CHAPTER 29

22 3 0
                                    

[Angel's POV]

"J-jerome, huwag kang pipikit, malapit na t-tayo."

Umiiyak kong sabi habang hawak ko ang dumudugo niyang sugat. Sinusubukan kong pigilan ang pag-agos ng dugo pero patuloy pa din ito sa paglabas. Namumutla na siya.

"J-junix, bilisan mo naman."

Hindi ko alam paanong nangyari at nauwi sa ganito ang sitwasyon. Hindi na dapat sila nadamay pa sa ganitong pangyayari. Gusto kong sisihin ang sarili ko at inuna ko pa na samahan si Junix imbis na umuwi kasama si Krissha.

"Emergency!"

Sigaw nung nurse pagkadating namin sa ospital. Inasikaso nila agad si Jerome kaya naman nanatili lang kami sa labas nang dalhin nila si Jerome sa emergency room.

"Calm down. Everything will be alright."

Yakap lang ako ni Junix habang patuloy na umiiyak.

"Code Blue."

Sigaw nung doctor sa loob kaya naman mas lalo akong kinabahan. Nilabas nila si Jerome sa E.R.

"Doc, a-ano pong nangyayari?"

"Masama ang pagkakasaksak ng pasyente. Natamaan ang internal organs niya kaya malakas ang paglabas ng dugo. It's not stopping and his blood pressure is severely getting low. Please call the relatives of him. Kailangan siyang masalinan agad ng dugo."

Napatakip nalang ako sa bibig at nanlambot ang tuhod ko dahil sa mga narinig ko.

"Ssshhh. It's okay. Tatawagan ko si Ms. Rachelle."

Bago pa ako makatugon ay pinaupo niya na ako sa upuan. Hindi ko na siya pinakinggan pang kausapin si Ms. Rachelle mula sa cellphone dahil hindi ko alam paano ko sila haharapin at wala man lang masasabing kahit ano.

"Tatawagan ko na din sina Krissha."

Nang akma na siyang tatawag, ay pinigilan ko siya.

"Hayaan mo silang makadating dito."

"S-sige."

"Lalabas muna ako."

"Pero Angel--"

"Hindi mo pwedeng iwanan si Jerome mag-isa."

Wika ko sa seryosong tono. Gusto ko lang mapag-isa kahit sandali kaya naman lumabas muna ako. Kasalanan ko bakit nangyari yun kina Jerome. Imbis na ako ang nandun kasama ni Krissha, sila pa ang nagtanggol sa kaibigan ko. Nakakapagtaka lang na sa tagal naming nandoon, ngayon lang may pumasok sa bahay namin.

Umupo ako sa bench sa labas ng ospital. Para siyang waiting area lang. Napapaisip na naman ako bakit kailangang may masaktan. Ito ang unang beses na literal akong nakakita ng isang taong duguan at ang masakit ay kaibigan kopa.

"Hindi mo dapat inaalala ang mga taong nagdulot sayo ng matinding paghihirap."

Halos mapalundag ako sa kinauupuan ko nang bigla nalang may magsalita sa tabi ko. Tinignan ko siya pero nakatakip siya ng pawang itim at mata lang ang nakikita. Sa hindi ko malamang dahilan ay bigla nalang akong kinilabutan.

"S-sino ka?"

Tanong ko subalit imbis na sagutin niya ako ay naglakad na siya papalayo. Madilim sa parteng ito dahil ilaw lamang mula sa loob ng ospital ang nagsisilbing katiting na liwanag. Dahil sa kaba ay naglakad na ako papasok ng ospital.

"What the hell happened to Lance?!"

Rinig kong sigaw ni Belle, ang ate ni Lance. Nasa tapat palang ako ng E.R. ay napatingin na agad siya sa akin. Tinignan ko naman si Krissha na kasama na si Miguel.

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now