KABANATA 24

138 7 3
                                    

"Good morning, Maximo."

Ngumiti ako nang bumaling ako sa puntod niya at binaba ang binili kong bulaklak para sa kaniya.

Ako lang ang mag-isang pumunta rito ngayon. Tulog pa 'yong dalawa nang umalis ako kaya kay Georgia lang ako nakapag-paalam.

"Nakikita mo ba kami ngayon, Anak?" Umupo ako sa tapat ng lapida niya at hinaplos ang bawat letrang nakaukit doon.

In loving memories of our Little angel
MAXIMO DELA CRUZ

"May sakit ang Daddy mo. Hindi pa naman niya kami iiwan 'di ba? Hindi pa naman o-oras....H–Huwag mo muna siyang susunduin, ha?" Nangilid ang luha ko. "M-Maximo....sobrang miss na miss ka na ni Momma." Hikbi ko. "Kung nandito ka lang siguro...baka mas magaan ang lahat. I'm so sorry, Anak. S–Sorry kung kailangan naming lumayo. Sorry kung i–iniwan ka namin dito...kayo ng Lola at Lolo mo...." Nilingon ko ang puntod nila Mama at Papa. "Mama, Papa, s–sorry po talaga...." Hindi ko na napigilang humagulgol. Napatakip ako ng bibig at yumuko. "H-Hindi ko na alam ang gagawin ko...n-natatakot ako...takot na takot..." Ayoko nang mawalan ulit. Ayokong mawala si Daniel. "T-Tulungan ni'yo po ako....p-pakiusapan naman po ninyo ang Diyos na sana pahiram muna kay Daniel..." Nahihirapan na po ako. Sobrang bigat na.

Huwag po muna ninyong kukunin ang asawa ko...nagmamakaawa po ako.

Matagal din bago ako kumalma. Iba pa rin talaga kapag nalalabas mo lahat. Nababawasan kasi 'yong bigat. Ito talaga ang dahilan kung bakit gusto kong mag-isang dumalaw. Para magbawas, umaapaw na rin kasi lahat ng iniisip ko at problema.

"Medyo gumaan na ang pakiramdam ko, Anak." I sighed. "Handa na ulit akong humarap sa Daddy mo na hindi pinapakitang mahina ako. Kailangan kasi malakas ako sa paningin niya para...hindi siya masyadong mag-alala. Nahihirapan na siya ngayon, ayoko nang dumagdag pa sa mga iisipin niya." Nakagat ko ang ibabang labi. "Nga pala, Maximo. Miss na miss ka na ni Maxine. Gusto nga niyang bumalik dito para dalhan ka ng laruan. Marami na naman 'yong iku-kwento sa'yo about sa schools niya. Lalo siyang kumukulit, ano? Sigurado palagi kang nakabantay sa kaniya..." Ngumiti ako. "Bantayan mo rin ang Daddy mo, Ha? Sayang hindi ninyo man lang nayakap at nakita ang isa't isa. Miss na miss ka na rin niya, Anak. Alam ko sinisisi niya pa rin ang sarili sa nangyari sa'yo. Tulungan mo siyang gumaling, ha? Hindi niya naman talaga kasalanan kung bakit siya umalis noon....." Natigilan ako saglit. "Sana talaga....nandito ka..." Ang hirap tumigil sa kaka-sana, Anak. Pasensiya ka na kung hindi mapakawalan ni Momma ang alaala mo. Hanggang ngayon kasi ang hirap hirap pa ring tanggapin na talagang wala ka na. Iniisip ko pa rin na sana panaginip lang 'to.

I'm sorry kung hindi kita mabitawan, Anak.

Nagpunas ako ng luha at tumayo. Anong oras na pala? Baka hinahanap na ako nila Daniel. Akmang kukunin ko sana ang phone sa shoulder bag ng matigilan ako. May narinig kasi akong ingay ng takong ng sapatos, naramdaman ko rin na may mga tao.

Nilingon ko kung sino ang mga 'yon. Umawang ang labi ko. "A-Anong ginagawa ninyo...." Hindi ko na natuloy nang lumapit sila at tumabi pa talaga sa'kin.

"Sorry, Iha. Hindi namin alam na darating ka. Pumunta lang sana kami para palitan ang mga bulaklak..." Sabi ng Daddy ni Daniel bago binaba ang mga dalang bulaklak. Sinundan ko lang ito ng tingin na para bang sanay na sanay na siya sa ginagawang pag-aayos.

"U-Uh iha..." Bumaling naman ako sa Mommy ni Daniel. Kimi itong ngumiti. "Mabuti na lang nakita ka rin namin....kamusta na si Daniel? Is he o-okay?"

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now