Chapter 8: First Training Part 1

208 21 1
                                    

AUTHOR'S NOTE:

Nga pala guys konting spoil lang po, dito na po magsisimula ang trill sa story na ito kaya basahin niyo nahh! Don't forget to follow me and vote this chapter. Thank youu!

Tazanna PoV

Sa wakas! Bigla akong tumalon papunta sa kama ko at pumikit.

Ahh.. Parang ngayon lang ulit ako naka higa sa isang malambot na kama. Grabe! Ang daming nangyari sa araw na ito. Mga quarter 11 na rin kame naka-uwi. And swear sobrang nakakatakot. Buti na lang walang nangyaring kung ano gaya ng nangyari nung maghapon.

At dahil training ko na bukas at late na rin kame nakauwi. Ang sabi na lang ni Ms. Rhea na 10 o'clock na lang magsisimula ang training, para may sapat daw kameng lakas para bukas. Sinabi na rin nina Rin ang lahat ng nangyari ngunit parang ayaw itong pag-usapan ni Ms. Rhea, parang puro lang siya nevermind. Kaya nagtaka ako dahil doon.

Nandito pa rin ako sa kama at balak ko sanang wag nang mag half bath at matulog na lang ng ganito ang sunod dahil sobrang pagod na ako ngunit bigla kong naalala ang binigay sa akin nina Ms. Lynn, Ms. Kina at Mr. Leo. Bigla naman akong napabangon ng marealize ko na kailangan kong makita kung ano ang laman ng box.

Nakita ko namang tulog na ang dalawa. See? Ni hindi man lang sila nagbihis dahil sa sobrang pagod.

Kinuha ko ang paper bag at pumasok sa banyo. Actually wala naman akong gagawin sa banyo ehh, baka kasi magising sina Rin at makita nila kung ano ang laman ng mga box. Mahirap na.

Pagpasok ko sa banyo ay dali-dali kong binuksan ang ilaw at kinuha na ang box.

Kinuha ko ang box na binigay ni Ms. Lynn. Ng akmang bubuksan ko na iyon ng biglang..













"Tazanna? Andyan ka ba sa banyo?" nagulat naman ako ng marinig ko si Rhian at kinakatok ang pinto ng banyo. Sh*t hindi niya itong pwedeng malaman.

"Ahh oo.. B-bakit?" kinakabahan kong sabi.

"Ahh.. Wala nagbabakasakali lang, nakita ko kasing wala ka sa kama mo.. Oh sige, matutulog na ako."

"Sge." napahinga naman ako ng maluwag nang maramdaman kong wala na siya, hayy mabuti naman at umalis na siya.

Bunuksan ko na ang box. At laking gulat ko ng makita ko kung ano ang laman ng box..

































Training suit?!

Teka para saan tohh? Meron naman akong training suit. Bakit kailangan ko pa ang mga ito? Bago ko tignan ang disenyo ng training syit na ito,may nakita naman akong sulat. At nakita kong galing ito kay Ms. Lynn.

To: Tazanna

Alam ko na kapag binasa mo ito ay nalaman mo na kung ano ang laman ng box.. At base sa nakita mo isa itong training suit, ngunit hindi lang ito basta-bastang training suit. Mahalaga ito at kakaiba, maaari kang bigyan nito ng enerhiya lalo na't pag kailangan mo. Kaya hinihiling ko na gagamitin mo lamang ito sa takdang panahon, at iyon ay ang araw na kung saan magtutuos ang mga taga Academia at Dev. Hall, gamitin mo ito dahil para sayo talaga ang mga ito. At alam kong nalilito ka pa sa ngayon ngunit eto lang ang masasabi ko. Maiintindihan mo rin ito balang araw..

From: ~~Ms. Lynn~~

Napatulala naman ako sa nabasa ko. Siguro nga sa ngayon di ko pa maintindihan. Di ko maintindihan kung ano ba talaga ako at sino ako para tumanggap na isang ganito.

The Girls Secret Academy [Completed]Onde histórias criam vida. Descubra agora