Chapter 27: Done

113 5 0
                                    

Tazanna PoV:

Dahan-dahan akong naglakad para hindi lumikha ng kahit anong ingay. Lumingon-lingon pa ako sa paligid para makasiguradong walang tao.


Kinuha ko ang susi sa bulsa ko para i-unlock ang mga lock sa selda ko. Dahan-dahan lang ang mga galaw ko hanggang sa na-unlock ko na.



Dahan-dahan kong binuksan ang pinto ng selda at naglakad ng parang di-makabasag pinggan.


Pumunta ako sa left side instead na sa right side papuntang labas.


"Auntie.." mahina kong sabi habang palinga-linga pa.



Nanlakai naman ang mga mata ni auntie at parang nagtataka kung paano ako nakalabas.


"Mamaya ko na ipapaliwanag auntie basta ang mahalaga makaalis na tayo sa lugar na to." mabilis at mahina kong paliwanag.


Unlock na ang mga lock kaya binuksan ko na ng dahan-dahan ang pinto ng selda ni auntie. Ngayon ay kailangan kong hanapin kung saang lugar ang walang proteksyon para magamit ko na ang ibang ability ko.



Paalis na kame ni auntie ng biglang may yabag na may paparating. Sh*t kunoichi!



Huminto siya sa harap namin.


Hindi nagsalita ang kunoichi pero pumwesto ito tanda ng makikipag laban niya sa amin.


"Tazanna ano ng gagawin natin?" takot na sabi ni auntie.


Ibang-iba na ang itsura niya kumpara nung huli ko siyang nakita. Ang laki ng eyebags niya, masyado na rin siyang pumayat at may mga wrinkles na rin siya. Dati ayaw na ayaw niyang mag mukhang losyang, may pa-skin care tsaka beauty rest pa nga siya pero ngayon ang layo na ng itsura niya.



"Wag po kayong mag-alala auntie, akong bahala." sabi ko sakanya.


Nilagay ko siya sa likod ko at huminga ng malalim.



Mawala ka na, para makalabas na kame..



At sa isang iglap nawala na ang kunoichi sa harapan namin.


Nalaman ko na pwede ko rin palang gamitin ang fading ability sa isang bagay na hindi ko nilikha basta sabihin ko lang yung dahilan.



Ngayon nalaman ko na pati tao rin pala..


Kung ganon, tama nga ang sinabi nila.. masyado akong malakas.



"Pa-paano mo nagawa yun?" takot at gulat na tanong ni auntie.



"Mamaya ko na po sa inyo ipapaliwanag ang lahat-lahat."



Nakalabas na kame sa dungeon at napakunot ang noo ko ng malaking field ang bumungad sa akin.




"Tazanna may kalaban!" sigaw ni auntie.


Mga bantay..


Imbes na gamitin ko yung fading ability, sinubukan kong gamitin ang air ability ko sa mga limang kunoichi na paparating.



Sinubukan kong tanggalan sila ng hininga.


Inobserbahan ko lang ang kanilang kilos at laking tuwa ko nang hindi pa sila nakakalapit ay bigla na lang silang napaluhod at naghahabol ng hinga.



Tumakbo na kame ng tumakbo hanggang sa nakarating kame sa isang lumang palasyo.


Palasyo ng kalaban.


The Girls Secret Academy [Completed]Where stories live. Discover now