KABANATA 16

173 7 2
                                    

"Anong ginagawa mo, Corraine?" Tanong ni Georgia nang makita niya ako sa kusina. Gabi na at tulog na lahat kaya nagulat siya nang makita akong makatutok sa laptop.

"Gumagawa ng resignation letter." Sagot ko nang hindi siya tinitingnan.

Lumapit siya sa'kin. "Sigurado ka na ba talaga? Iiwan talaga natin lahat ng napundar natin dito? Handa ka na ba talagang bumalik?" Tanong niya.

I sighed. "Kailangan kong mamili, Georgia. Ang mag-ama ko ba o lahat ng meron tayo dito?" Hinarap ko siya.  "Sigurado akong hindi siya babalik ng Maynila kung nandito kami ni Maxine. Kailangan niyang ituloy ang chemo niya doon at kung kailangan pa nating pumunta nang ibang bansa para gumaling lang siya ay gagawin natin. Gagawin ko ang lahat para mabuhay siya, Georgia."

Bumuntong hininga siya. "Naiintindihan ko, Corraine." Inabot niya ang kamay ko at pinisil 'yon. "Basta nandito lang ako. Hindi ko kayo iiwan kahit anong mangyari."

"Thank you, Georgia." Pagod akong ngumiti. "Ang inaalala ko nalang ngayon ay kung paano ko sasabihin kay Maxine ang lahat. At kung paano ko ipapakilala si Daniel bilang Daddy niya."

"I'm sure matutuwa siya. Mahal niya na si Daniel kahit hindi niya pa alam na ito ang Daddy niya. It will be okay, Corraine."

I sighed. "I hope so. Inaalala ko lang talaga ang magiging reaksiyon at mararamdaman ng anak ko. Sana ay hindi sumama ang loob niya sa paglilihim ko."

"She won't." Ngumiti siya.

Tumango na lamang ako at saglit na natulala. Alam ko na sabik na rin si Maxine sa Ama niya kahit hindi siya nagtatanong ng tungkol rito. Sana lang ay hindi siya magtampo sa akin o magalit sa Daddy niya. Sana ay maintindihan niya.

I just sighed heavily.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para tumulong kay Georgia na maghanda ng almusal. Dumiretso agad ako sa kusina at nagulat nang hindi lamang si Georgia ang naabutan ko.

"Hey," Bati niya nang makita ako. "Good morning, Asawa ko." Masiglang bati niya pa.

Napakurap ako. "G–Good morning," Nilingon ko si Georgia pero nagkibit balikat lamang siya. "Hindi ba dapat nagpapahinga ka pa? Bakit nandito ka?" Tanong ko. Ako dapat ang magluluto pero mukhang tapos na sila.

"Hindi na kasi ako makatulog, Asawa ko." Sabi niya sabay baba ng tasa na may kape sa harap ko. "Dahil siguro sa mga bago kong gamot."

Tumango ako. "Tatanungin ko ang doktor kung side effect ba 'yan."

"Sige." Masayang siyang tumango at umupo sa tabi ko. "Nasabi ni Georgia na sa biyernes na daw ang fight natin pauwi. Excited na ako, Asawa ko."

Ngumiti ako. "Ako rin excited na." Tiningnan ko siya. "Ilang taon na rin naming hindi nadadalaw si Maximo at nanay." Excited na rin akong makita ulit ang bahay namin noon. Lalo na't kasama ko na siyang uuwi.

"Na-kwento nga sa'kin ni Maxine. Miss na miss na rin daw niya ang kakambal."

Ngumiti lang ako at tumango. Miss na miss ko na rin ang Maximo ko. Humigop na ako sa kapeng binigay niya. Si Georgia naman ay umupo na sa harap namin, nagkakape na rin.

"Hmm Asawa ko?"

Muli kong nilingon si Daniel. "Bakit?"

"Ilang araw ba tayo sa Maynila? Inaalala ko kasi ang pag-aaral ni Maxine at ang trabaho ninyo ni Georgia." Tanong niya.

Nagkatinginan muna kami ni Georgia bago ko siya muling binalingan. "Hindi na tayo babalik ng Cebu. Uuwi na tayo sa bahay natin sa Manila." Seryosong sabi ko.

"Ha?" Gulat niyang usal. "Bakit? Paano ang pag-aaral ni Maxine rito? Ang mga trabaho ninyo? Iiwan mo lahat ng meron kayo rito, Asawa ko?"

I sighed. "Huwag ka nang masyadong mag-alala. Nakapag-desisyon na ako. Uuwi na tayo, Daniel."

"Pero...." Yumuko siya. "Dahil ba sa'kin? Dahil sa chemo ko?" Agad din naman siyang nag-angat ng tingin. "Hindi ko naman na 'yon kailangan, Asawa ko. Wala naman nang magagawa ang chemo sa kalagayan ko. Mamatay rin naman ako—"

"—Daniel!" Inis kong putol sa sasabihin niya. "Kailangan mong magpa-chemo, okay?! Hindi mo ba narinig ang sinabi ng doktor? Pwede pang humaba ang buhay mo kung itutuloy mo ang tinakasan mong chemo sa Maynila dahil sa pagpunta mo rito!"

