Chapter 10 The Great Seven ✔

150 59 18
                                    


Chapter 10: The Great Seven

Mira's P. O. V

'The Curse War'

Basa ko sa aklat na nasa harap ko. Ito yung aklat na nakuha ko sa silid aklatan bago mangyari ang lahat.

Napabuntong hininga nalang ako ng maalala ko ang mga nangyari. Si Alpha. Naalala ko naman ang boses niya. Ang paraan ng pagtawa niya. Napakapamilyar sa akin.

Marahas kong iniling ang ulo ko ng maalala ang lahat. Hindi maaaring siya yun napaka imposible. Hindi maaari!

Itinuon ko nalang ang aking atensyon sa aklat na nasa harapan ko. The Curse War. Talagang matagal na ito dahil nakasulat pa ito sa salitang Engles. Sa tingin ko ay sinulat ito noong kasagsagan ng pagtuturo ng salitang Engles dito sa Atlantis.

Hinawakan ko ang pabalat nito at pinagpagan ng alikabok bubuklatin ko na sana ito ng may maalala nanaman ako. Marahas akong pumikit para subukang iwaksi ito pero nabigo ako.

Wala akong nagawa kundi ang humiga sa aking kama dahil sa aking naiisip. Buti nalang ay wala dito si kwarto namin sila Assana at Talya dahil pinatawag silang mga miyembro ng Morgance. Ang sabi nila sa akin ay masyado daw silang maraming ginagawa. May malaking problema daw sila na sinusubukang ayusin kaya masyado silang abala.

Kahit na sabado ngayon ay abala parin silang dalawa. Pero sa tuwing nandito silang dalawa ay hindi naman matahimik ang buhay ko. Lagi nila akong kinukulit patungkol sa nangyari noong nakaraan.

Lagi nila akong tinatanong kung bakit daw buhat buhat ako ng sardinas na yun papunta dito. Nagpapahinga daw sila ng mga oras na yun ng may kumatok sa pintuan kaya agad nilang binuksan.

Doon daw nila nakita yung sardinas na yun habang buhat buhat ako. Tinanong daw nila kung anong nangyari sa akin at kung bakit magkasama kami pero wala silang nakuhang sagit mula dito. Tinignan lang daw sila nito ng walang kabuhay buhay at saka nagderetso sa loob para ihiga ako sa kama.

Kaya simula noon ay hindi na ako tinigilan ng dalawa. Palagi nilang tinatanong sa akin kung bakit daw magkasama kami at kung anong nangyari sa akin pero tanging masamang tingin lang ang sinasagot ko sa kanilang dalawa. Imbis na matakot sila sa mga titig ko ay tatawa lang silang dalawa na para bang tuwang tuwa pa silang makita akong naiinis.

Simula din noon ay hindi na yun maalis sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit ayaw hindi ko iyon makalikalimutan kahit na anong gawin ko. Nakakainis.

Ipinikit ko ang mga mata ko at saka malakas na bumuntong hininga. Sinubukan kong alisin ang mga alaala na iyon. Tumayo ako mula sa pagkakahiga ko at umupo sa aking kama kung saan nakalagay ang aklat.

Kailangan ko itong pagtuunan ng pansin dahil baka nandito ang lahat ng kailangan ko. Hindi na ako nagdalawang isip at agad ko na itong kinuha at binuksan.

Pero agad din naman akong nabalot ng lungkot ng makita ang mga nakasulat dito puro numiro ito. Hindi ko maintindihan ang mga nakasulat dito kailan pa sinabing numbers ang ipangsulat sa mga libro.

Pano naman to maiintindihan ng mga mangbabasa kung puro numiro naman ang nakalagay.

Dismayado ko lang na tinignan ang aklat at halos mahilo ako dahil sa dami ng numiro na nakikita ko. Inilipat ko lang ang pahina nito dahil nagbabakasakali na may makita ako at maintindihan dito.

Halos makalahati ko na ang aklat pero wala parin akong makita kung hindi mga numiro. Unti unti narin akong naiinis sa aklat na ito.

Napatigil lang ako ng may makita akong isang pangalan sa pahina nito. Nasa pinakataas ito at halos hindi narin makita dahil sa sobrang liit nito. Inilapit ko pa ang aking mga mata pero nabigo parin akong basahin ito.

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon