I sighed. Halos tumakbo na ako palabas nang bumukas ang pinto ng elevator. Dire-diretso ang lakad ko habang tinitingnan ang mga number ng bawat room. Ang sabi ni Georgia, Room 208 daw sila.

Nakagat ko ang ibabang labi nang makita ko na ang kwarto. Huminga muna ako ng malalim bago ko 'yon binuksan. Una kong nakita ang dalawang hospital bed limang metro lamang ang layo sa isa't isa, tapos ay Georgia na kaagad tumayo nang makita ako. Nakaupo siya malapit kay Maxine.

Malalaki ang hakbang ko palapit sa kanila. "What happened?" Tanong ko habang hinahaplos ang ulo ni Maxine. Natutulog siya. May bandage siya sa ulo at sa kaliwang kamay. "B–Baby? Momma's here..." Nanginginig ang boses kong bulong. Akala ko pati siya mawawala sa'kin.

"Kasalanan ko, Corraine.." Simula ni Georgia. Napatingin ako sa kaniya. "Na-late kasi akong sunduin siya k–kaya nainip siguro....t-tumakas sa teacher niya tapos l–lumabas daw ng school...nahagip ng k–kotse kaya....K–Kasalanan ko talaga..." Hikbi niya.

Umiling ako. "Hindi mo ginusto ang nangyare." Tinapik ko siya sa braso. "Ang mahalaga okay lang siya. Huwag ka nang umiyak.." Mahal niya si Maxine, alam kong nasasaktan din siya nangyari.

Tumango siya at nagpunas ng luha. "Mabuti na lang nga at nandito si Daniel." Nilingon niya ang kabilang kama. "Nagbigay siya ng dugo kay Maxine. Niligtas niya ang anak ninyo, Corraine."

Suminghap ako at dahan dahang nilingon ang kabilang kama. Kaya pala may isa pa, siya pala ang nakahiga doon at natutulog din. Lumambot ang puso ko. Niligtas niya ang anak namin...sa pagkakataong ito, ako ang may utang sa kaniya.

"Nanghihina kaya kinuhanan ko ng higaan...." Sabi pa ni Georgia.

Tumango lang ako at muling binalik ang atensiyon kay Maxine. "Kamusta daw siya?" Tanong ko.

"Stable na daw sabi ng doctor. May gasgas sa ilang parte ng katawan. Yong sa kamay niya, nabale daw pero gagaling din pagkalipas ng ilang linggo. Tapos 'yong sugat niya sa noo, medyo malalim. Maraming dugo ang nawala sa kaniya kaya kailangan kong tawagan si Daniel." Sabi niya.

Tumango ako. "Mabuti naman ang ligtas ang baby ko..." Garalgal ang boses kong sabi. "Hindi ko alam kung anong mangyayari sa 'kin kung pati siya mawawala."

"Malakas si Maxine, Corraine. At hindi hinayaan ni Daniel na may mangyari sa kaniya."

Hinalikan ko sa noo si Maxine. "Anong nangyari sa nakabangga sa kaniya, Georgia?" Tanong ko na lang.

"Nasa presinto pala," Inabot niya sa cellphone sa tabi. "Kailangan ko pa lang pumunta doon. Ikaw na muna ang bahala dito?" Sabi niya.

Tipid akong ngumiti. "Oo," Inabot ko ang kamay niya. "Salamat, Georgia." Kung wala siya hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Niyakap niya lang ako bago umalis. Ang sabi niya'y baka mamaya pa daw o bukas magigising si Maxine dahil sa gamot na binigay sa kaniya. Mabuti na rin 'yon para hindi niya muna maramdaman ang sakit ng mga sugat niya.

I sighed heavily. Binalingan ko naman si Daniel. Nakita kong gising na siya pero nasa kisame lang ang mga mata. Inayos ko muna ang kumot ni Maxine bago ako lumapit sa kaniya.

"Uhmm how—" He cut me off. Natikom ko na ang bibig nang mag-salita siya.

"–Naiintindihan ko na kung bakit hindi mo ako mapatawad. You've been through a lot. Ang laki laki din pala ng kasalanan ko sa'yo at sa mga anak natin. Kasalanan ko lahat, Corraine. And I'm so sorry for leaving you. I'm sorry I-I wasn't with y-you, when you g-gave birth to our t-twins. On their f–first birthday. W–When you needed me the m—most and when you...l–lost..." Nanginig ang boses niya. "h—him." Parang isang malaking bara sa lalamunan niya ang huling sinabi.

 Lost in MemoriesWhere stories live. Discover now