KABANATA 03

311 16 0
                                    

Life

Hapon na nang makauwi ako. Past lunch na rin kasi kaming nakarating ni Jared sa restaurant kung nasaan ang mga ka-trabaho namin.

Wala na nga sana kaming balak na pumunta pa roon kaso tinawagan naman kami ni Lucio at sinabi nitong inaantay kaming dalawa. Wala na tuloy kaming choice kundi ang pumunta nalang tutal parehas rin naman kaming gutom na din.

Nakapag-order na daw sila pagdating namin at sakto dahil magsisimula pa lang silang kumain.

Pasulyap sulyap naman sa akin si Lucio. Halatang kanina pa ako gustong tanungin, hindi lamang siya makasingit dahil parati siyang tinatanong at kinakausap ng mga kasama. Ayoko rin naman siyang bigyan ng pagkakataong magtanong dahil maski ako ay hindi alam kung ano ang isasagot. Tahimik naman kami ni Jared, nakikinig lang at sumasagot kapag tinatanong.

Masyado kaming seryoso at tahimik na dalawa kaya nawawalan na rin ng gana ang iba na kausapin kami. Isa pa'y mukhang nahahalata na rin nilang wala ako sa mood. Si jared naman ay parati namang wala sa mood kaya sanay na sila.

Nagtagal kami ng ilang oras sa restaurant dahil sa kwentuhan ng mga kasama. Kung wala pang appointment si Lucio ay baka mas tumagal pa kami doon.

"Bye, everyone!"

Nauna kaming umalis ni Jared matapos makapag-paalam ng maayos. Balak pa sana akong kausapin ni Lucio kaya lang ay mabilis na akong umalis doon, sumunod naman agad si Jared.

Sana lang talaga ay makalimutan na 'yon ni Lucio.

Bukas pa ang gate ng bahay kaya dire-diretso ang pasok ng sasakyan ko. Basa ang sahig ng garahe at may mga sabon pa. Katatapos lang sigurong maglinis ni georgia.

"I'm home." Mahinang bulalas ko pagkapasok sa loob.

Bumungad agad sa akin ang maliit naming sala. Nagulat ako nang makita ang yaya ni Maxine na naglilinis doon.

"Karen? Akala ko ba mamaya pang gabi ang balik mo?" Tanong ko sa kaniya. Umuwi kasi ito sa kanila at akala ko ay mas magtatagal pa doon.

Ngumiti ito. "Eh, maaga po kasi akong bumyahe. Sakto wala pong traffic ngayon kaya napaaga po ako." Paliwanag niya.

Tumango ako. Hinubad ko ang jacket na suot. "Magpahinga kana muna. Day off mo ngayon, dapat nage-enjoy ka." Sabi ko sa kaniya.

Masaya naman siyang tumango. "Opo ate!" Aniya.

"Sige." Nasilip ko si Maxine na nakaupo sa stool niya. May pinagkakaabalahan ito kaya siguro hindi napansin ang pagdating ko.

Hindi ganoon kalaki ang bahay na nabili ko two years ago. Iyong sala namin sakto lang ang laki at malapit lang sa pinto. Kitang kita naman mula sa sala ang mga stool sa kusina. May limang kwarto rito. Iyong isa para sa Yaya ni Maxine, tapos iyong pangalawa kay georgia. May sarili na ring kwarto si Maxine, hiniwalay ko na siya sa akin noong three years old palang siya. Tapos iyong pang-apat naman ay sa akin. Guest room naman iyong pang-lima.

Tamang tama lang ang bahay na 'to para sa amin. At mas masarap tumira sa bahay na sariling pawis mo ang pinuhunan, 'diba?

Lumapit ako kay Maxine. Naabutan ko si georgia na inaayos ang mga rekado para sa lulutuin niya. Tinaasan niya lamang ako ng kilay nang makita ang pagdating ko.

"I'm home, baby." Bumaling ako kay maxine. Hinalikan ko siya sa ulo.

Nakangiti naman siyang nag-angat ng tingin sa akin. "Welcome home, momma!" Masayang sambit niya.

"How are you?" Kumapit ang mga maliliit niyang kamay sa baywang ko. Ngumiti ako at hinalikan siya sa noo.

"I'm fine, momma." Ngisi niya. "Ikaw po? Are you tired?" Tanong niya.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now