Chapter 21.1 Jordon

26 5 0
                                    

Chapter 21.1: Eldoris

MIRA NOELANI ADVA LANA

Isang malakas na tawa ang kumawala sa aking bibig habang nakatingin kay Kai na takot na takot. Kahit na medyo malayo ako sa kanila ay kita ang butil butil na pawis na tumutulo mula sa mukha niya.

Simula ng pumasok kami dito sa loob ng bahay ng mga Nixie ay hindi pa kami lumalabas dahil alam namin na andon parin sila.

Simula kanina ay hindi parin tinitigilan si Kai ng mga Nixie na nandidito at pilit lumalapit sa kanya. Minsan ay tinatalunan pa siya ng mga ito na maslalong nakapagpatakot kay Kai.

Hindi ko tuloy maiwasang matawa sa tuwing sisigaw siya dahil sa pagdila ng Nixie sa mukha niya. Kahit na si Clifford ay hindi maiwasang matawa paminsan minsan.

Si Kailani naman ay halata na kanina pa nagpipigil ng tawa sa kapatid. Minsan kasi ay bigla nalang siyang titingin sa kawalan at saka kakagatin ang labi para hindi siya matawa. Alam kong matinding away ang mangyayari sa pagitan nila kapag narinig ni Kai ang tawa ni Kailani.

Kanina pa kasi humihingi ng tulong kay Kailani si Kai pero hindi siya nito pinapansin. Tinatawag niya din ang pangalan ko pero wala siyang narinig na sagot sa akin kundi malakas na tawa.

Si Viviane naman ay kanina pa nakikipaglaro sa ibang mga Nixie. Nakikipaghabulan at minsan ay inililipad siya nito. Napangiti nalang ako habang nakatingin sa kanya dahil hindi maipagkakaila na bata parin ito.

Napatingin ako sa gilid ko ng maramdamang may nakatingin sa akin at doon ay nakita ko ang kulay asul na mata ng leader nila na nakatingin sa akin.

Kakakitaan iyon ng saya pero noong napansin niya na naka tingin ako sa kanya ay agad din iyong napalitan ng dati niyang emosyon.

Bigla ko namang naalala ang nangyari kanina kaya agad din akong nag-iwas ng tingin.

Hindi ko inakala na silang dalawa pala ni Kai ang hawak hawak ko kanina noong pumasok kami dito.

Una kong tinignan noon si Kai na tila naninigas dahil nasa harapan namin ang mga Nixie at galit na galit ang mga ito. Ramdam ko ang takot sa kanya ng mga oras na iyon.

Pero nawala ang ngiti ko ng makita ko ang nasa kabilang kamay ko. Ang leader nila iyon. Sobrang higpit ng pagkakahawak niya sa akin habang nakatingin sa mga Nixie na nasa harapan namin.

Galit na galit ang mga ito sa biglaan naming pagpasok sa tahanan nila. Buti nalang ay nakilala agad nila ako at napahinahon din sila ni Evian bago pa kami atakihin ng mga ito.

Hindi narin naman nagawang makapasok ng mga estudyante dahil sa matinding takot. Nasa pintuan ng gate ang tatlong Nixie at galit na galit habang nakatingin sa mga estudyanteng sinusubukan na makapasok.

"Mira!!! Alisin mo na tong mga to!" nabalik ako sa aking sarili ng marinig ang sigaw ni Kai. Nakahiga na siya sa lupa habang may naka patong na dalawang Nixie sa kanya. Sa laki ng mga iyon ay sigurado na hindi siya makakaalis doon.

Tinawanan ko lang naman siya at saka muling humarap sa lawa na nasa harapan ko. Andito kami sa lugar na pinagdalan nila sa akin noong inatake nila ako. Dito ko rin unang nakausap si Evian at sinabi sa akin ang lahat lahat.

Kahit na ngayon ay hindi ko parin mapaniwala ang sarili ko na ako ang tinuturing na reyna ng mga Nixie na nasa harapan namin ngayon. Hindi ko alam kung bakit ako ang pinili ng kauna unahang reyna ng Atlantis na mangalaga sa mga ito.

At isa lang ang sinisigurado ko, iyon ay ang alagaan ang mga Nixie na nasa harapan namin ngayon ng buong puso.

"Grrrrgg!"

Amphitrite University: The Sea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon