KABANATA 32

117 7 0
                                    

Nagising ako nang walang makapa sa tabi ko. Wala si Daniel sa tabi ko? Pinilit kong buksan ang antok ko pang mga mata at inabot ang cellphone ko na nasa bed side table lang. Tiningnan ko ang oras, 2 am pa lang ng madaling araw.

Kumunot ang noo ko nang makitang bukas ang ilaw ng banyo pero wala akong marinig na kahit anong ingay mula roon. Mostly kasi kapag ganito may naririnig dapat akong tunog ng tsinelas niya o ang pagsusuka niya. Weird, ang tahimik niya ata ngayon?

"Daniel?" Tawag ko sa kaniya at bumaba na ng kama para puntahan siya. "Okay ka lang ba?" Tanong ko pero hindi pa rin siya sumasagot, na lalong ikinakunot ng noo ko. Kapag ganito ay sumasagot siya kahit nasa gitna ng pagsusuka para hindi ko na siya silipin sa loob at hindi na makita ang hirap niya.

Huminto muna ako sa harap mismo ng pinto na hindi naman masyadong nakasara at tama lang para hindi ko siya makita sa loob. Hindi niya talaga gustong nakikita ko siyang nahihirapan kaya naging usapan na rin namin na hanggang pinto lamang ako kapag ganito....pero sa mga oras na ito, mukhang mababalewala ko ang usapan namin sa pag-aalala.

"D-Daniel? Papasok ako, ha?" Still, wala pa ring sumasagot kaya napagdesisyonan ko nang itulak unti unti ang pinto.

Nakarinig ako nang ingay ng pagbagsak sa loob kaya napuno ako ng takot. Hindi na ako nakapag-isip at tuluyan ko nang binuksan ang pinto. Sa takot ay nanginginig pa akong pumasok sa loob para makita siyang nakahandusay at walang malay.

"D-Daniel!" Saglit lang akong natigilan at ng makabawi ay mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya. Nanginginig kong inangat ang ulo niya habang tuloy tuloy sa pagtulo ang mga luha ko sa sobrang takot. "D-Daniel...." Sinubukan ko siyang gisingin. Nagmulat naman siya ng mga mata pero mabilis lang at muli siyang pumikit. "T-Tatawag tayo ng a-ambulansiya, o—okay? H-Hold on, please..." Hikbi ko.

Akmang ibaba ko muli ang ulo niya nang pigilan niya ako gamit ang nanghihinang kamay. Nanatili naman siyang nakapikit. "I—I love only y-you....."

Umiling ako at napahagulhol ako. "D-Daniel...don't give up on m-me!" Iyak ko. "GEORGIA! GEORGIA!!!!" Malakas at tarantang sigaw ko na siguradong maririnig kahit kapitbahay namin. "S-Stay with...me, p-please..." Pagmamakaawa ako. "GEORGIA!!!!"

"L-Let....go..." Bulong niya sa nanghihinang boses.

"Shhhh...." Sabi ko at umiling. "GEORGIAAAAAA!!!!"

Hindi rin nagtagal ay narinig ko ang tarantang pagpasok ni Georgia ng kwarto. "G-Georgia!" Mas lalong lumakas ang iyak ko nang hindi na nagre-respond si Daniel. Mabagal na rin ang paghinga niya.

"Corraine! D—Daniel!!" Mabilis siyang lumapit sa'min. "A-Anong nangyare?!"

Umiling ako. "G—Georgia...please......" Pagmamakaawa ko. Tumango naman siya at mabilis na tumakbo palabas ng kwarto.

Humagulhol lamang ako at niyakap siya nang maiwan kaming dalawa ulit. "P-Please....a-aalis pa t-tayo....m-magba-bonding pa t-tayo...h-huwag muna...a-ayoko p—pa..." Mahigpit ko siyang niyakap na para bang makakawala siya sa'kin.

Akala ko magiging okay ang araw na 'to dahil excited na excited siyang i-plano ang mga gagawin namin pagdating sa isla. Gusto niyang mag-bonding kami. Gusto niyang makasama kami. Gusto niyang magbaon ng masasayang memories.

Nag-usap pa kami kagabi kung paano kami babawi sa isa't isa. Kung paano pa namin mas mamahalin ang isa't isa habang.....no, please. Hindi pa ako handa...hindi pa handa ang anak ko.

Pumikit ako at pagod na sinandal ang ulo sa pader. Sinubukan kong huminga ng malalim para maibsan kahit papaano ang takot at kaba sa puso ko, pero parang mas lumala lang ang nararamdaman ko.

'Yong sakit mas lalong tumindi.

"Corraine...." Nagmulat ako ng mga mata at nilingon ang Mommy ni Daniel. "Inuwi na muna ni Georgia si Maxine para makapag-pahinga. Iyak ng iyak kasi ang bata at tingin ko'y hindi rin makakabuti sa kaniya ang manatili muna rito.Sumabay na rin ang pinsan mo pati ang mga magulang niya. Hindi na sila nakapag-paalam sa'yo dahil sa kalagayan mo ngayon. Babalik naman daw sila bukas."

Tumango ako. "Thank y-you po, uh, kung gusto po ninyong umuwi para makapag-pahinga na rin ayos lang po sa'king maiwan rito." Matamlay kong sagot.

Ngumiti siya at alanganing inabot ang kamay ko. Nang makita niyang hindi ako umaalma ay lakas loob niya 'yong hinawakan ng mahigpit. "Uuwi rin kami hindi para m-makapag-pahinga kundi para h-hayaan kang makausap siya....mula kanina ay hindi mo pa siya nilalapitan...."

Nag-iwas ako ng tingin kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Nagbuga ako ng hangin at humikbi. "My son needs you, Corraine." Malungkot at may pagsusumamong sambit ng Daddy ni Daniel.

Umiling lamang ako. Mas lalong sumikip ang dibdib ko at halos hindi na ako makahinga sa sunod sunod na hikbi. Suminghap ako at tinakip sa bibig ang likod ng isang kamay na hindi hawak ng Mommy ni Daniel na para bang mapapatigil no'n ang hikbi ko.

"H-Hayaan na natin siyang m-makapag-pahinga, Corraine...."

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now