"—dahil sa'kin." Sabay kaming lumingon kay Daniel nang lumabas ito ng kotse. Hindi na ata siya nakatiis.

"Ikaw?!" Gulat na singhal ni Rhea. "Anong ginagawa niya rito, Corraine?!" Hindi makapaniwalang tanong niya pa.

"Calm down." I sighed. "Georgia, mauna na muna kayo ni Maxine sa loob." Gusto ko sanang ipaliwanag sa kanilang lahat ng sabay para isang bagsakan nalang pero na-corner na ako ni Rhea. Wala na akong choice kung hindi ang unahin siya.

Mabilis namang kinuha ni Georgia si Maxine na mukhang naiintindihan na ang nangyayari. Hindi kasi ito tumutol o kumibo, basta na lamang siyang sumama sa ninang niya.

"Corraine, ano 'to?! Anong ginagawa niyan rito? Bakit magkasama kayo?" Mariing tanong niya.

"We're fixing our marriage, Rhea. Nagkaayos na kami at umaasa ako na matatanggap ninyo itong desisyon ko."

Hindi makapaniwalang umiling siya. "Nakalimutan mo na ba ang ginawa niya at nang pamilya niya? Corrain naman! How could you!"

"Please understand, Rhea. May rason ako kung bakit mas pinili kong magpatawad at gusto kong maintindihan ni'yo rin ang rason ko."

"I can't believe this...."

Naglakad palapit si Daniel at tumabi sa'kin. "I'm sorry, Rhea. I can explain...if you just let me..."

Matigas siyang umiling. "Not now." Malamig niyang sagot 'tsaka ako tiningnan. "Nasa loob sila mama at papa. Hindi pa nila alam na nandito siya...pero wala naman kayong dapat alalahanin. Mukha namang wala silang galit sa asawa mo."

"Rhea, please..." Sinubukan ko siyang lapitan pero lumalayo siya. "Mag-usap muna tayo. Gusto kong maintindihan mo ang desisyon ko. Just listen to me." Pakiusap ko sa kaniya.

Matigas siyang umiling. "I said, not now, Corraine." Mariing sagot niya. "Sarado pa ang isip ko para sa kung ano mang paliwanag mo! Ang mabuti pa mauna na kayo sa loob. Kanina pa nag-aantay sila mama."

Makikiusap pa sana ako nang hawakan ni Daniel ang kamay ko. Nag-angat ako ng tingin sa kaniya. "Huwag na muna natin siyang pilitin." He smiled at me. Nilingon niya naman si Rhea. "I'm really sorry, Rhea. Kasalanan ko lahat at sana huwag kang magalit sa asawa ko. Wala siyang kasalanan. Tinanggap niya lang ulit ako dahil—"

"—dahil marupok ang pinsan ko at sinamantala mo naman." Sarkastikang sabat niya. "You know what Daniel? Kung 'yang si Corraine nadadala mo sa mga drama mo pwes ako hindi!"

"Rhea!" Asik ko. "Huwag ka namang ganiyan!"

"Why? Wala ba akong karapatang magalit ng ganito, Corraine? Nawala lahat ng dapat ay meron na ako nang dahil sa pagiging makasarili niya! Kung hindi dahil sa pamilya nila baka mas magandang buhay ang naibigay ko kela mama at baka hindi na kailangang mag-abroad ni Kuya! Sinira niya ang buhay ko! Sinira ng pamilya niya! Intindihin mo naman ang nararamdaman ko! Nawalan ka rin naman 'di ba? C–Corraine....nakalimutan mo na ba lahat ng nangyari? Bakit ang dali dali lang sa'yong patawarin siya?"

"Mahal ko siya." Seryosong sagot ko. Naiintindihan ko kung bakit galit na galit si Rhea. Nalugi ang restaurant nila noon dahil sa Mama ni Daniel at hanggang ngayon ay may binabayaran pa rin silang utang. Hindi siya natuloy sa pagdo-doktor niya dahil sa dami ng bayarin at kailangan pang mag-ofw ng Kuya niya na si Kuya Rommel para lang makabayad sila unti unti. Nasira ang pangarap nilang buhay dahil sa pinili namin ni Daniel ang isa't isa noon.

Na-guilty ako sa nangyari sa kanila kaya nga nang makaluwag luwag kami sa Cebu ay binalak kong tumulong sa pagbabayad ng utang nila kaya lang ay ayaw nilang tanggapin. Gusto nilang ilaan ko ang mga kinita ko sa future ni Maxine. Kaya naman raw nila kahit alam ko namang nahihirapan sila.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now