Chapter 22 Eldoris

Start from the beginning
                                    

Mabilis na akong tumakbo kasabay ng pagkontrol ko sa boomerang ko pabalik sa akin. Hindi ko pa alam kung anong kakayahan nilang dalawa o may kasama paba sila kaya masmadaling takasan nalang muna sila.

Ramdam ko rin ang mabilis na pagsunod nila sa akin kaya masbinilisan ko pang tumakbo.

Agad akong tumalon sa kanan ko ng maramdaman sa likod ang paparating na palaso. Halos mapamura naman ako ng magpaulan na sila ng maraming palaso sa akin.

Mabilis akong lumiko at saka nagtago sa malaking puno para maiwasan ang mga palaso nila. Hindi 'to matatapos kung patuloy ko lang silang tatakbuhan at iiwasan. Kailangan ko na makaisip ng plano.

Huminga ako ng malalim at saka mabilis umalis sa pinagtataguan ko. Mabilis 'kong tinakbo ang dalawang lalaki sa 'di kalayuan sa akin siyang ikinagulat nila.

Agad na nagpalipad sila agad ng palaso sa akin pero mabilis ko lang naman iyong naiwasan. Agad akong yumuko at saka malakas na sinipa ang paa ng lalaking may hawak na espada, naging dahilan naman iyon para malakas siyang tumuma sa lupa.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na sinugod ang lalaking may hawak na pana. Malakas 'kong tinuhud ang sikmura nito kaya napayuko siya at ginamit ko naman ang pagkakataon na yun para sikuhin ang likudan niya.

Bumagsak siya sa lupa habang namimilit sa sakit ng katawan. Napaharap ako sa lalaking may espada ng maramdaman ang pagsugod nito. Inihagis ko sa kanya ang boomerang ko at hindi niya iyon na iwasan.

Katulad ng kasama niya ay parehas silang bumagsak sa lupa, ginamit ko naman ang pagkakataon na yun para maikulong silang dalawa sa isang malaking bula at saka mabilis ulit na tumakbo para makalayo sa kanila.

Hindi rin mag tatagal ang bulang iyon at makakaalis na sila pero sapat na 'yun para matakasan ko silang dalawa.

Halos hindi ako makahinga dahil sa sobrang pagod sa pagtakbo. Malayo layo na rin siguro ang naabot ko at hindi na nila ako maabutan pa.

Pinagmasdan ko ang paligid pero kagaya kanina ay ganun padin. Wala akong ibang nakikita kundi mga nagtataasang puno at halaman. Napatingin din ako sa kalangitan at nakita na malapit ng magdilim.

"Kailangan ko ng ligtas na matutuluganbulong ko sa sarili ko habang nililibot ang paningin at naghahanap ng medyo mataas na puno.

Malakas kong tinalon ang puno na nakita ko. May malaking sanga ito at sapat na iyon na para makatulog ngayong gabi. Masligtas din dito dahil 'di masyadong pansin ang pwesto ko dahil sa makapal na dahon sa baba.

Tanaw rin dito ang malaking puno na kailangan kong puntahan. Parang hindi manlang ako nakalapit doon dahil sobrang layo parin nito sa akin.

Kagaya ng inaasahan ay hindi magiging madali ang larong ito. Mukhang masmagiging mahirap pa ito habang papalapit kami ng papalapit sa sentro.

Tinignan ko ang relo ko at nalaman na 85 na grupo nalang ang naglalaro. Dalawampu na agad ang tanggal, sigurado ako bukas na madodoble pa ang bilang nito.

Napatingin naman ako sa langit ng may unti-unting bumababa mula doon. Agad kong hinawakan ang boomerang ko at naghanda. Mahirap na, baka kung anong gawa ito ng mga kalaban. Nakahinga naman ako ng maayos ng makita na isa lang itong lalagyan ng tubig.

Unti-unti itong bumaba hanggang sa nasa harapan ko na. Malaking tulong nadin ito ke'sa sa wala. Kahit na papaano ay mapupunan nito ang uhaw ko.

Ito ang naging kabayaran namin sa ginawa naming kaguluhan noong Avonmora. Nawala ang puntos na naipon ng Omega kaya wala kaming pagkain ngayon. Buti na ngalang ay may tubig pa kami kahit na papaano. Ang sabi kasi ni Talya at Assana ay wala daw kaming makukuha

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now