Chapter 9: First Training Part 2

175 19 0
                                    

Tazanna PoV:

"Sge Tazanna Hali ka na rito diba may armas ka naman yun na ang gagamitin mo." sabi ni Ms. Sera. Siguro tinutukoy niya yung armas na pinagawa namin kay Mr. Leo. Actually dala-dala ko yun at nandito lang siya sa likod ko nakasabit.







Kinuha ko yung armas na nasa likod ko.









"Sge magpapalabas ako ng isang kunoichi, titignan ko kung paano ka gumalaw para naman malaman kung paano ang tama. Malinaw ba?" tanong niya. Tumango naman ako bilang sagot. Sa totoo lang kinakabahan ako.


Pinindut niya na ang yellow botton at bigla naman lumabas ang isang kunoichi, grabe parang totoo ang mga ito. Sabihin na natin clone nga ito pero parang parehas na parehas lang ito ng nakalaban ko nung papunta kaem para magpatahi.





Bigla niya naman akong sinugod. Hala! Anong gagawin ko. Natataranta ko!








Mama! Help!











Hala palapit na siya ng palapit.



"Tazanna. Move!" rinig kong sigaw ni Ms. Sera, wala talaga hindi ako makagalaw.











Ng malapit na siya ay bigla na lang akong napapikit at hindi ko na alam ang ginawa ko, para bang nagslow motion lahat ng galaw ko at nung kunoichi, at ang alam ko lang ay nung malapit na talaga sa akin ay bigla na lang akong gumalaw papunta sa right side at ng nalampasan ako ng kunoichi ay hiniwa ko siya sa likod at bigla na lang siyang nawala na parang bula.









Napatumba naman ako dahil sobrang nangangatog ang tuhod ko. Bigla naman akong nilapitan ni Ms. Sera. At tinanong kung okay lang ako. Tumango na lang ako bilang sagot dahil gulat pa rin ako sa nangyari.






"Wag kang mag-alala masasanay ka rin, siguro nabigla ka lang." pagcomfort niya sa akin at tinulungan akong makatayo.









"Magbreak ka muna, at bumalik ka na lang, pagkatapos mong kumain, alalahanin mo 30 minutes lang ang ibibigay ko sayo." sabi niya, umokay na lang ako at lumabas na. Paglabas ko ay wala man lang nagalalakad sa pasilyo at tanging ako lang.





Ng makarating ako sa Dining hall, ay nakita ko ring wala pa rin tao at tangin mga staff lang. Tinignan ko naman kung anong oras na. 11 am pa lang pala. Siguro busy pa sila sa pagte-training. Pumunta na ako sa buffet at kumuha na ng makakain. Kaunti lang ang kinuha ko dahil hindi naman talaga ako gutom. Siguro pampalakas lang.






Pagkatapos kong kumain ay nakita kong may mga kakaunti ng dumating at nagsi-kain na rin kaya medyo nakahinga na rin ako ng maluwag. Siguro sobrang early talaga akong naglunch.



Lalabas na sana ako sa Dining hall ng makasalubong ko sina Rin.

"Ohh.. Tapos ka nang kumain?" takang tanong ni Rhian.


"Oo ehh, atsaka pinapabalik na rin ako kaya hindi ko kayo makakasabay, next time na lang" sabi ko at ngumiti, alam kong medyo plastik ang ngiti ko pero sorry naman di pa rin ako nakaka get over sa nangyari.






"Ahh ganon ba, sige mag-iingat ka." sabi nila at tumango naman ako bilang pagsang-ayon.













Bago ako nagpatuloy papuntang, training room dumaan muna ako sa library. Gusto ko kasing malaman lahat ng mga ability na meron dito sa Academy. Ewan ko lang kung bakit bigla ko itong naisip. Basta gusto kong malaman.









The Girls Secret Academy [Completed]حيث تعيش القصص. اكتشف الآن