Chapter 11 The Nixie ✔

114 47 5
                                    

Chapter 11: The Nixie

Assana's P. O. V.

"Nasaan na ba kasi yung babaeng yun? " magkahalong ireta at pag-aalala ang maririnig mo kay Talya. Kanina pa kasi namin hinahanap si Mira pero hindi namin siya makita. Nag-aalala na rin kami dahil baka kung ano na ang nangyari sa kanya.

Hindi rin namin alam kung bakit nalang siya tumakbo sa kung saan. Ang buong akala namin ni Talya ay nasa likudan lang namin si Mira pero nagulat nalang kami ng wala na siya doon.

Agad kaming bumalik at doon lang namin nakita ang pagkukumpulan ng mga estudyante. Dali dali naman naming nilapitan ni Talya si Mira at laking gulat namin na umiiyak ito habang nakatingin sa mga miyembro ng Omega. Pero ang mga mata niya ay talagang nakatuon lang kay Caspian at makikita doon ang matinding lungkot at sakit.

Naiisip ko tuloy na nagtapat na ng pag-ibig si Mira kay Caspian pero tinanggihan siya kaya ganun nalang siya kung umiyak. Matagal narin namin siyang kinukulit ni Talya simula noong hinatid siya ni Caspian sa kwarto namin ng walang malay.

Simula noon ay lagi nanamin siyang inaasar kay Caspian kaya siguro lalo siguro siyang nahulog. Mukhang nagkatotoo nga ang akala namin ni Talya.

Natigil lang ako sa aking pag-iisip ng marinig ko na magsalita si Kai.

"Baka naman bumalik nasa dormitoryo niyo" suhestiyon ni Kai pero tinignan lang siya ni Talya. Ako naman ay hindi mapakali habang tinitignan ko siya.

Hindi ko alam kung bakit nandito si Kai at kasama naming naghahanap kay Mira basta ang alam ko ay kasabay namin siyang tumakbo kanina para sundan si Mira. Hindi ko naman magawang magtanong sa kanya dahil nahihiya ako.

"Ilang beses mo na bang sinabi na nasa dormitoryo siya at ilang beses na rin nating tinignan doon pero wala tayong nakita. Wala ka na bang ibang alam kundi ang lugar na iyon? " naiinis na si Talya sa kaniya dahil totoo naman talaga ang sinabi niya kanina pa kami paulit-ulit na pumupunta doon pero wala kaming napapala.

"Tanong kasi kayo ng tanong tapos kapag sinagot ko naman kayo magagalit kayo pare parehas kaya nating hindi alam kung nasan si Mira. Buti nga sinasagot ko pa kayo" buwelta naman nito kay Talya kaya ayun naka tanggap siya ng isang malakas na batok. Kitang kita ko kung papaano napa aray si Kai pero wala na siyang nagawa hindi ko alam kung paano nagagawang saktan ni Talya si Kai kahit na alam niyang miyembro ito ng Omega.

Alam ko naman na malaki talaga ang galit ni Talya kay Kai dahil ito ang laging nagpapahirap sa aming mga Morgance dahil sa palagi niyang paglabag sa mga batas ng paaralan.

Pero nagtataka talaga ako kung papaano niya nagagawang saktan ang isang napakagwapong nilalang na ito.

"Tigilan niyo na nga yan at hanapin nalang natin si Mira dahil mahihirapan pa tayo kapag naggabi na" awat ko sa kanila dalaaa kaya nag simula na kaming maglakad at muling maghanap.

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon