Chapter 12: The Boys Secret Academy

191 14 6
                                    

Tazanna PoV:

Nandito kame sa tapat ng isang gate, isang gate na kung saan sa likod nito ay may mga pasaway, makulit, trouble maker basta! Puro problema ang dala.

Kung nagtataka kayo kung nasaan man kame ehh.. Syempre. Andito lang naman kame sa isang Academy na puno ng mga pasawayna estudyante. Ang The Boys Secret Academy.

Hanggang ngayon sariwa pa din ang mga nangyari kahapon. Yes tama kayo. Kahapon nangyari ang pagu-usap namin nina Ms. Rhea and now eto. No choice ako.

——————

Flashback
——————

".. Ay kailangan mong ipadala sa The Boys Secret Academy."

"Ano?! Teka bakit kailangan pa akong ipadala sa paaralang yon?!" gulat kong tanong. May lesson kasi kame dito last time sa history. Yung history kasi namin ay history netong Academy kaya doon ko na nalaman ang tungkol sa The Boys Secret Academy. At ang sabi doon ay mga pasaway, trouble maker at nagre-rebelde ang mga estudyante doon kaya ayaw kong mapunta doon.

"Ngunit kailangan Tazanna. May makakatulong sa iyo doon, at hindi ka rin pwedeng huminde dahil yun lang ang tanging paraan para macontrol mo ang kapangyarihan mo. Tsaka wag kang mag-alala. Isasama mo sina Rin."

End of the Flashback

At yun, yun ang dahilan kung bakit kame nandito ngayon. Pinakita ni Rin ang isang papel sa isang guard doon na nagbabantay at ng matapos yun ay bigla na lang bumukas ang gate. Kinakabahan ako.

Naunang maglakad si Rin habang kame ni Rhian ay magkasabay lang na naglalakad sa likod nila. Pagtapak na pagtapak palang namin, nararamdaman ko na agad ang mabigat na presensiya at nakakakilabot ito. Ano ba ito para kameng nasa pungad ng mga demonyo.

Nang pagpasok namin nakita kong walang nakakalat na mga eatudyante at sa tingin ko ay nasa Training Room sila dahil ang sabi ni Ms. Rhea katulad lang daw ang sched namin at sakanila.

Naglakad lang kame ng naglakad hanggang sa napansin ko na nasa harap na kame ng isang castle at sa tingin ko gaya ng Academy namin ay ito ang main castle nila ngunit mas malaki ito kaysa sa amin.

Pumasok na kame sa isang pinto at nakita kong pinto pala ito papasok sa castle, naglakad lang kame ng naglakad hanggang sa huminto kame sa isang pinto. Kumatok muna si Rin hanggang sa may nagbukas na ng pinto, at isa itong lalake na sa tingin ko ay isang Secretary base sa pananamitat kilos nito dahil lubos itong gumagalang.

"Kayo na pala ang pinadala ng Academy.. Hmm. Magandang umaga at sana naman ay mage-enjoy kayo rito." sabi niya sabay ngiti.

Pumasok na kame at nakita ko ang isang lalake na sa sobrang busy ay hindi man lang kame napansin.

"ahh.. Ahmm sir, andito na po ang mga pinadala ng Academy." sabi ng secretary na kausap namin kanina.

"ahh.. Ohh, pasensya na at makalat ang aking opisina masyado kasing maraming gagawin kaya ganito. Btw, I'm Steven Lee but you can call me Mr. Steve and this is my secretary. Cleo Sandoval. So sa tingin ko ikaw ang may hawak ng Powerful/Rare Ability?" tanong niya sabay tingin sa akin.

"Ahmm.. O-opo." alanganin kong sabi.

"So ipapaalala ko lang sa iyo iha, ang ipinunta mo dito ay magtraining at magkakalase lamang and remember. Don't fall inlove and same to you girls. Ang pinunta niyo rito ay training at klase lamang wala ng iba.. " sabay tingin kina Rhian. " .. So I guess, ok na ang lahat at Cleo ipakita mo na ang kwarto nila."

The Girls Secret Academy [Completed]Where stories live. Discover now