Inabot niya ang kamay ko. "Corraine," Pinaharap niya ako sa kaniya. "Don't overthink. Just focus on what you have right now. Normal lang na matakot ka pang sumugal pero kailangan mo itong harapin hangga't may pagkakataon ka pa. Isipin mo si Maxine, kailangan niya ring malaman ang totoo. You're strong. Naniniwala akong kaya mo 'to."

Lumunok ako at yumakap sa kaniya. "Masakit lang mawalan, Georgia. Ayoko na sanang maramdaman ulit 'yon. Pero...g—gusto ko pa ring s–sumugal." Gusto kong sumugal ulit kay Daniel at sana sa pagkakataong ito...hindi na niya ako biguin.

Tinapik niya ang likod ko. "Nandito lang ako, Corraine. Hindi mapupunta sa wala ang pagsugal mong ito." Sana nga, Georgia.

Tumango lamang ako at niyakap siya ng mahigpit. Hindi ko talaga alam ang gagawin kung wala siya sa tabi ko. Baka nabaliw na ako kung mag-isa lang akong hinaharap ang lahat ng ito.

"Hey," Malat na ang boses ko nang batiin siya paggising niya.

Nasa labas ngayon si Maxine kasama si Georgia at Karen. Ipapasyal lang daw nila ang bata sa garden.

"Hi..." Paos niya ring bati pabalik. Nilingon niya ang kama ni Maxine. "Where is she?" Takang tanong niya.

"Nasa labas kasama sila Georgia. Nauuhaw ka na siguro, " Tumayo ako at lumapit sa pitchel. Kumuha ako ng baso at nilagyan 'yon ng tubig. "Uminom ka muna." Naka-upo na siya at nakasandal sa unan nang bumalik ako. Inalalayan ko na rin siyang uminom.

"Thank you, Asawa ko." Ngumiti siya.

Tumango ako at binalik ang baso sa side table. "Kamusta na ang pakiramdam mo? Masakit pa ba ulo mo?" Tanong ko bago umupo sa upuan sa tabi ng kama niya.

"Wala nang masakit, Asawa ko. Kinakausap mo na kasi ako..."

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin. "Kinakausap naman talaga kita, uh?" Iniisnob ko ba siya?

He sighed. "Oo, pero lagi ka namang galit at parang napipilitan lang."

Kumurap ako. "Ngayon?" Tiningnan ko siya. "Mukha pa rin ba akong galit at napipilitan lang?"

Umiling siya at magaang ngumiti. "Hindi na. Parang bumalik na tayo sa dati. Malambing na ulit ang mga titig mo sa'kin at magaan na rin ang trato mo sa'kin...dahil ba may t–taning na ako? Dahil ba mamamatay na ako?"

"Don't say that!" I hissed. "Hindi ka pwedeng mamatay! Kailangan mo pang bumawi sa amin ni Maxine. Kapag iniwan mo pa kami, ako na mismo ang papatay sa'yo!"

He chuckled. "Gustong gusto ko talagang bumawi, Asawa ko." Napayuko siya. "Kaya nga kahit mahirap lumalaban ako. Lumalaban ako para sa inyo...kasi gusto ko pang bumalik. Gustong gusto ko talagang bumalik, C–Corraine." Nabasag ang boses niya. "G–Gusto ko nga sanang bumalik kapag m–magaling na ako pero wala, eh. Binigyan na ako ng taning.  Naging desperado t–tuloy akong bumalik para bumawi h–habang may...oras pa."

"Mahaba pa ang oras mo," Nakagat ko ang ibabang labi. "Isa pa'y gusto kong ipakilala ka ng sabay kay Maximo at Maxine."

Gulat at naluluha siyang nag-angat ng tingin sa'kin. "A–Asawa ko...." Tuluyan nang tumulo ang ulo niya. "I-Ipapakilala mo na a–ako? P–Pumapayag ka n–na?"

Inabot ko ang kamay niya. "G–Gusto kong bigyan k–ka ng pagkakataong b–bumawi sa'min, lalo na kay M–Maxine..." I sighed heavily. "k–kaya...please lang...mabuhay ka ng mas m–matagal. L–Lumaban ka pa para sa amin.."

Hinigpitan niya ang kapit sa kamay ko. "P–Pasensiya ka na, Asawa k–ko. Mukhang h–hindi rin ako m–magtatanggal...pero pangako k–kahit hirap na hirap na ako? H–Hindi pa rin ako bibigay. L–Lalaban pa rin ako para sa inyo ni Maxine..."

Tumango ako at mapait na ngumiti sa kaniya. "G–Gusto ko pa ring t-tuparin mo ang pangako mo sa akin noon...na hanggang sa pagtanda m–magkasama tayo..." Durog ang boses kong tugon.

"H–Hanggang sa pagtanda, A–Asawa ko.."

Nanatili pa kami sa ospital ng dalawang araw bago kami dinischarge ng doktor. Nauna nang umuwi si Maxine at Georgia sa'min. Kakausapin pa daw kasi kami ng doktor tungkol sa kalagayan ni Daniel.

"Umuwi na lang tayo. Bakit kailangan pa nating kausapin ang doktor? Wala rin naman siyang magagawa sa kalagayan ko." Giit niya habang pinapanuod akong nagliligpit. Tinutupi ko na lang ang ibang damit niya na naiwan, nadala na kasi nila Georgia ang ibang gamit namin.

"Nag-usap na tayo, Daniel. Susundin natin ang kahit anong sasabihin ng doktor. At gagawin natin ang lahat para bumuti ang lagay mo." Para gumaling ka.

"Marami na akong doktor na nakausap at lahat sila isa lang ang sinasabi sa'kin!" Frustrated niyang sabi. "Wala na daw pag-asa, Asawa ko! Mamamatay na raw ako!"

"Ano ba, Daniel?!" Sigaw ko na ikinagulat niya. "Pati ba naman ikaw papatayin ang kakarampot ko pang pag-asa?! Pwede ba? Kung pahihinain mo lang ang loob ko, manahimik ka nalang!"

He sighed heavily. "I–I'm sorry...." Yumuko siya. "A–Ayoko lang ring umasa ka pa at m–masaktan sa huli..."

Nanlalambot akong umupo sa naging kama ni Maxine. Hindi ko na siya nilapitan dahil baka mas lalo lang akong bumigay. Mas nanghihina kasi ako kapag mas nakikita ko nang malapitan ang namumutla niyang mukha. Parang may sumasaksak sa puso ko.

"A–Ayoko rin namang masaktan sa h–huli, Daniel. Sino ba ang g–gustong m–masaktan? Wala naman 'di ba? Pero nandito ako ngayon. Nagtitiwala at sumusugal ulit sa'yo. G–Gusto kong maniwala ulit sa'yo." Nag-init ang mga mata ko. "K–Kaya sana...tuparin mo ang pangako mo sa pagkakataong ito.." Nilingon ko siya. "M–Mabuhay ka..."

Kailangan niyang mabuhay. Hindi lamang para sa akin kung hindi para na rin kay Maxine.

Hello to you 😉
Thank youuuuuu 😘 nababasa ko po lahat ng comment ninyo at sobrang nakaka-inspire po 🥰 Thank you so much! I love you 💖

And,
me_ris Thank you for your support, Mommy!  💖💖 Masaya akong nakilala kita rito sa wattpad world 😉

Take care everyone!

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now