Chapter 28: Fine

106 7 0
                                    

Tazanna PoV:

"Ok na po ba siya?" nag-aalalang tanong ko sa isa sa mga doctor na tumingin kay Maxen.


"For now, stable na siya but still unconcious." the doctor answered.

Pagkatapos magtanong ng ilang questions ay umalis na ang doctor kaya nagpasalamat ako. Napa-upo ako sa bench dito sa hospital. Ang dungis ko na, hindi ko na rin alam kung kailan ako huling kumain.

"Tazanna!"

Napalingon ako sa tumawag sa akin. Sina Rin at Rhian. Agad ko silang niyakap na parang ilang taon kameng hindi nagkita. Napansin ko na rin ang mga luhang bumuhos sa mga mata ko.


Hindi ko alam kung nangyari, napakabilis. Hindi ko rin alam kung bakit nandoon si Maxen sa tabi ko at hindi ko rin alam kung bakit naging abo ang paligid. Parang naging blanko ang isipan ko. Ni hindi ko na nga sinbukang isipin kung ano-ano ang mga nangyari dahil ang kailangan kong gawin ay madali si Maxen sa hospital.

Gamit ang Creating ability ay bumuo ako ng malaking agila upang mabilis kong madala si Maxen dito sa Academy. Kahit na sobra akong pagod ako, hindi ko yun inisip dahil ang nasa isipan ko lamang ay ang mailigtas si Maxen.

It's sounds weird but nevermind.

It doesn't matter at all.

Halos mag-iisang araw na ang nakalipas nung mangyari yun pero hanggang ngayon ay di pa rin ako kumakain at naligo.

Hindi ko nga alam kung nangangamoy na ako pero wala akong pakialam. Kailangan kong hintayin na matapos lahat ng test ni Maxen para mapanatag ako na ligtas siya. Dahil feeling ko..

Kasalanan ko kung bakit to nangyari sakanya. Hindi ko man maalala pero may nagsasabi sa akin na kasalanan ko.

"Tazanna, ano ba ang nangyari? Nakita na lang namin na abo na ang kaharian ng kalaban. Tapos tinanong namin kung nasaan kayo sinabi nila na nasa hospital kayo." alalang sabi Rhian.


Pinunasan ko ang luha ko ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pag-agos.

"H-hindi ko alam.." wala sa sarili kong sabi.


Hindi ko alam kung bakit hindi ako makapag-isip ng matino pero sana maintindihan muna nila ako kahit ngayon lang. Kasi parang may masakit sa akin pero hindi ko alam kung ano ang dahilan.


"Sige, hindi ka muna namin pipilitin na magpaliwanag pero sana maligo ka na at magpahinga. Tignan mo yung itsura mo. You look exhausted." Rhian said.

"P-pero.. paano si Maxen? Walang mag b-bantay sakanya.." pag hindi ko sang-ayon.


"Tazanna ano ka ba! Nakikita mo ba yung itsura mo? Ilang araw ka ng walang ligo. Hanggang ngayon yung damit mo nung ball, suot mo pa rin. Nababalutan ka na rin ng abo. Para ka na ngang umitim eh. Tapos ilang araw ka na rin sigurong hindi kumakain. Kaya please.. ayusin mo muna sarili mo. Maayos na si Maxen. Babantayan na rin siya nina Norman kaya kahit ngayon lang. Alalahanin mo rin yung sarili mo." panenermon niya sa akin.

Nagbabadya na namang lumabas ang luha sa mata ko. Bakit ba hindi kayo tumitigil? Pagod na akong umiyak.


"Alam niyo ba k-kung bakit hindi ko inaalala yung sarili ko? Kasi ..pakiramdam ko, ako yung may kasalanan. Pakiramdam ko, may ginawa ako na hindi ko naman dapat gawin.. pakiramadam k---" Rin cut me off.


"Stupid. What you feel is so stupid." Rin said harshly.


I saw Rhian hold Rin.

"S-stupid? Kung ganon ..b-bakit ako nasasaktan.." napaluhod na ako sa sakit ng dahil sa panlalambot ng tuhod ko. ".. Kung stupid, bakit ang sakit.. bakit ang.. SAKI--"



Rin hold my hand and look at me straight to the eyes.


"Shut up. Look, you look so devastated. Do you think Maxen will be happy to see you like this? Tell me.. do you think he wants to wake up if he saw you like this?"


I look at Rin then I look to Rhian.

Napa-iling na lang ako bilang sagot.


Hindi ko na alam ang sunod na nangyari basta bigla na lang akong hinila ni Rin at ngayon ay naglalakad na kame sa kung saan.

And now, I just found myself sitting at my bed.

"We will leave you here. I hope you will take a bath and have some sleep to regain your energy. We will be right back para sa dinner."

Hindi ko na alam kung sino yung nagsasalita basta para akong timang dahil nakatingin lang ako sa kawalan.

Wala sa sariling humiga ako at pumikit. Sana nga kahit papaano ay makatulog ako ng mahimbing.

——

Dinilat ko ang mata ko ng bigla akong naalimpungatan. Parang bigla akong nagkaroon ng lakas at nabalik sa tamang pag-iisip. Bumangon na ako at pumunta na sa banyo. Hindi ko alam kung paano ako nakatiis sa ganitong kaduming damit.


Pagkatapos maligo ay nagbihis na ako at naghanda na. Hindi pa ako masyadong okay pero kahit papaano ay alam ko na ang dapat gawin. Hinintay kong dumating sin Rin at Rhian dahil naalala ko na sinabi nila na pupunta sila dito pagdinner na.


Ngayon ko lang din naramdaman ang gutom. Habang naghihintay ay bigla naman akong natigilan ng may nagflash na memorya sa utak ko.


Naaalala ko na.


Naalala ko kung paano namatay si auntie, paano ko pinatay yung joker at kung paano ko pinasabog ang kaharian ng kalaban. Napatakip ako ng bibig dahil ako makapaniwala sa nagawa ko.


Feeling ko.. ang sama-sama kong tao.


Napalingon ako sa pinto ng bigla itong bumukas. Niluwa no'n sina Rin at Rhian. Bigla naman akong napayakap sakanila at umiyak. Tinanong pa nila ako kung anong nangyari pero patuloy ko lang sinasabi na ang sama kong tao.



Ilang minuto akong umiyak hanggang sa tumigil na ako.


"Ayos ka na ba?" tanong ni Rhian sa akin. Tumango lang ako bilang sagot. Kwinento ko sakanila yung naalala ako sinabi nilang wag ko ng isipin yun dahil sa katunayan ay parang tinalo ko pa daw yung kalaban.



Pumunta na kame sa dining hall at kumain na. Tahimik lang kameng kumakain hanggang sa biglang dumating si Norman at hinihingal pa ito na parang tumakbo ng sobrang layo.


"Bakit? Anong nangyari?" tanong ni Rhian kay Norman.













"Gising na si Maxen." sabi niya.


I hope everything will be..





Fine..

—————————

Shoot! Ang sabaw ng update na to :(

By: Yniexx_

The Girls Secret Academy [Completed]Where stories live. Discover now