Chapter 21.2 Jordon

Start from the beginning
                                    

Hindi ko na sila pinansin at saka mabilis na tinalon ang malaking bato sa harapan ko. Masbinilisan ko pa ang takbo ko ng mapansin ko na nakakahabol na silang dalawa.

Agad akong dumausdos sa lupa ng makita ang papalipad na mga palaso sa harapan ko. Hindi ko alam kung saan yun nanggaling pero wala na akong pakealam dun.

Rinig kong naguusap yung dalawa sa likod pero hindi ko nalang sila pinansin dahil 'di ko rin naman maintindihan ang pinaguusapan nila at sa halip ay masbinilasan ko pa ang takbo.

Muli ay tumalon ako ng makita ang biglaang pagsulpot ng mga kung ano ano sa lupa. Muntikan pa akong tamaan sa mukha ng lumipad na bato buti nalang ay agad akong nakayuko at muling tumakbo.

Isang malakas na talon ang pinakawalan ko ng makita ang tila putik na daan. Mukhang kumunoy yun base narin sa itsura nito. Napalingon ako sa dalawa at napansin ko ang pagka seryoso nila. Bahagyang nakakunot ang noo nila habang tumatakbo parin.

Hindi ko na sila pinansin at muling dumausdos sa lupa para iwasan ang lumilipad na palaso at kita ko ang apoy dito.

Mabilis akong tumayo at muling tumakbo ng pero agad akong napahinto ng may biglang kumapit sa paa ko. Nakita ko ang mga baging na nakakapit sa akin.

Agad ko iyong sinubukan tanggalin dahil kita ko na malapit na yung dalawa sa akin pero bigo ako. Pahigpit pa iyon ng pahigpit na siyang ikinainis ko. Mabilis akong naghanap ng maaring pangputol at nakakita ako ng bato.

Paulit ulit ko iyong pinukpuk hanggang sa matanggal iyon. Tinignan ko ang dalawa para lang malaman na nalagpasan na pala nila ako.

Agad kong hinagis sa kanilang dalawa ang baging at hinili iyon. Kita ko ang pagtumba nilang dalawa kaya ginamit ko na ang pagkakataon na yun para mabilis na tumakbo at lagpasan sila.

Unti unti namang kumorba ang ngiti sa aking labi ng makitang malapit na ako sa dulo. Ilang hakbang nalang ang layo ko sa dulo pero tila nanigas ang aking katawan dahil sa nakita ko.

Napahinto ako sa pagtakbo at tila ba hindi makakilos ng mapagtanto kung sino ang taong nakatayo malapit sa dulo. Nakatingin ito sa akin habang may mga ngiti sa kanyang labi.

Ang mga mata niyang kulay berde ay tila ba nanunuot sa sistema ko. Alam kong siya yung lalaking nakita ko kahapon dahil di ko makakalimutan ang kukay berde niyang mga mata.

Nakipag titigan lang ito sa akin habang kakakitaan ng ngiti sa kanyang labi habang ako naman ay tila ba naparalisa ang katawan dahil hindi makakilos kahit na manlang ang mga daliri ko.

Kagaya kahapon ay unti unti siyang naglakad papunta sa kumpol ng mga estudyante. Gusto ko siyang pigilan pero hindi ko maigalaw ang katawan hanggang sa hindi ko na siya makita.

Doon ko lang naigalaw ang katawan ko at tila ba hinang hina ako. Doon ko lang din napansin na tapos na pala ang laro at maslalo akong nanlumo ng makitang hindi manlang ako nakaabot sa dulo.

*******

"Mira handa kana ba?" natong muli sa akin ni Assana. Isang buntong hininga lang naman ang isinagot ko sa kanya dahil kahit ako ay hindi alam kung ano ang isasagot ko sa tanong niya.

Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha gayun din naman kay Talya na tahimik lang na nakikinig sa amin.

Kahit na hindi pa kami nakakalabas ng kwarto namin ay halos marinig ko na ang kabog ng dibdib ko. Ngayon ang araw na uumpisahan na ang Eldoris kaya naman parang ayaw ko nalang na bumangon sa higaan ko kanina.

Hindi ko alam kung ano ang nag-iintay sa akin doon o kung ano ang maaring mangyari sa amin, sa akin.

Sila Assana at Talya naman ay hindi kasali sa Eldoris dahil mga Morgance sila. Maslalo pa iyong nakadagdag sa kabang nararamdaman ko dahil wala man lang akong maaring hingan ng tulong doon.

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now