Chapter 17: Treatment

148 13 0
                                    

Tazanna PoV:

Halos di ako makabangon ng dahil sa mga pasa at sugat na tinamo ko nang dahil sa laban.

Saturday na ngayon at friday ng gabi ginanap yung Match Night. Actually hindi ko nga alam kung sino ang nanalo sa amin ni Maxen pero isa lang yung masasabi ko. WALA AKONG PAKEALAM.

Parang mamatay halos lahat nang estudyante ng dahil sa laban na iyon pero ang kuripot ng premyo! Hindi worth it ang prize and also di maganda yung prize but I wonder kung bakit mahalaga talaga sakanila ang manalo.

Magla-lunch na pero di pa rin ako bumabangon simula pa kagabi.. Kanina pa rin ako gising ngunit ni hindi pa ako naligo o nagpalit na damit. Ni hindi rin ako nag breakfast pero hindi pa rin ako makaramdam nang gutom.

At actually nasa hospital na naman ako at ang sabi sa akin wag daw muna ako bumangon. Pinakain naman ako pero tumanggi ako dahil wala akong gana. Isang galaw mo lang grabe na yung sakit kaya nanatili na lang akong nakahiga, kahit na gusto ko nang pumunta sa kwarto namin at doon na lang magpahinga.

Pinipilit ko pa ring alalahanin kung ano yung nangyari.. Basta ang huli kong naaalala ay natamaan ako ng fireball at ni hindi ko inaakala na mabubuhay pa ako ngunit malaking pala-isipan sa akin kung ano ang sumunod na nangyari pero sa tingin ko ay talo ako dahil alam kong mas magaling si Maxen kaysa sa akin.

Natigil ako sa pag-iisip ng bumukas ang pinto. Halos nanigas ako nang makita ko kung sino yung pumasok. Hindi ko inaakala na pupunta siya dito.

"Ayos ka na ba?" ganon pa rin siya, blanko lang ang mukha with his cold stare. Walang iba kundi si Maxen.

"I think?" medyo alanganin kong sagot. Hindi ko kasi alam kung okay na ako or hinde pa pero ang weird parang gumaan yung pakiramdam ko.

Napatingin sa siya side table ko.

"Hindi ka pa kumain?" kunot noo niyang tanong.

"Oo.. Hindi kasi ako makagalaw sa sobrang sakit ng katawan ko."

"You should eat." bigla akong nakuryente na ewan. Hindi ko alam pero parang ang laking impact no'n sa akin.

"Masaki-"

"Up"

"Pero-"

"I said up, kung hindi ka pa tatayo diyan, kakargahin kita." ayaw ko man pero tumayo na lang ako. Bwisit na Maxen to! Nakita nang-

What the!








Nakatayo ako!

As in nakatayo, walang masakit! Pero bakit ganon? Kanina lang halos di ko na magalaw yung katawan ko.

"Teka, paanong-"

"I thought you can't move because of body pain?"

"Oo! Pero ewan ko kung baki-"

"Tsk! Don't make excuses."

"Pero toto-"

"Shut up or else.."

"Ano?"

"Just shut up baka hindi mo magustuhan yung gagawin ko pag dumaldal ka pa diyan."

Natakot naman ako kaya tumahimik na lang at sumama sakanya. Nung una hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero nang makita ko ang hallway ay napagtanto kong papunta kame sa dining hall.

Ngunit kapansin-pansin na kapag may nakasalubong kameng estudyante ay umiiwas ito ng tingin at niyuyuko na para bang gumagalang. Nung una na-weirduhan ako pero nang marealize ko ay dahil yun kay Maxen dahil baka siya nga talaga ang nanalo sa Match Night.

The Girls Secret Academy [Completed]Where stories live. Discover now