Chapter 21.2 Jordon

Start from the beginning
                                    

Bago siya tumalikod ay kita ko pa ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi na para bang may binabalak siyang masama. Hindi ko alam kung ano ang plano niya pero isa lang sisiguraduhin ko.

Ako ang mananalo sa laban naming dalawa.

Nakahanda na siya ng makalapit ako sa kanya. Katulad kanina ay nanduon parin ang nakakaloko niyang ngiti na pinagsawalang bahala ko nalang.

Di ganun kalayo ang dulo ng tatakbuhin namin pero alam kong mahihirapan parin ako sa dami ng kailangan kong daanan. Marami ang kung ano anong nakaharang sa daan at kailangan talagang maging alerto dahil may mga kung ano-ano pa ang bigla nalang lumabas.

Tinignan ko ang paligid at napansin na medyo madami dami din ang nanonood sa amin. Kagaya ng nakagawian panay ang bulungan nila pero hindi ko nalang sila pinansin at tinuun ang sarili sa gagawing pagtakbo.

Ito nalang ang huling pagkakataon ko para makuha ang sandatang iyon at maibigay ko kay Viviane. Kaya kailangan ko talagang gawin ang lahat para lang dito.

Napansin ko ang pagtaas ng isang lalaki na kulay puting tela. Nakalebel ito sa amin at sa oras na iangat niya iyon ay hudyat na simula na ang laro.

Ipinusisyon ko ang aking sarili at saka tinignan si Kelby sa aking tabi. Katulad kanina ay nandun parin ang nakakaloko niyang ngiti habang nakatingin din sa akin.

Kung sa ibang pagkakataon lang yun marahil na namula na ang aking pisngi dahil sa lapit naming dalawa pero nandito kami ngayon sa harap ng maraming estudyante at kalaban ang turing sa isa't isa.

Itinuon ko na ang atensyon ko sa harapan ng mapansin ko na nakaayos na ang lahat. Hindi ko dapat pang aksayahin ang pagkakataon na ito at kailangan kong manalo.

Mula sa pagkakaluhod ay iniangat ko na ang puwetan ko at handa ng tumakbo ng bilang may tumabe sa akin. Agad naman akong binalot ng pagtataka ng magpagtanto kung sino ang tumabi sa akin habang nakahanda nadin sa pagtakbo.

Nakakunot ang noo na tumingin ako sa kanya pero sa halip ay isang ngisi lang naman ang iginanti niya.

Anong ginagawa ng sardinas nato dito?

Tanong ko sa isipan ko. Nginisihan lang ako nito na maslalong nakapagpataka sa akin pero sa halip na matuwa ay tila maslalo pang nadagdagan ang lakas ng loob at kailangan kong manalo dito.

Hindi ako makakapayag na matalo ako ng sardinas na to.

Muli ay saad ko sa aking isipan.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kanya ng diko na mapigilan ang sarili ko.

"Sa tingin mo ba kaya mo siyang talunin?" tanong din naman niya sa akin saka itinuon ang mga mata sa harapan namin.

Inirapan ko lang siya dahil sa sinabi niya. Minamaliit niya ba ako?

Kaya maslalo kung kinumbinsi ang sarili ko na kailangan kong manalo laban sa dalawang ito.

"Sa tingin mo ba anong gagawin ko dito kung hindi?" muli ay tanong ko sa kanya at saka ko siya tinignan. Kita ko ang matatalim niyang tingin pero hindi sa akin kundi kay Kelby na nasa kabilang gilid ko naman. Kapwa sila natatalim ang tingin sa isa't isa na nakapagpakunot ng noo ko.

Itinuon ko nalang pansin ko sa harap at sa lalaking may hawak ng puting tela. Mabilis niyang iniangat ang tela na hudyat para kami'y tumakbo.

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at mabilis ng tumakbo. Kita ko pa ang gulat ng dalawa ng bigla akong tumakbo at saka lang nila napansin ang tela na ngayon ay naka angat na.

Amphitrite University: The Sea PrincessWhere stories live. Discover now