Chapter 7: Destination Part 3

216 25 1
                                    


Author's Note:

Sa mga gusto pong maka-alam kung anong itsura ng isang kunoichi eto po yun..
👆👆👆👆👆👆👆👆👆👆👆👆👆


Tazanna PoV:

Wag mong sabihing..

Alam kong naramdaman din iyon nina Rin ngunit nagpapakiramdaman lang kame. Dahil di namin alam na baka bigla na lang susugod ang nagmamasid sa amin.



Naglakad na kame palayo kahit alam naming nakamasid pa rin ito sa amin at nakakatakot ito. Ng makita naming malayo-layo na kame sa crystal store na yun ay may narinig na kameng kaluskos. At laking gulat ko ng tumambad sa amin ang isang.




Oso! Waahhh mommyyy!




Nakakatakot ang osong ito lalo na't parang hindi ito nakakain ng ilang araw at kame ang balak niyang kainin.




Huhu. Hindi naman siguro ako mamatay ng maaga diba??


Ng maglabas ng black smoke si Rin akala ko bigla na lang bubulagta ang oso na nasa harapan namin ngunit nagulat na lang ako ng makita kong wala itong epekto sa oso at nakita ko ring nainis na si Rin.




"Urgghh.. May harang ang oso kaya hindi siya inaapektuhan, at sa tingin ko ay may nagmamanipula sakanya." sabi ni Rin. Whaat? Ang ibig bang sabihin nito ay may iba pang nakamasid sa amin, maliban sa osong ito?


Ng makitang hindi gumagana ang black smoke ni Rin, ay sinubukan naman ni Rhian na gamitin ang ability niya. Kumuha siya ng pana at pinana iyon sa oso at nakita naman naming tumama ito sa oso ngunit wala pa ring nangyari. Mukhang hindi ito pangkaraniwang oso.

Pinaulanan pa rin ni Rhian ng pana ang osong nasa harapan namin ngunit hindi pa rin talaga ito tinatablan. Nakita ko namang wala na talaga kameng pag-asa. Habang nilalabanan pa rin nina Rhian ang osong ito, humakbang naman ako paatras. Hindi ko alam kung tama ba itong ginagawa ko, ngunit kailangan, lalo na't hindi namin alam kung ano ang gagawin. Nang makita kong hindi nila napansin ang pagkawala ko, pumunta agad ako sa isang puno. At tama nga ang hinala ko.

Kahit na natatakot na ako, ay humanap pa rin ako ng paraan kung paano ko siya aatakihin. Nakita kong abala pa siya sa pagkontrol sa oso kaya nilagay ko muna sa isang side ang paper bag at kumuha ng malaking bato. Sana lang maging epektibo ito.

Gamit ang natitira kong lakas, ay binato ko na agad ang malaking batong hawak ko at nagtagumapay nag ako. Nakita ko siyang nawala ng balanse kaya nahulog siya sa puno, ngunit mabilis din siyang nakabawi at nakita kong tumingin siya sa harapan ko. Oh oh. Wrong move.

Ngunit laking gulat ko ng marealize ko kung anong klaseng nilalang siya, at nakita kong isa siyang..














Wizard?!













Oh no. Now I'm dead.








Napatingin naman ako sa direksyon nina Rin at nakita kong malapit na nilang mapuksa ang oso, Tss.. Nadistract siguro ang wizard na ito kaya hindi niya napansin na hindi niya na naco-control ang oso. Nakita ko namang ngumiti ang wizard. Geez. Creepy. Tinaas niya ang wand niya at may sinabi na kung ano. At last ko na narealize na isa itong spell. Naramadaman ko namang parang may lubid na nakatali sa akin dahil hindi ako makagalaw. Sh*t ang sakit.


"RIN! RHIAN!" malakas kong sigaw.

"Akala mo ba maririnig ka nila? Gumawa ako ng barrier kaya kahit anong sigaw mo ay hindi ka nila makikita at maririnig." bigla naman akong nawalan nang pag-asa ng dahil sa sinabi niya. Sh*t ang sakit talaga.

The Girls Secret Academy [Completed]Where stories live. Discover now