Chapter 20 Avonmora

82 10 0
                                    

Chapter 20: Avonmora(Evanmora)

Mira's P.O.V.

Nagising ako dahil sa ingay sa aking paligid. Rinig ko ang malakas na kuwentuhan nila Assana at Talya sa kanilang kama habang nag-aayos ng sarili.

Mukhang kakaligo lang ni Assana dahil basa pa ang kanyang buhok. Si Talya naman ay nag-aayos ng suot niyang damit.

Pansin ko na parehas sila ng suot mukhang iyon ay uniporme nila bilang isang Morgance dahil kahit na may malaking pagdiriwang ngayon ay kailangan parin nilang gampanan ang tungkulin nila bilang isang Morgance.

"Bumangon kana dyan at maligo. Nandyan na rin yung susuutin mo hindi namin alam kung sino ang nagdala" napalingon ako kay Talya ng sabihin niya iyon.

Napakunot naman ang aking noo dahil sa sinabi niya. Kaya agad akong tumayo at tinignan sa maliit naming lamesa ang sinasabi niya.

Nakita ko doon ang isang kahon na may nakalagay ng pangalan ko. Binuksan ko iyon at doon ay may nakita akong isang pares ng damit na kulay asul. May halo din itong kulay puti na maslalong nagpaganda sa damit.

"Patingin nga kung ano ang susuutin ng Omega. Titignan ko kung bagay sayo" saad ni Assana at dali daling pumunta sa harapan ko para tignan ang damit.

"Omega?" tanong ko sa kanya dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya.

"Oo. Diba nga ay sabi mo na ikaw ang bagong miyembro ng Omega at ang bawat grupo ngayong araw ay may kanya kanyang susuutin" sagot ni Assana sa akin habang tinitignan niya yung damit.

Napakunot naman ang noo ko dahil hindi naman iyon sinabi sa akin nila Viviane kahapon samantalang magkakasama lang kami.

Kagaya nga ng sinabi ni Assana ay iyon nga ang susuutin ng mga miyembro ng Omega dahil nandoon ang pangalan ko at sa baba niyon ay nakasulat ang Omega.

Tinignan din naman ni Talya ang damit at tuwang tuwa silang dalawa dahil ang ganda daw ng damit.

Iniwan ko nalang sila at saka ako naglakad papunta sa kama ko. Kinuha ko yung mga gagamitin ko at saka ako pumasok sa banyo.

Malapit na rin mag alas otso kaya kailangan nanaming bumama agad dahil oras na ng pagkain.

Nagugutom narin ako dahil kaunti lang naman ang nakain ko kagabi dahil kahit na malayo kami sa lamesa ng Omega ay rinig na rinig ko ang paglalandian ng hipon at sardinas na yun.

Nawalan na ako ng gana kaya naman umalis nalang ako at natulog dito sa kwarto. Kaya ngayon ay ramdam ko ang paghapdi ng aking sikmura dahil sa gutom.

Dahil sa gutom ay mabilis kong tinapos ang paliligo ko at idagdag pa ang pangungulit sa akin ni Assana para suutin ko na yung damit na bigay ng Omega.

Nakabusangot akong lumabas ng banyo at saka ko tinignan ng masama si Assana na tinawanan niya lang naman at saka niya inabot sa akin yun kahon at pinagtulakan ulit akong pumasok sa banyo.

Pumasok nalang ako sa banyo para isuot ang damit na binigay niya. Pagkatapos ay lumabas ako na siya namang ikinatuwa ni Assana.

Agad niya akong hinila sa tapat ng salamin at pinakita sa akin ang suot ko. Kung tutuusin ay maganda naman talaga ang suot ko pero hindi lang ako natutuwa dahil gutom na ako.

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon