KABANATA 25

134 7 1
                                    

HAPPY VALENTINES!
Pahabol 💖 Thankyou for reading! Malapit lapit na po tayo sa ending 😉

💖💖
"We can't continue his chemo. It's useless now. Hindi na kayang patayin ng chemo ang sobrang daming cancer cells...."

Napatigil ang doktor ng hampasin ko ang lamesa. "Useless?! Akala ko ba malaki ang tiyansang madudugtungan ang buhay niya kapag tinuloy tuloy natin ang chemo?! Bakit sinasabi mong itigil nalang ang lahat?! Para mo na ring sinabi na hayaan na lamang nating mamatay ang asawa ko!" Singhal ko sa kaniya. "Anong klaseng doktor ka?!"

"Misis, lalo lamang nating pinapahirapan ang pasyente. Hindi na kayang patayin ng chemo ang mga cancer cells dahil malubha na ang kalagayan niya. We can't also undergo a surgery now because it will surely kill him. Wala na tayong magagawa. He's dying—"

"—No!" Sigaw ko. Umiling ako kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Nanghihina akong umupo. "H-Hindi 'yan totoo...may ibang paraan p–pa..." Pagkumbinsi ko sa sarili. "He can't die..." Napahikbi na ako.

Oh dear God, please don't. Ayoko nang mabuhay ng wala siya. Hindi ko na kakayanin.

"W–What about...we ask for another opinion...s–sa ibang d–doctor?...we can go to o-other country..." Sabi ng Mommy ni Daniel. Kasama ko ang parents niya rito sa opisina ng doktor. Hindi ko na sila pinigilang malaman ang kalagayan ng anak dahil karapatan naman nila 'yon.

"R-Right. I know there's another way..." Sabat ng Daddy ni Daniel.

"Sana nga may iba pang paraan. I'm so sorry. Kahit saan pa kayo pumunta, parehas lang ang magiging opinion nila sa case niya. The least that we can do now is to ease his pain. Bawasan ang paghihirap niya." Nilingon ako ng doktor na para bang nasa akin ang buhay ng asawa ko. "To stop his chemo."

Umiling lamang ako at halos hindi na makahinga sa kakaiyak. Napatakip na lang ako ng bibig at humagulhol. I can't! Hindi ko kaya!

"M-My son...." Iyak ng Mommy ni Daniel. "K-Kawawa naman ang anak ko...."

Why? Bakit kailangan ganito ang kahinatnan ng lahat? Bakit ibinalik pa siya sa'kin kung kukunin din naman pala?! Bakit kailangan maghirap ako ng ganito?! Ang anak ko....si Maxine...masasaktan na naman siya!

Daniel, you need to live. I'm so sorry. Gusto pa kitang makasama. Susugal ako sa'yo. Sana huwag mo akong biguan. Don't leave us.

"He'll continue his chemo." Mariing sambit ko.

Kakalabas lamang namin sa opisina ng doktor at 'yon agad ang sinabi ko sa kanila. I won't let him die. Gagawin ko lahat para mabuhay pa siya.

"Mas masasaktan siya. Mas mahihirapan, Corraine." Sabi ng Daddy niya. Nakaalalay pa rin ito sa asawa. "Are you sure...you want to watch him in pain?" Nanginig ang boses niya. He's hurting too. Pilit niya lamang tinatago dahil kailangan siya ng asawa.

"Kung mabubuhay siya...bakit hindi?" Nanginig muli ang mga labi ko. This is me being selfish. I can't let him go. "Kung masasaktan siya, mas masasaktan din naman ako! Kung mahihirapan siya, mahihirapan din ako! Ayokong mawalan ulit ng asawa...gagawin ko ang lahat para mabuhay siya."

"K–Kawawa naman ang anak ko....matagal na siyang nahihirapan...n-nasasaktan..." Hagulhol ng Mommy ni Daniel.

He will live. No matter what. He needs to live.

 Lost in MemoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon