Chapter 22 Eldoris

21 6 0
                                    

Chapter 22 Eldoris

Tila walang hanggang kadiliman ang sumalubong kay Mira ng pasukin niya ang pintuan. Tanging ang nakabukas lang na pintuan sa likod niya ang nabibigay liwanag pero hindi parin iyon sapat para makita niya ang buong paligid.

Tanging ang mga yapak niya lang ang maririnig sa buong paligid at habang palayo siya ng palayo sa pintuan, siya namang pagdilim palalo ng paligid.

Napahigpit ang hawak ni Mira sa batong binigay sa kanya kanina at saka mabilis na tinakbo ang lagusan na natatanaw niya mula sa 'di kalayuan.

Doon, sumalubong sa kanya ang mga nagtataasang puno, mga huni ng mga ibon at iba't ibang tunog na nagagawa ng mga hayop sa paligid.

"Isang gubat

Bulong niya sa kanyang sarili habang nililibot ang paningin. Bakas ang pagtataka sa mukha ng dalaga habang nakatingin sa napakapayang kapaligiran na tila ba walang dalang kapahamakan at maslalo pang napakunot ang noo niya ng matanaw ang kulay asul na kalangitan at mga ibong nagliliparan doon.

Alam niya sa sarili niyang nasa loob parin sila ng Atlantis pero tila iba ang sinasabi ng mga nakikita niya dahil imbis na ang asul na karagatan ang nandodoon ay mga ulap at ibon ang nakikita niya.

Malakas na bumuntong hininga si Mira at saka nagsimulang maglakad. Kahit na binabalot ng kaba ay nag patuloy parin siya. Kailangan niyang makapunta sa sentro kagaya ng sabi ng mga kasamahan niya.

Agad din naman siyang napahinto sa paglalakad at nilibot muli ang paningin. Wala na ang lagusan na kanina ay pinasukan niya tanging mga puno at damo nalang ang nasa paligid niya at tila ba nasa gitna siya nito.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras at agad na inakyat ang puno na nakita niya. Mula sa taas ay pinagmasdan niya ang gubat. Wala siyang nakitang kakaiba maliban nalang sa isang puno na halos doble ang laki kaysa sa karaniwan.

Bahagya pa siyang napangiti at saka tumalon pababa ng puno. Ngayon ay alam na niya kung saan ang pupuntahan niya. Kaya kahit nababalot ng kaba ay tinahak niya ang daan papunta sa malaking puno na nakita niya.

Katulad ni Mira, ganoon din ang ginawa ng iba. Tinahak ang nag-iisang puno na naka akit ng atensyon nila pero ang 'di alam ni Mira simula palang na mag umpisa ang Eldoris, umpisa palang na lumabas siya sa madilim na lagusan kanina ay isang pares na agad ng mga mata ang nakamasid sa bawat kilos niya at masayang masayang pinagmamasdan ang ginagawa niya habang nag-iintay ng tamang oras para atakihin siya.

******

MIRA NOELANI ADVA LANA

Hindi ko alam kung ilang oras na akong naglalakad sa gitna ng gubat nato pero laking pasasalamat ko din dahil kahit papano ay wala pa akong nakakasalubong na kung sino kaya naman kahit na konti ay napapanatag ang loob.

Napatingin ako sa relong binigay sa akin kanina ng Meredith at nakita ang mga numero doon. Sa taas ay 98 ito ang bilang ng grupo na nanatiling naglalaro at sa baba naman nito ay ang numerong 6, ito naman ang bilang ng natitirang miyembro ng grupo na kinabibilangan ko ang Omega.

Ang kaninang 105 na grupong naglalaro ay 98 nalang ngayon. Pito kaagad ang natanggal, alam ko na mababawasan pa ito ng mababawasan habang papalapit kami ng papalapit sa sentro.

Dahil habang lumalapit kami sa sentro ay papalapit rin kami ng papalapit sa isa't- isa.

Napahinto ako sa paglalakad ng may maramdaman akong kakaiba. Agad kong nilibot ang tingin ko dahil alam akong may nakamasid ngayon sa bawat kilos.

Inihanda ko naman ang sarili ko at ginawa ko na ulit boomerang ang porselas na nakasuot sa kamay ko. Hindi na ako nag aksaya ng oras at agad iyong inihagis sa sanga na 'di layuan sa akin.

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon