Chapter 22: Other Man

Start bij het begin
                                    

Nakita ko naman ang mabilis na pagpasok ni Christy at Hannah sa loob ng cafeteria. Simula nang magkaklase na kami ay naging malapit na rin kami sa isa't-isa. Naging magaan na rin ang loob ko sa kanila.

Nang makita nila ako ay agad namilog ang kanilang mga mata. Mabilis pa sa oras ang paglapit nila sa akin.

"Xandra!" bulaslas nilang dalawa.

May bahid na takot at pag-alala ang ipinupukol nila. Bakit? Kinakabahan na ako.

"A-Ano?" takot na tanong ko.

Napasulyap naman si Hannah sa likuran ko at nakitang nag o-order pa ng pagkain si Kiero.

"S-Sumama ka sa amin! B-Bilis!" nahihiyang utos ni Hannah at hinila naman ako ng mabilis ni Christy paalis.

"Teka, si Kiero!" utas ko ngunit hindi nila ako pinansin.

Tanging tahimik na titig lamang ang nakikita ko sa buong paligid. Tatawagin ko na sana si Kiero kaya lang okupado itong nakikipag-usap sa nagse-serve ng pagkain kaya hindi ko na ito natawag.

"Ano ba kasi? Ba't ba nagmamadali kayo?!" iyan ang bulyaw ko sa kanila matapos nila akong dalhin sa rooftop ng senior department.

Napakalayo pa ng nilakad namin at hindi ko alam kung bakit para silang hinahabol ng kung sino.

Nakita ko naman ang pagda-dalawang isip nila ng sagotin ako.

"Chirsty, Hannah? Anong nangyayari?" takang tanong ko, this time ay kalmado na ang boses ko.

Huminga ng malalim si Christy bago ako sinagot. Hinawakan niya pa nga ang kamay ni Hannah eh. Kinakabahan na tuloy ako. Ayokong malamang bad news ito.

"A-Ah kasi ano Xandra. Narinig namin ang usap-usapan." mahinang utas ni Christy.

Pinakinggan ko lang siya, wala akong imik. Natatakot ako sa malalaman ko. Kanina pa kasi ako may kutob na parang may mali.

"May nakakita raw kasi sa iyo kagabi. Sa gitna ng grounds. M-May kayakap ka raw na iba." patuloy ni Christy.

Gulat akong napatingin sa kanila. Kagabi? Oh no! Si Xander ba ang nakita nila? Pero, wala lang iyon!

"A-Akala ng lahat niloloko mo si Kiero. Ngayon, ay usap-usapan ka na sa buong university. Nagparaya sila sa'yo dahil akala nilang mabuti ka para kay Kiero. Ngayon, galit na sila." asik ni Hannah sa mababang boses.

"You know, Xandra. Naging malapit ka na rin sa amin ni Hannah. Kilala ka namin. Pero, totoo nga ba talagang may kayakap kang iba kagabi?" tanong ni Christy.

Hindi ako makasagot. Tila ba may pumipigil sa akin na sumagot sa tanong niya. Namilog naman ang aking mga mata ng mapagtantong baka malaman ito ni Kiero. Hindi ko siya niloloko! Baka iba ang maisip niya dahil doon.

"O-Oo." mabigat na sagot ko sa kanila.

"Pero iyong kayakap ko kagabi ay ang best friend ko lang. Walang namamagitan sa aming dalawa." pagpapaliwanag ko.

"Pero, bakit nasa grounds kayo kagabi? Anong oras na 'yon?" takang tanong ni Christy.

Doon ko nakita ang pagtataka sa kanyang mga mata. Hindi ba siya naniniwala sa akin? Nakita ko naman ang pagtataka rin sa mga mata ni Hannah.

"Mahabang paliwanag, Christy. Ngayon ay kailangan ko ng bumalik sa cafeteria dahil alam kong hinahanap na ako ni Kiero. Magpapaliwanag ako." utas ko.

Mabilis akong tumakbo pababa patungong cafeteria. Iniwan ko sila doong tahimik na nag-iisip.

Pagkarating ko sa baba ay agad kong nakita ang mga estudyanteng tumatabi sa dinadaanan ko. Na akala ba'y dumi ako. Hindi ko na lang iyon pinansin at mabilis na hinanap si Kiero.

Nakita sa mga mata ko si Alex at Leo. Nag-uusap sila ng masinsinan. Nang makita nila ako ay bigla silang nagulat. Wari ko'y alam na rin nila ang usap-usapan.

Tutungo na sana ako sa cafeteria ng bigla na lamang may tumawag sa pangalan ko.

"Xandra!" sigaw nito.

Tumingin ako at nakita si Xander na papalapit sa akin. No! Baka iba na naman ang isipin nila.

"Saan ka pupunta? Sabay na tayo." anyaya sa akin ni Xander pagkalapit niya.

Hindi ko alam kung ano ang dapat kung isagot sa anyaya niya. Nakita ko na rin ang bulong-bulongan ng mga estudyanteng nasa paligid. Ngayon ay nagsisimula ng mamuo ang mga luha sa aking mga mata.

Lalakad na sana ako patungong cafeteria ng bigla na lamang may lumabas dito. Si Kiero kasama ang isang babaeng mestiza, kulot ang buhok nito at makinis. Doon ko naalala kung sino ang babaeng ito. Nakakasiguro akong ito 'yong babaeng kasama ni Kiero no'ng gabing nakita ko sila. Iyong babaeng muntik ng halikan si Kiero.

Ano 'to?

"K-Kiero?" takang tanong ko sa kaniya.

Lalapitan ko na sana siya ng bigla na lamang may humigit sa kamay ko.

"Xander?" asik ko.

"Bitawan mo ako." utos ko pero hindi niya ako pinakinggan.

Tiningnan ko naman si Kiero at nakita ang paglamig ng ekspresyon niya. Gusto ko siyang lapitan pero pinipigilan ako ni Xander. At may parte rin sa akin na nagagalit dahil kasama niya ang babaeng iyon na kulang na lang maghubad sa harap niya.

"K-Kiero!" pagtawag ko sa kaniya.

Akala ko'y lalapitan niya ako pero iyon pala ay hindi. Tiningnan niya lang ako at nginisihan. Alam kong peke ito.

"Totoo pala talaga ang usap-usapan. May iba ka." mariing utas niya sabay alis sa harap namin.

"H-Hindi! K-Kiero, sandali! Pakinggan mo ako!" sigaw ko pero hindi niya na ako pinansin at tuloyan ng umalis.

Sumunod naman sa kaniya ang babae na inirapan ako at tuloyan na rin akong nahila ni Xander papalayo sa buong lugar. Sa bawat hakbang ko'y pakiramdam ko napakabigat.

Naririnig ko ang mga bulongan nilang malandi ako. Wala naman akong pake sa mga iniisip nila. Ang akala ko lang talaga ay makikinig si Kiero sa sasabihin ko. Iyon pala'y hindi.

"Totoo pala talaga ang usap-usapan. May iba ka."

The Gangster's Victim Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu