "Weh? Ako pa talaga Luna? Lolokohin mo pa talaga ako?" tanong ni Amethyst habang nakapameywang.

Napabuntong-hininga na lamang ako dahil alam kong wala na din ako magagawa pa. At kung may pagsasabihan man ako ng sikreto, sina tita Jade at Amethyst ang mga ito.

"Oh ikaw anak bakit ka nag didiet?" tanong ni tita. "Tita meron na po manliligaw 'yan," tugon ko sa kaniya. "Ahh so you're keeping secrets from your mom now?"

"Ma hindi naman po sa ganon!" lumingon sa'kin si Amethyst. "Luna kasi bakit mo ako nilalaglag!" Natawa ako sa kaniya dahil namumula ang mga pisngi niya. "Ano pangalan niya?"

"Jazz po."

"Kayo na?"

"Hindi pa po ma, nanliligaw palang po."

"Ayos lang ang ganiyan anak, basta huwag papabayaan ang studies at pakilala dapat kay mommy ha?" Tumango naman si Amethyst at pinakita ang litrato ni Jazz. "Cute siya at medyo chubby." sabi ni tita.

Tita, tuloy po ba tayo sa pagpunta natin sa Baguio bukas?" tanong ko sa kaniya. "Oo naman! Kung tayo lang tatlo, hindi ba parang sad 'yon? Why won't we invite Sol and Jazz?" Biglang kumontra si Amethyst. "Ma kahit 'wag na natin isama si Jazz!"

"Busy po siya eh!" Ang katotohanan bakit ayaw isama ni Amethyst si Jazz dahil wagas kung mag tanong si tita Jade. "Edi si Sol nalang, para makilatis ko siya."

"Ayos lang ba sa'yo, Luna?"

"Opo naman, pero sa inyo po ang desisyon, hindi po ba nakakahiya po sa inyo yon?"

"Naku! 'wag mo na isipin 'yon! Ang gusto ko mag enjoy ang unica hija ni Jorden." Napangiti ako sa sinabi ni tita. "Why don't you call him?"

SOL

Napatigil ako sa paghuhugas ng plato dahil tumunog ang phone ko. Pinunasan ko ang mga kamay ko at nakita ko ang pangalan ni Luna sa screen ng cellphone ko.

YOUR LOVE IS CALLING...

Nanlaki ang mga mata ko na si Luna nga ang tumatawag sa'kin. Oras na ah? Ano kaya kailangan niya sa'kin? O baka naman ako mismo ang kailangan niya. Tumikhim muna ako bago ko sagutin ang tawag niya.

"Hello Sol?"

"Oh Luna napatawag ka?" Hindi ko alam paano ko pigilin ang kiligin dahil ngayon lang ako tinawagan ni Luna.

"May gagawin ka bukas?" Grabe! Abot hangga tenga ang ngiti ko, dahil tinig anghel itong si Luna. Huminga muna ako ng malalim bago sumagot sa kaniya.

"Wala naman, bakit?" Siguro makikipagdate sa'kin ang babaeng 'to! Sabi ko na eh crush niya ako!

"Mag Baguio daw tayo, kasama natin si Amethyst at ang mommy niya."

"Hindi ba nakakahiya 'yon?" Ang totoo nito wala naman akong hiya. Bigla nag-iba ang boses ng kausap ko.

"Hello Sol?"

"Sino po ito?"

"Tita ako ni Luna, gusto mo ba sumama sa Baguio tomorrow? Madaling araw tayo aalis, susunduin ka namin bukas sa inyo. Tapos babalik agad tayo sa Lunes."

"Ayos lang po ba tita? Hindi po ba nakakahiya sa inyo 'yon?"

"Naku! Hindi naman Sol, kaya sumama kana."

"Wala po akong pera tita."

"Sagot ko na."

"Talaga po?"

"Oo naman! Send mo nalang ang address mo kay Luna, patayin ko na ang tawag ha?"

"Sige po maraming salamat po!"

Pinatay na ang tawag at pinuntahan ko si Elijah na mahimbing ang pagkakatulog. "Kuya." Tawag ko sa kaniya. "Ano?" Iritadong sagot niya.

"Niyaya akong sumama ng tita ni Luna sa Baguio, pwede ako sumama?" Tanong ko sa kaniya.

"Bakit ka nagpapaaam sa'kin? Ako ba ang tatay mo?" tanong nito at tinakpan niya ang mukha niya sa unan. Ang sungit naman neto tsk. "Hihingi lang sana ako ng pera." sagot ko sa kaniya.

Biglang bumangon si Elijah at kumuha ng tatlong libo sa kaniyang wallet.  " 'Yan ang natitirang pera natin sa banda, palitan mo nalang." Kinuha ko iyon.

"Salamat talaga!"

"Kailan ang balik n'yo?"

"Sa Lunes." Humiga na muli si Elijah. "Dalhan mo nalang kami ng pasalubong. Tsaka sabihin ko nalang kay mama."

--

Katapos ko maglinis sa kusina, pinatay ko na ang lahat ng mga ilaw at nilock ko na ang gate at ang pintuan namin.

Nag-impake na ako ng aking mga damit at mga kailangan kong dalhin para bukas.

Tumabi ako kina Elijah at natulog na. Pagkagising ko ng madaling araw, naghilamos na ako at nag-almusal.

Pagkalipas ng kalahating oras, may isang kotse na tumigil sa harapan ng gate namin. Nang bumukas ang pintuan nito ay bumungad sa'kin ang itsura ni Luna.

Sol at Luna (A Solar Eclipse Love Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon