CHAPTER 25

15 3 0
                                    

[Lance' POV]

Mula sa tv screen ay may lumabas na video, nagsasalita si Lolo. Nakita ko lang siya sa picture kaya naman alam ko na siya ang Lolo ko. Hindi ko siya nadatnan dahil ayon sa ama ko ay namatay siya dahil sa sakit. Nabuo ang Velasquez Mafia Group dahil binuo ito ni lolo apatnapung taon na ang nakakaraan. Si lolo ay isang pulis na bumuo ng grupo para sa mga labang hindi kayang harapin ng gobyerno. Isang pulis na may sariling patakaran. Na pagkitil sa mga makasalanan ang nais niyang maging kabayaran, imbis na pagkakakulong lamang. Siya ang kauna-unahang lider ng Velasquez Clan. Dating pangalan ng VMG. Kinilala sina lolo bilang isang magaling na pangkat dahil nasugpo nila ang mga taong mahirap kalabanin, hindi bilang mga pulis bagkus ay bilang pangkat na kayang pumatay at kumitil ng buhay. Nagtalaga si lolo ng maraming patakaran na dapat masunod ng bawat miyembro ng pangkat. Tulad nalang ng pagiging tapat, pagrespeto, pagiging loyal sa grupo at marami pang iba. Kailangan din ng bawat isang pamilyang magpasok ng isang anak sa grupo upang maging susunod na mga kasapi ng pangkat. Nang magka-anak sila ay dumating sa pangkat si Daddy. Binibigyan lamang sila ng sampung taon matapos ang kasal para madesisyunan ang pagsali sa kanilang mga anak. Sa kabilang banda, si daddy lang dapat ang kasali sa kanilang magkakaibigan. Nagkakilala sina Daddy at ang mga magulang ng mga kaibigan ko sa L.E.A. Naging magkakaibigan sila pero isang araw ay may nagtangka sa buhay ni Dad habang kasama sila. Dahil sa mga nalaman nila tungkol sa pagkatao ni Dad ay sinabi ni Lolo na dapat ay patayin sila o di kaya ay sumali sa grupo. Ganoon lamang naging kasapi sina Tito Aureus na ama ni Annika, Tito Migo na ama ni Miguel, Tita Jane na ina ni Jerome, Tita Leah na ina ni Yen, at si Tito Zeles na ama naman ni Zach. Sila ang anim na magkakaibigan, na nakakilala lang ng kanya-kanyang asawa na kalaunan ay naging parte na din ng VMG.

"Nanatiling payapa, matatag, malakas ang pangkat subalit may isang nagtaksil.."

Nanatili akong nakatitig sa screen kung saan si daddy na ang nagsasalita. Nagtaksil?

"Si Seitan."

Seitan? Was that even a name?

"Kinilala siyang kasapi ng pangkat sa pangalang Seitan Margarette subalit nang maglaon ay napatunayang hindi iyon ang tunay niyang pangalan. Umalis siya sa pangkat at hindi na nakita. Dalawampung taon na ang nakakaraan ngunit wala pa rin ni bakas ng pagkatao niya ang matagpuan."

"Kaya naman, dito nagsimula ang paglilihim ng pangalan ng mga susunod na henerasyon ng VMG. Mula sa mga anak ko, na si Belle at Joaquin, pinipili ko si Joaquin na itatago ko sa pangalang Lance na siyang nangangahulugang Kalupaan, siya ang mangangalaga sa buong kapuluan, magpoprotekta sa bawat kasapi ng organisasyon at susunod na magiging pinaka-malakas sa lahat."

Kung ganon, wala talagang nalalaman si ate tungkol dito. Sumunod na lumitaw sa screen si Tito Aureus.

"Ako, si Aureus, ay may dalawang anak, si Eunice at Annika. At aking pinipili ang panganay kong anak na itatago ko sa kanyang pangalawang pangalan na Andrea. Andrea's name means manly. Dahil wala akong lalaking anak ay siya ang magsisilbing lalaki na magkakaroon ng husay sa pag-iisip, at pagka-wais."

"Ako, si Migo, isa lang ang anak ko at ito ay si Arthur Salvador na itinago ko sa pangalang Miguel. Siya ang magpoprotekta sa ispiritwal na aspeto ng organisasyon. Magiging anino sa lahat at magkakaroon ng maskarang makakapagtago ng kanyang tunay na pagkatao. Magiging anino na hindi makikilala ninuman subalit maaasahan sa oras ng lahat ng pangangailangan."

"Ako, si Zeles, na siyang technological leader, at tulad ko, ito ang iniatas ko sa aking bunsong anak na si Tech. Itinago ko siya sa buong pamumuhay ko kaya naman iilan lang ang nakakaalam na may nakababatang kapatid ang aking panganay. Gayunpaman, ay pinoprotektahan namin siya sa pangalang Zeus dahil hindi pa nakikita si Seitan hanggang ngayon."

Hidden Feelings (ON-GOING)Where stories live. Discover now