Namula ang mga mata niya at mabilis na nag-iwas ng tingin sa'kin. "You don't understand, Corraine. Mahirap ito sa'kin kasi kailangan ko na naman kayong iwan at sa pagkakataong ito baka hindi na talaga ako makabalik. Ayoko nang dumaan na naman sa chemo tapos sa huli sasabihin ng doktor na may taning na ang buhay ko! N–Natatakot ako..." Nanginig ang boses niya. "N–Natatakot ako na baka masaktan ko na nama k—kayo...dapat hindi na lang t–talaga ako bumalik..."

"D–Daniel..." Nagtuloy tuloy sa pagtulo ang mga luha ko. Nilingon ko si Georgia na nakayuko lang at nakatingin sa tasa ng kape. Alam kong kapwa namin ay malungkot din ito at nasasaktan.

"S—Sorry..." Muli niya akong hinarap at dahan dahang inabot ang pisngi ko. Napapikit nalang ako nang marahan niyang punasan ang mga luha ko. "Nahihirapan ka na naman d–dahil sa'kin...."

Inabot ko ang kamay niyang nasa pisngi ko. Binaba ko 'yon at mahigpit na hinawakan. "K–Kahit mahirapan pa ako...hindi pa rin m–mawawala ang pag-asang matatalo mo ang t—taning na binigay ng mga doktor..." Nanginginig ang mga labi akong ngumiti sa kaniya. "K–Kailangan mong lumaban p–para sa'min. Kailangan mong mabuhay ng mas matagal pa, Daniel." Please....we need you.

"P–Paano kung hindi ko k–kayanin?"

Napalunok ako. Hindi ko din alam kung kakayanin ko ba...."M–Malakas ka. Malaki ang t–tiwala ko sa'yo na malalampasan mo 'to. M–Malalampasan natin ang p–pagsubok na 'to, Daniel."

"Resignation letter, Corraine?"

I sighed. "Yes sir." Buo na ang pasya ko. Pipiliin ko ang mag-ama ko.

"Why? Akala ko ba'y bakasyon lamang ang hinihingi mo? Corraine, Isa ka sa mga dahilan kung bakit lumago at nakilala ang kumpanya ko. Ayokong mawalan ng magaling at talentadong empleyado. Kung gusto mo'y mag-extend ka nalang sa bakasyon mo, basta huwag ka lang mag-resign. We need you here."

"I'm sorry, Sir." Nahihiya akong tumingin sa kaniya. Malaki rin ang utang na loob ko sa kaniya. Malaki na rin ang naitulong niya sa'kin kaya nahihiya talaga akong iwan siya sa ere....pero kailangan ako ni Daniel. "May sakit po ang asawa ko at kailangan naming umalis ng Cebu para mapagpatuloy ang chemo niya sa Manila. Kailangan ko ring mag-focus sa mag-ama ko lalo na ngayong kailangan nila ako sa tabi nila. Sana po maintindihan ninyo, Sir Anton."

Bumuntong hininga siya. "You are leaving because he needs you? Akala ko ba'y pinabayaan na niya kayo? Bakit mo iiwan ang lahat ng ito para sa taong nang-iwan sa inyo?"

"Dahil asawa ko po siya, Sir. Nangako po ako na hindi ko siya iiwan sa hirap man o ginhawa. Wala na po sa akin ang nakaraan dahil mas importante po ang kasalukuyan. Sir, I love my husband and needs me."

Napailing siya. "Mukhang desidido ka na nga talaga. Well, Good luck." Kinuha niya naang resignation letter ko. "I wish you all the best, Corraine. If you need work....if ever you'll be back here in Cebu? Just come to me. Hindi ako magdadalawang isip na tanggapin muli ang mahusay kong empleyado."

Napangiti ako. "Maraming salamat po." Nakagat ko ang ibabang labi nang maramdaman ko ang pang-iinit ng mga mata ko.

Tumango siya. "Thank you for your loyalty and designs, Corraine. By the way, hindi ka ba magpapaalam sa mga empleyado? Malapit pa naman sa'yo ang mga nasa production."

"I will, Sir."

Hindi na rin ako nagtagal sa opisina ni Sir Anton dahil marami pa itong ginagawa. Ilang ulit niya pa akong tinanong kung sigurado na ba ako. Wala namang nabago sa desisyon ko.

Kapag naiisip ko si Daniel at Maxine ay nawawala ang mga panghihinayang ko. Malaki na rin at marami ang nagawa kong tulong sa kumpanya na 'to at sa buhay namin ni Maxine. Dito ako unang gumawa ng pangalan kaya masakit rin sa'kin iwan ang mga naging pamilya ko rito.

Masakit man ang pag-alis kong ito ay gagawin ko pa rin ng buong loob. Para sa mag-ama ko.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now