Chapter 20: Weird

126 9 1
                                    

Tazanna PoV:

"Can you please calm down? Kanina ka pa lakad ng lakad diyan." medyo naiiritang sabi ni Rin.

Napabuntong na lang ako at napa-upo.

"Ano bang problema mo at kanina ka pa lakad ng lakad diyan?" tanong ni Rhian.

"Hayss! Si Maxen kasi!" naiinis kong sabi.

"Oh anong meron kay Maxen?" sunod na tanong ni Rhian.

"Nagki-- ahmm! Ang ibig kong sabihin ay nalate ako sa training namin ni Maxen ta-tapos.. Nagalit na lang siya bigla tapos maypa-sabi pa siyang kill the fire ek ek.. Ang akala ko ay bubuo siya ng apoy na kailangan kong patayin pero wala! Tapos ayun umalis na ang mokong!" pagpapaliwanag ko. Alam kong may kaunting sinungalingan akong nalagay pero ayaw kong malaman nila yung nangyari. A-ayaw kong malaman nila na.. Nagkiss kame.

Dahil pag nangyari yun, maaaring magdudulot lang ito ng malaking gulo kaya mas mabuti ng makasigurado.

"Tinanong mo ba siya kung ano yung ibig niyang sabihin?" tanong ni Rhian.

"Oo! Pero ang sabi niya ay "alamin mo" oh! Dba! Nakaka-inis." sagot ko sabay gaya pa ng boses ni Maxen.

"I think mas better kung lumabas ka muna, malay mo sa labas mo malalaman kung anong ibig sabihin ng sinabi niya." suggestion ni Rhian. Si Rin kasi ay nakikinig lang sa amin habang nagbabasa ng libro. Alam niyo naman na ganyan talaga yang babaeng yan.

"Fine! Sige aalis na muna ako." pagpapa-alam ko.

Tumango lang si Rhian kaya umalis na ako.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung saan ako pupunta pero ewan ko ba sa sarili ko dahil mas pinili kong pumunta sa secret garden kung saan ako nahuli ni Maxen dati.

Sinubukan ko lang hanapin ang mga daanan dahil kahit papaano ay kabisado ko pa naman. Naglakad lang ako ng naglakad hanggang sa narating ko na yung wall na sinisipa-sipa ko.

Dahil hindi ko alam kung paano pumasok sa secret garden edi ginawa ko na lang yung nakasanayan ko.

Sinipa-sipa ko yung wall gaya nung ginawa ko.

Pero ilang minuto na ang lumipas ay hindi pa rin ako hinihigop gaya ng dati.

Ilang beses ko pang sinubukan na isipa-sipa pero failed pa rin. Dahil na rin sa matinding pagod. Umupo na lang muna ako at napapikit. Masyadong marami ang nangyari nitong nakaraang araw. Parang kailan lang ina-alila lang ako tapos ngayon eto na.. Ako ngayon ang may hawak ng Elemental Ability.

Paminsan di mo talaga alam kung anong mangyayari sa buhay mo. Life is full of surprises and the only thing that we can do is to ready for that surprise because we don't know that it will make us happy or it can be our greatest downfall.

Napa-tigil ako sa pagmumuni-muni ng may narinig akong nag-uusap.. Base na naririnig ko ay dalawang lalake ito at sa tingin ko ay estudyante rin sila dito.

Hinanap ko kung saan nanggaling yung boses na yun and luckily hindi naman ako nahirapan dahil malapit lang sila sa kinaroroonan ko.

Nagtago lang ako at sinubukan kong makinig sa conversation nila. Chismosa na kung chismosa but i think their convo is not really confidential because i think they are just talking about lovelife.

"Ikaw pre! Na-inlove kana ba?"

"ahmm.. Oo."

"Owss.. So what happened."

The Girls Secret Academy [Completed]Where stories live. Discover now