Chapter 23 Maze

Magsimula sa umpisa
                                    

Naramdaman ko na ang paninikip ng dibdib ko dahil unti unti na akong nawawalan ng hininga. Nakakainom na rin ako ng tubig dahil pinipilit ko paring lumangoy papunta sa ibabaw.

Napahawak ako sa aking dibdib at saka malakas na napaubo ng makaramdam ako ng kahinhawaan. Doon ko lang napansin na nasa loob na pala ako ng isang malaking bula, paniguradong gawa ito ni Viviane dahil hanggang ngayon ay naririnig ko parin ang patugtog niya.

Agad ko namang nilibot ang paningin ko ng mapagtanto ko na nag-iisa nalang ako. Mabilis akong tumayo sa loob ng bula kahit na nahihirapan para hanapin ang lider ng Omega.

Sa 'di kalayuan sa akin ay nakita ko itong katulad ko ay nasa loob ng isang malaking bula, pero 'di katulad ko ay nakahiga ito at mukhang walang malay. Marahil ay dahil iyon sa paggamit niya ng adva.

Agad namang napakunot ang noo ko ng maalala na halos hindi naman ganoon kadaming Adva ang pinakawalan niya dahil saglit na panahon lamang iyon. Kung tutuusin ay tinulungan pa nga siya ni Viviane kanina kaya bakit mawawalan siya ng malay?

Halos mataranta naman ako ng makitang sa ibang dereksyon papunta ang bulang kilalagyan niya. Patuloy parin kasi ang pagpasok ng tubig kaya malakas parin ang agos. Tatawagin ko na sana siya ng maramdaman ko ang mabilis na paggalaw ng bulang kinatatayuan ko.

Agad akong naging alerto ng lumutang na ito at nagpaliko-liko papunta sa kung saan. Hindi na dito nakakaabot ang tubig kaya marahil ay malayo na ito.

"Ate Mira!" napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita ko roon ang nakangiting si Viviane. Ikinumpas niya lang ang kamay niya at agad na nawala ang bula , kaya nalaglag ako sa lupa.

Muntik pa akong mapamura ng maitukod ko na ang binti ko. Agad kong naramdaman ang sakit mula doon. Patuloy parin pala ang pagdugo ng sugat ko mula doon na tinamaan kanina ng pana.

"Ate Mira ayos ka lang ba?" Agad na lapit ni Viviane sa akin, marahil ay napansin niya ang sakit na iniinda ko. "Ate ang binti mo" nag-aalalang sabi niya ng makita nito ang sugat ko.

"Ayos lang ako, gagaling na din na din yan maya-maya lang" sagot ko sa kanya para hindi na siya mag-alala. Buti na nga lang ay talagang kusang gumagaling ang mga sugat ko sa 'di ko malamang dahilan.

"Mag pahinga na muna tayo dito ate hanggang sa tuluyang gumaling ang sugat mo" suhesyun niya na siyang kinatango ko naman. Umupo nalang ako sa isang tabi at saka isinandal ang likod sa pader.

Doon ko lang din napagmasdang mabuti ang paligid, puro nagtataasang pader lang ang nakikita ko at maliban doon ay wala na.  Wala ng kahit na isang puno manlang o halaman sa paligid. Kita ko rin mula sa kinauupuan ko iba't-ibang daan na sigurado ay papunta sa kung saan.

Isang maze

Bulong ko sa isipan ko. Nasa loob kami ng isang malaking maze at sigurado ako na maslalong magiging mahirap ito dahil hindi na namin alam kung saan ang daan papuntang sentro.

Napatigil lang ako sa pag-iisip ng abutan ako ni Viviane ng isang tinapay. Napatingin naman ako sa kanya at ngitian lang naman ako nito.

"Baka hindi ka pa ate kumakain" nakangiting sabi niya kaya kinuha ko nalang iyon. Doon ko lang napansin na may dala dala siyang isng may kalakihang bag at pansin ko na puno iyon. Pati rin siya kumuha ng tinapay sa bag niya at kinain iyon.

Kinain ko nalang ang binigay niyang tinapay dahil kung tutuusin ay gutom pa naman talaga ako. Hindi ko rin kasi kanina nakain yung prutas na binigay niya dahil walang lasa at saka natutuwa pa akong asari—

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon