KABANATA 29

124 7 4
                                    

Nang makauwi kami ay nandoon na si Georgia at ang parents ni Daniel. Sa garahe pa lang pag-park ng kotse ko ay lumabas na sila para tulungan kami.

Kinuha ni Georgia si Maxine at binuhat samantalang dumulog naman sa kaniya ang Mommy't daddy niya.

"Bakit ka ba umalis ng ospital? Pinag-alala mo kami..." Hikbi ng Mommy niya.

"I-I'm sorry..." Mahinang sabi niya. Mas lalo siyang nanghina sa byahe namin at hindi pa siya nakakainom ng gamot kaya halos hindi na rin siya makalakad ng maayos. "I-I want to...rest..." Sabi niya.

Lumapit naman ako sa kanila at akmang aalalayan siya nang pigilan niya ako. "Unahin mo muna si Maxine. I'll be fine. Sila Mommy na lang ang maghahatid sa'kin." Ngiti niya bagamat halos hindi na niya mabuka ang mga mata.

I sighed. Tumango ako at hindi na nakipagtalo pa lalo na't halos wala na rin siyang lakas. Kinuha ko si Maxine kay Georgia. "Pakitulungan sila. Sa kwarto ko nalang, Georgia." Pakiusap ko sa mabuting kaibigan.

Tumango siya at tumulong sa pag-alalay kay Daniel. Nauna na silang pumasok, sumunod ako habang buhat si Maxine.

Dumiretso ako sa kwarto ni Maxine at dahan dahan siyang binaba sa kama. Kinumutan ko siya at tinitigan. I sighed heavily. Bahagya naman siyang gumalaw at dahan dahang nagmulat ng mga mata. Ngumiti ako at hinaplos ang pisngi niya.

"Hey..." Malambing kong bungad sa kaniya nang diretso niya akong titigan.

Namula ang mga mata at ilong niya. Napakurap siya. "S-Sorry po, Momma.." Parang may tumusok sa puso ko nang magsalita siya.

"Wala kang kasalanan, baby. Hindi galit si Momma." Sabi ko.

Bumangon naman siya at umupo sa kama. "No, Momma. I know Daddy's sick....and we escape...." Yumuko siya.

I sighed again. "Maxine, okay lang." Niyakap ko siya. "Next time, huwag mo na lang uulitin. Delikado kung aalis kayo ni Daddy ng kayong dalawa lang." Malumanay kong sabi.

Nag-angat siya ng tingin sa'kin. "I-I just want h-him to be happy be....before he....h—he....." Hikbi niya. "....l—leave...."

Nanginig ang mga labi ko kasabay ng tuloy tuloy na pagtulo ng mga luha ko. "M-Maxine...Shhh..." Pilit ko siya pinapatahan kahit ako mismo ay hindi matigil sa kakaiyak.

"I know, Momma. He's dying!" Hagulgol niya. "M-Mawawalan na ako ng Daddy!"

"I-I'm so sorry, b-baby..." Tanging nasabi ko lang.

"H-He's gonna m-meet Maximo s-soon....." Hikbi niya pa. "S-Sabi ni Daddy...he'll hug Maximo for us and they will watch us from h-heaven. H-Hindi na daw malulungkot si M-Maximo kasi sasamahan n-na siya ni Daddy....p-pero ako naman a-ang walang Daddy...."

"Shhhh...hindi m-mawawala ang Daddy sa puso n-natin, baby." Pinilit kong tatagan ang boses ko. "He will always be with you....b-because he loves you..."

"M-Momma...I-I don't want h-him to g-go....but he's h-hurting.....n-nahihirapan na ang Daddy k—ko....k—kawawa naman ang D-Daddy ko...."

"H-Hush, baby." I'm sorry, baby. Walang magawa si Momma para hindi ka masaktan. Kahit anong gawin ko hindi kita maiiwas sa sakit. "L-Listen, baby. We have to be s-strong." Sinilip ko siya at hinaplos sa pisngi. "For D-Daddy...we have to be brave.....okay?"

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now